Chapter 5

9 1 0
                                    

Lord! Bakit po ako nandito?! Juskolord, nagwish lang naman ako ng payapang buhay pero bakit mo ako dinala sa panahon na 'to? Natatandaan ko lang naman lumabas ako tapos tumingin sa buwan tapos nahilo...yun lang po! Saan ba ako lumusot at napunta ako dito?

Kanina niya pa ini-uuntog sa mesa ang ulo niya, nagbabakasakaling baka may maisip siyang paraan para makalabas sa time eme eme na ito. Ano bang alamag niya sa history eh ito nga ang pinaka-boring na topic nila nong nag-aaral pa siya. Dito nga lang siya nagnanakaw ng tulog dahil wala itong challenge at puro ungkatan lang ng nakaraan ang itinuturo ng teacher nila noon. Sana nga ay nakinig man lang siya para may alam siya tungkol sa panahong ito.

Malawak ang kwarto at halatang mayaman ang tatlong Maria. Mamahalin pa nga siguro ang ibang gamit dahil kumikinang ang ilang muwebles kapag nasisikatan ng araw.
Nilingon niya ang bintana na nasa kanyang likoran at tinanaw mula sa kanyang kwarto ang isa ding malawak na hardin sa ibaba.

Nakikita niya ang mga taong nakasuot ng lumang kasuotan noon, tanaw din dito ang matatayog na puno preskong hangin. Ganitong mga oras sa taon niya para na siyang prini-prito sa init ng panahon.

Nakasuot din naman ako ng ganyan pero parang mas pricey 'tong sa akin dahil ang lambot ng tela.What if hindi gahaman ang mga tao at hindi nila sinisira ang kapaligiran?

Pero wala na eh. Ang kasulukuyang kanyang alam ay wala nang ganitong mga puno. Well, balik sa problema original niyang problema pano siya makakabalik sa panahon niya?

Pag nalaman kaya nilang taga ibang panahon ako, ikukulong kaya nila ako? Much worse baka ipatapon ako sa mental? So anong peg ko ngayon? Undercover time traveller?

"Ano na bang gagawin ko ngayon?"
Tanong niya sa sarili.

Marahas siyang bumuntong hininga at nagpatuloy sa pagtanaw sa bintana.
Hindi siya mananatili dito sa kwarto at tumunganga lang dito sa bintana, ano ako si Rapunzel? Lumabas siya ng kwarto at bumaba sa hagdan.

Kita mo 'yan Luning! Ang busy ng mga tao dito sa paglilinis tapos magkukulong ka sa kwarto? Maglilinis tayo!

"Binibini, Mainam na ba ang iyong kalagayan?" Isang dalagita ang lumaoit sa kanya at bahid sa mukha nito ang pag-aalala.

"Ay sus, okay na ako tsaka mukhang ang.." Anong tagalog ng busy? "...abala niyo sa paglilinis, pwede ba akong makatulong?" Nginitian niya ang dalagita.

"Huwag na po, Binibini. Kaya na namin ang gawain dito."

Nginitian siyang muli ng dalaga at binigyan siya nito ng tubig.
Bait ni bebegurl.

Pero matigas ang ulo niya at kusa niyang kinuha ang basahan sa gilid at timba na may tubig, lumuhod siya at nagsimulang punasan ang sahig. Nakita siya ng dalagita at agad naman siyang pinatayo pero ayun nga matigas ang ulo niya.

"Ayos lang ako gusto ko lang makatulong sa inyo. Wag mo na akong tawaging Binibini at Luning nalang ang itawag mo, okay? understood?"

"Kung iyan 'ho ang gusto niyo. Magdahan-dahan lang po kayo at madulas ang sahig kapag basa."

Okay, let the cleaning begin.


Kinuskos niya ng kinuskos ang sahig hangga't may nakikita siyang libag sa sahig ay wala itong takas sa kanya. Alam niyang pinagtitinginan na siya ng mga katulong na naglilinis pero wala naman siyang pakialam dahil...well, naglilinis lang naman siya.

"Magandang Umaga Padre!"
Tinig yun ng dalaga kanina.

Uy, kakalinis ko palang diyan! Kaninong paa yan! Alisin mo yan, ma konsensiya ka naman!

Tiningala niya ang taong nakatayo sa harapan niya.

Potek! Ang gwapo!












The Fading Echoes Where stories live. Discover now