Chapter 3

12 0 0
                                    

Hindi nga siya nagkamali at bumundak na naman ang malakas na ulan. Banda mga alas 7 na ng gabi at madilim na sa labas, nakadungaw siya sa bintana ng kanyang sala habang nakaupo lang siya sa sahig.

Sa maliit na mesa nakapatong ang mga pinamili niyang pagkain kanina at isang bote ng Heineken na nakabukas. Sa totoo lang ay wala siyang iniisip, para din kasing sirang plakang nagre-replay sa utak niya ang mga nangyari. Feeling nga niya at nahahati ang atensyon ng utak niya, sa panonood ng TV at pag-iisip ng panibagong ma-a-applyan na trabaho.

Bakit kaya hindi nalang ako mag asawa? Siguro dapat yung lalaking mabait, may kayang bumuhay ng pamilya, may takot sa diyos. Para complete package at ako na ang bahala sa panganganak. Duh, it's my part naman talaga.

Pinukaw ng isang balita sa TV ang buo niyang atensyon habang paisa-isa niyang sinusubo ang pagkain niya.

"Magandang gabi! Abangan ang espesyal na pangyayaring mangyayari mamayang gabi - isang eclipse! Oo, tama po kayo, mayroong magaganap na eclipse ngayong gabi na dapat abangan ng lahat. Kaya't tignan natin ang kalangitan at saksihan ang kakaibang kaganapan na ito. Huwag kalimutang magdala ng mga kagamitang pang-obserba tulad ng teleskopyo at salamin. Manatili sa aming mga balita para sa mga update at impormasyon hinggil sa naturang eclipse. Maraming salamat at magandang gabi sa inyong lahat!"
Sabi ng news caster sa balita.

Tss! Eclipse?

Lunar eclipse pala ang mangyayari ngayon? Dumungaw ulit siya sa bintana at tinignan ang mga bituin sa langit at ang maliwanag na buwan. Akalain mo 'yun may mangyayari pa palang phenomenon ngayon.

Pinagde-debatehan pa ng loob niya kung manonood ba siya o wag nalang. Pero kasi baka hindi na ito maulit pa sayang naman ang pagkakataon kung palalampasin niya pa ito. Siguro nga ito na rin ang sign niya sa Diyos na may pag-asa pa siyang makahanap ng kapayapaan sa buhay. 

Napagdesisyunan niyang maghihintay siya sa naturang eclipse. Uminom siya direkta sa bote ng alak at napangiwi dahil sa kapaitan nito pero nawawala din naman kung kakainan niya ng takoyaki. Alam na niyang susuka siya kung mapaparami siya ng kain. Kung madami siyang iinumin mapapadami din ang kain niya. In the end, siya parin ang magdudusa dahil sigurado siyang isusuka din naman niya iyon lahat.

Wala siyang kawala sa pahirap ng buhay niya. Pati ba naman sa simpleng bagay ay meron pang kaakibat na aberya.

Why can't I just live peacefully? Yung walang eme eme sa buhay. Nakakatakot tuloy maging masaya kasi susundan kaagad ng malas.

Ilang sandali ang lumipas ay natapos na din siya sa pagda-drama niya. Nilinis niya ang pinagkainan at nanghugas na rin at baka sumilay na naman ang kanyang katamaran at hindi na naman siya makakahugas.

Napakaganda talaga ni Mother Earth. Imagine all the things na nakikita ko ngayon are all her creation. Of course, si Lord din hindi natin pwedeng kalimutan.

Sa kabila ng lahat na nangyari uuwi't uuwi siya sa piling ng Diyos. Yun kasi ang turo ng lola niya sa kanya. God is good all the time, all the time God is good.  Motto niya 'yun lagi pero dahil sa kaiklian ng kanyang pasensya para na ring lumilipad pahat ng panata niya.

"Lord, sana naman pag nakita ko 'tong eclipse nato sana mabago ang landas ko. I'm so tired having to endure this all. Pagod na princess niyo."

Umupo siya at niyakap ang tuhod habang nakatingala sa langit at tahimik na tinignan ang buwan.
Nangyayari na ang Lunar Eclipse, nagandahan siya sa nakita at kumuha ng picture para remembrance.

Tinitigan niya ang kabuuan ng buwan at para bang nahi-hipnotismo siya sa liwanag na taglay nito... hanggang sa katagalan ng kanyang pagtitig dito ay sumasakit ang kanyang ulo.

Nahihilo ako...nanlalambot katawan ko. Lasing na ba ako?

Hanggang sa bumagsak na ng tuluyan ang katawan niya sa lupa.










The Fading Echoes Where stories live. Discover now