𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟗

Start from the beginning
                                    

"Alam kong si Llary ang tunay na ama ni Xia. Sa kanilang lahat, Sakin unang binanggit ni Llary ang magandang balitang iyon, sobrang saya niya habang sinasabi iyon. Hindi niya muna binanggit sa iba dahil gusto sana niyang surpresahin tayong lahat. Ang kaso kinailangan niya ng isang katulong para sa surpresa na yon, at nagkataong ako ang naiwan sa mansion nung araw na umuwi siya." Nakangiti ngunit mararamdaman mo ang lungkot sa boses ni Kai.

"Nung araw na yun, sobrang gulat ko na magkakaanak na siya. Dahil ang bata pa niya, pero masaya rin ako para sakaniya dahil isa iyon sa pinapangarap niya. Excited siya na ipaalam sainyo, lalo na sayo Max. Gusto ka sana niyang isama sa susurpresahin pero andun ka pala nung sinabi niya sa akin iyon, edi sa huli dalawa tayo ang kasama niyang mamili ng gamit para sa baby." Anak ng tokwa, dami kong nalalaman pero ang hirap i-sink in.

"May alam ka pala Kai, pero bakit hindi ka nagsabi samin? Limang taon na ang nakalipas." Tila nagtatampong turan ni Seven.

Na kanina tahimik lang at umiiyak.

"Dahil nangako ako sakaniya, na hihintayin kong makabalik si Aza kasama ang anak nila at hahayaang siya ang magsabi sainyo ng totoo. In order to protect them, kinailangan kong magsinungaling sa inyong lahat. I'm so sorry mga dre." Paghingi nito ng tawad, at ngumiti ng malungkot sa akin.

"We understand, actually naisip ko na rin yun pero akala ko hindi totoo so.." Sabi ni Gav at nagkibit balikat.

"Hindi pa rin kayo nagbabago, matatalino pa rin kayo. Akala ko kasi sa kalokohan na lang." Natatawang turan ni Aza at saka tumingin kay Zev.

"Next time, don't let your emotions eat you alive. Matalino ka Vien, wag ka magpatalo sa damdamin mo." Turan nito at nginitian si Zev.

Namula naman ang isa.

"I'm sorry, pero tama ka. Matalino ako, pero pagdating sa nararamdaman ko sayo nabobobo ako." Seryosong turan nito ngunit agad ding ngumiti ng nakakaloko.

"Corny mo." Pagbasag sakaniya ni Aza kaya humagalpak bigla ng tawa sil Gav.

At duon na nga nila sinimulang asarin si Zev.

Pinagmasdan ko sila ng mabuti, nakikisabay sa asaran si ma'am Aza. Mukha ngang matagal na silang magkakakilala.

At kasama ako duon, pero ngayon parang hindi. Funny right? Para akong hindi belong.

"Lei."

Tawag pansin sakin ni Aia na nasa tabi ko na pala,
Nginitian ako nito at duon at may napagtanto ako.

They've been waiting for me to regain my memories because there's a mystery that they wanted to know, and I am the only one who knows what it is.

They knew what happened, but they don't know why it happened. Nor they don't know what 'really' happened.

Sakin umiikot lahat, mga misteryong pilit kong inuungkat sa sarili ko lang pala matatagpuan. Ang mga hinahanap kong kasagutan, nasa sa akin lang pala. And in order to answer those questions, i have to find myself first.

I have to remember everything, every little thing.

First step, i have to go to that place.

Pero, kung pupunta ba ako dun, may maaalala kaya ako?

Well, it's for me to find out.

"I have to go." Turan ko na nakapagpatigil sa lahat.

"To where?" Aia asked.

"Somewhere." Sagot ko na lamang at tumalikod na.

Ngunit hahakbang pa lamang ako ay hinawakan na nito ang kamay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnexpectedWhere stories live. Discover now