Chapter 2

13 0 0
                                    

Pinag-isipan niya ng mabuti kung pupunta ba siya ngayon sa kompanya nila o mag quit na nang tuluyan. Ano pa ba kasing mukha ang pwede niyang iharap sa mga colleagues niya?
Siguro nga ay binigyan na siya nang kung ano-anong pangalan doon.

Kanina pa nga siya nagtitipa sa keyboard niya ng apology letter. Pero kahit anong piga ng utak niya at hanapin ang kung anong pampalubag-loob na mga salita sa diksiyonaryo ay hindi niya kayang ikarga ang sarili na humingi ng tawad.

Sa katunayan nga ay dapat ang pervert na 'yon ang naghihirap ngayon kakaisip kung paano humingi ng tawad sa halip na siya. Wala nga sigurong konsensya ang isang 'yun at sexually frustrated animal.

Masunog sana ang kaluluwa niya sa kinailaliman ng lupa nang magtanda ang kupal.

Delete at panibagong sentences na naman ang paulit-ulit niyang ginagawa pero hindi naman ito bukal sa puso niya. This is making her frustrated even more, ganito ba ang justice system ha?

Ano to? Ikaw na nga sinaksak ikaw pa magpapasalamat ganon?! Wow, very inspiring huh? Nakaka inspire lalo mabuhay.

It's a multi-million contract pero dahil nga sa inasal ng kliyente sa kanya ay sigurado siyang siya ngayon ang sinisisi ng boss at mga acquaintances niya. Marami sigurong galit at dismayado sa resulta ng insidente at hindi naman siya ganon na apektado at deserve naman ng animal na 'yon ang masampal. Nagpapasalamat nga siya at nabigyan pa siya ng pagkakataon na ipaghigante ang sarili bago siya maglayas paalis ng  kompanya.

Napag-isipan niyang lumabas muna at bumili ng pagkain sa convenience store malapit sa apartment niya. Pagkatapos 'non ay mamasyal sa food court ng mahimas-masan ang utak niyang puno ng kung ano-anong mga bagay na bumabagabag sa kanya.

Nagsuot lang siya ng simpleng dress na lampas tuhod at sinapawan ng cardigan na green sa ibabaw. Kumuha na din siya ng payong dahil halata  namang uulan. Pinaandar niya ang bisekleta niya at pumunta muna sa 7/11.

Nagsimula na ring dumilim lalo ng langit habang nakasakay siya sa kanyang bisekleta. Pagdating niya sa tindahan ay pumunta siya sa ref at pumili ng pwedeng laklakin na alak mamayang gabi.

Iinom ako at my heart's content. Walang pipigil at baka gilitan ko ng leeg.

Tatlong bote ng Heineken na 6pack.l ang pinili niya. Kahapon lang kung gaano siya nag-alala sa mga gastusin niya ngayong wala na siyang trabaho, but look at her now just an unemployed girl na grabe gumastos sa alak.

Dinala niya sa counter ang mga napili niyang bilhin. Alak, ilang pakete ng napkin at ilan ding mga chichirya. Napatingin sa kanya ang cashier at para bang ini-inspect ang kasulok-sulokan ng pagkatao niya.
Hanggang dito ba naman mamanyakin na naman siya?

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong niya dito with matching arched brow.

"I.D po ma'am." Ngumiti ito ng pilit.

Mukha ba akong bata? Eh, parang mas matanda pa ako dito eh.

Wala siyang choice kundi maghalungkat ng wallet at hanapin kung anong available I.D meron siya. Sakto namang nakita niya nag national I.D niya. Binigay niya iyon sa cashier at tinignan pa siya habang itinatandi ang I.D sa mukha niya.

"Hindi naman siguro napepeke ang National I.D, trust me hindi 'yan peke." Paniniguro niya rito. Payak pa siyang napatawa kahit na hindi naman iyon nakatulong at parang mas lalo lang naging awkward.

Nakabili naman na siya at hindi niya parin maiwasan na maasar sa cashier, pero alam naman niyang ginagawa lang nito ang trabaho. Pumunta na siya sa Food Court at bumili ng ilang pagkain. Octopus Takoyaki atsaka Lechon Manok para ulam mamaya.

Pinarada na niya ulit ang bisekleta at umuwi na ng apartment. Wala na rin siyang planong magtagal sa labas dahil parang bubundak na naman ang malakas na ulan.







The Fading Echoes Where stories live. Discover now