Chapter 7

10 0 0
                                    

It is confirmed that she is living in the year 1880.

It means no internet, no modern things, at walang kahit anong makabagong nagisnan niya sa taong 2020's.

She accepted it. Hindi naman niya alam pano umuwi sa sariling panahon, she doesn't know how to live in this era.

And it's 1880, it means nasa panahon pa siya ng mga Kastila at hindi pa lubusang malaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga ito. Pano nalang kung biglaang magka-giyera dito? Siya una mamatay? 

Iniisip din niya kalagayan ng pamilya niya. Tumigil ba ang oras doon o napapaligiran na ng pulis ang apartment niya dahil wala siya 'dun?

"Ay ewan." Bulalas niya sa sarili.

Nasa paanan siya ng hagdan nitong Casa Grande. Puro makaluma ang nakikita niya at noong unang mga araw ay nasisiyahan pa siya dito, ngayon ay ang boring tignan.

Kaya ko kayang magtagal dito?

Habang tumatagal sumasakit ang ulo niya kakaisip, kung paano niya ba matatakasan ang time slip na ito. Nahihilo na nga siya. Baka dito na nga siya matuluyan, grabe mag prank ang tadhana. Nakakamamatay.

Ilang buntong hininga ang ginawa niya kahit na nahihirapan na din siyang magbuga ng panibagong hangin. Ano ba kasing nangyayari at nakulong siya sa panahong wala siyang alamag sa pamatakaran?

One wrong move at garote ang bagsak niya at baka kung anong mga bagay pa ang mangyari sa kanya dito.

"Binibini, mahamog na po dito sa labas at maari po kayong magkasakit kung magtatagal kayo rito."
Si Corazon ang nagsalita at nagmumula ang boses nito sa kanyang likuran.

Tumingala siya sa langit at napansin na gabi na pala. Tumayo nalang siya at nakinig sa sinabi ni Corazon.

Pero hindi pa rin mapalagay ang loob niya dahil sa mga nangyayari.

Baka naman sa susunod pa na mga linggo siya makabalik.


____________



She doesn't know gaano ka big deal sa panahon na 'to ang modesty. It was really a hassle para sa kanyang namuhay sa panahong may liberation na ang mga tao. 

Maski pagtataas niya ng palda ay bantay sarado siya kay Benigna. Katakot-takot kasi na tingin ang pinupukol nito sa kanya.

Eto sila ngayon at nagtatahi kahit na hindi naman siya marunong ay wala siyang magagawa at baka palayasin lang siya ng tatlong Maria kung hindi siya susunod.

"Aray!"

Sumilay ang dugo sa ring finger niya ng matusok iyon nga karayom. Agad naman niya iyong sinipsip.

"Binibini, huwag mong sipsipin at baka marumi ang karayom."

"Ayos lang uy, malayo sa bituka."

Tinignan lang siya ng mga ito. Hindi nga pala ito nakakaintindi ng modernong lenggwahe.

"Pasensiya na po sa inyong lahat pero hindi po talaga ako marunong magtahi kasing-husay ninyo. Well, marunong naman po talaga ako pero hindi ko kayang mag-design."

Marahan na binawi ni Casinia ang karayom at ang tinatahi niyang halos wala namang natapos.

"Kami ay sana iyong mapatawad din dahil pinilit ka naming magtahi."

Grabe ang lumanay talaga ng boses nila. Habang ako growing up laging nagsisigawan sa bahay. Nakakahiya, tuloy.

Sa mahigit na isang linggo niyang pamamalagi sa bahay ng Tres Marias ay napag-alaman niya kay Corazon ang identity ng tatlo.

Si Maria Benigna Dominguez San Isidro ang pinakamatanda. Meron isang anak na nag-aaral sa España. Ito ang pinaka-istrikta kasi nga older sister parang emergency adult. 'Yung asawa naman ay isang propesor sa España din, kesyo kung saan nag-aaral ang anak niya ay doon din nagtatrabaho ang asawa niya.

Si Maria Guadalupe Dominguez San Isidro naman ay ang pangalawa sa magkakapatid. She's a sunshine dito sa bahay, maalaga, maasikaso, mahinhin. Dalagang Pilipina talaga ang personality. May fiancee pero hindi pa ipinapapa-alam ang petsa ng kasal. 

Si Maria Casinina Dominguez San Isidro naman ang pinakabata. Siya ang wala pang boyfriend sa magkakapatid, kasi nga daw walang nagkakagusto sa kanya. Eme naman nitong si Lola mo Casinia.

Minabuti niya talagang alamin ang profile nitong tatlo at baka masangkot siya sa iba't ibang underground operation kung meron man, ipinagdadasal naman niyang sana wala.

But, there's still one thing that bothered her.

"Maaari po bang magtanong?"

"Ano iyon?"

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.

"Paano niyo nga po ulit ako natagpuan?"

Umiwas ng tingin sina Casinia At Guadalupe habang nasa atensyon naman ng tinatahi ang pinagkaka-abalahan ni Benigna.
Ayaw ba ng mga itong sagutin siya?

"Gaya nga ng aming isinalaysay ay natagpuan ka namin sa batis na basang-basa. Nasagot ko ba ang iyong sagot, Binibini?" 

Napaka fierce talaga nitong si Benigna. Grabe ah, kina-career.

Kung sa batis siya natagpuan ay baka may connect iyon sa pagkapadpad niya rito sa panahon na ito. Kung doon siya natagpuan ay baka doon din siya makakabalik.

"Saan po ba ang batis na ito?"


Finally, a lead back home.















The Fading Echoes حيث تعيش القصص. اكتشف الآن