Chapter 4

11 0 0
                                    

"Kaawa-awang dalaga..."

"Sino naman kaya ang walang awang may gawa sa dalagang ito..."

"Diyos ko por santo, tuluyang nagmamalabis ang mga guwardiya sibil sa pag-aabuso..."

Ano bang nangyayari bakit ang ingay? Weyt, five minutes muna wala na nga akong trabaho tapos maaga pa din akong gigising? Paawat na kayo please.

"Ano ba ang maari nating gawin mga kapatid upang matulungan ang kawawang babae na ito?"

Weyt lang, sino ba 'tong madaldal? Anong tutulungan? Nasa ospital ba ako? Pero why naman ganyan ka lalim magtagalog?

Tamad niyang iminulat ang mga mata at kinuskos iyon gamit ang likod ng kanyang palad. Nagtaka siya sa bubong ng kanyang kuwarto... o nasa bahay ba talaga niya siya naroon?
Gawa sa kahoy ang bubong at mataas din ito...

Teka, nasaan ba talaga ako? Museum?

"Gising na siya Ate." Isang tinig ng dalaga ang kanyang narinig na nagsalita sa tabi niya.

Tinignan niya ang paligid at nakita niya ang tatlong magagandang babae na pinalilibutan siya sa higaan. Dalawa sa Tabi niya at isa malapit sa kanyang paanan.

"Nasaan ako?" Tangi niyang sambit habang nalilito sa kung anong nangyayari at bakit iba ang kasuotan at lugar na kanyang nakikita.

"Nandirito ka sa aming tahanan, Binibini.  Ako si Maria Guadalupe Dominguez Dela Cruz Isidro."

Taas naman. Ano ba klaseng pangalan 'yan hindi kasya sa papel.

"Tingnan mo na ang resulta sa  nagawa ng mga guwardiya sibil sa dalagang ito. Hindi makapagsalita ng maayos at tuliro ang pag-iisip. Kahit kailanman ay laging kasakiman ang pinararanas ng mga iyan!" Sermon 'nong babaeng naka tayo sa gilid niya.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at tinitigan lang din naman siya ng tatlong babae sa magkabilang gilid niya. Naghahalo ang mga iba't ibang emosyon na nakikita niya sa mga mata nilang tatlo at iyon ay pag-aalala, naawa at iba pa. Sinampal niya ang kanyang sarili para naman maramdaman niyang hindi nga siya nananaginip at totoong nangyayari ang lahat ng ito, nasaktan siya sa nagawa ngunit nandoon parin siya.

"Por favor Señorita huwag mong saktan ang iyong sarili. Masama iyan!"

Ang nagsalitang babae ay may katandaan na at para sa kanya ay nasa mga 40-50 years old na ito. Ito marahil ang pinakamatanda sa kanilang tatlo.

"Hindi po ba ako nanaginip? Totoo ba talaga kayo?" Tanong niya sa mga ito.
Nagtinginan ang tatlo sa isa't-isa at nagtuturuan kung sino ang magpapaliwanag sa kanya.

"Ikaw ay hindi nananaginip Binibini, nandito ka sa aming tahanan ang Casa Grande. Ito ang aking mga kapatid si Maria Casinia Dominguez Dela Cruz Isidro at Maria Benigna Dominguez Dela Cruz Isidro. Huwag kang matakot at ikaw ay nasa mabubuting palad, inaasahan namin na iwiwika mo sa amin kung ano ang nangyari sa iyo."

Para siyang idinuduyan sa sarap ng pagkakabigkas ng lumang tagalog sa kanya. But this isn't the time to fall in love, Ning! Hindi mo yan mga kilala, pano ka nakakasiguro na mapagkakatiwalaan mo ang mga 'yan?

"Super long naman po ng mga pangalan niyo. In fairness, ang daming ideas ng mga magulang niyo."
Inilibot niya na naman ang paningin sa kabuuan ng kwarto at madami ang mga gamit na luma. Gaya ng orasan na nakatayo, yung lamesa na may mga design sa gilid, pati yung mga aparador na gawa sa purong kahoy.

"Binibini, mainam na ba ang iyong pakiramdam?" Si Guadalupe ang nagtanong.

"Maayos naman po. Pero bakit po ako napunta dito? Kidnapper po ba kayo?"

Salubong ang kilay ng magkakapatid habang pino-proseso sa kanya kanyang mga  utak ang kanyang pinagsasabi. Tumabi sa kama si Benigna at hinawakan ang kaliwang kamay niya.

"Sana'y naliligo kami sa batis nang makakita kami ng babae na nakahiga at hindi gumagalaw sa ilalim na bahagi ng lugar. Dahil sa aming kuryosidad, lumapit kami at nagulat nang makita na halos walang suot sa kanyang ibaba. Ikaw ang tinutukoy ko, binibini. Kaya dinala ka namin sa aming tahanan upang bigyan ka ng lunas." Paliwanag ni Guadalupe sa kanya.

Napatawa siya ng mahina parte doon sa 'walang halos saplot pang ibaba'.  Sorry, kung alam ko lang sana na dadalhin ako dito sana hindi ako nag short. Nasaan na kaya mga damit ko?

Ngunit hindi niya matago sa sarili ang magtanong. Saan ba siya dinala ng panahon? Anong purpose niya dito at wala naman siyang kaalam-alam sa history ng pilipinas? Ano ba't bakit siya ang ipinadala?

"Marahil pagod pa ang iyong katawan, Binibini. Magpahinga ka muna dito sa iyong silid at kami ay magsisimba muna, maaari mong utusan ang aming mga katulong kung ikaw ay may gustong iutos. Adiós, nos estamos yendo."

Umalis na nga magkakapatid at naiwan siya sa kwarto with a million questions about her arrival in these times. Paano kaya siya ngayon makakabalik?

Makakabalik pa kaya siya?










The Fading Echoes Where stories live. Discover now