Beep ng phone ko ang pumukaw sa aking atensyon. Maagap na kinapa ko ang aking bulsa at tiningnan. Si Tita Judy ang nag-text. Nakahinga ako nang maayos nang mabasa ang nakalagay. Pagkatapos daw ng klase ng mga bata ay dederetso sila sa mall. Ibig sabihin ay gabi pa maisasauli sa akin si Bobbie.


Nang tingnan ko si Asher ay sa akin na siya ulit nakatingin. He wasn't singing anymore. "Who's that?"


My lips twitched a little. Bakit niya tinatanong? Naalala ko na kung bakit ako bumangon, dahil sa gutom. Walang salita na tinalikuran ko siya. Lumabas ako ng bahay. Kung gusto kong kumain ay naririto ang mga pagkain.


Namitas ng dahon sa aking tanim na puno ng malunggay. This was what I needed if I wanted to feel better. Mas mayaman sa bitamina ang sabaw na magagawa ko rito; isang mangkok ng sabaw nito ay katumbas na ng orange juice na limang baso. Pumitas din ako ng isang kamatis bago bumalik sa loob.


Patay na ang sounds ni Asher pagbalik ko. Nakahahukipkip siya habang nakasandal sa ref at nakatingin sa akin. Lalong dumilim ang ekspresyon niya nang makita ang mga dala-dala ko. Dinaanan ko lang naman siya.


Sinimulan kong himayin ang mga dahon ng malunggay, naghiwa ng kamatis, at inilagay sa strainer para hugasan sa lababo. Pagkatapos ay isinalang ko na ang mga iyon sa maliit na kaserola na may kaunting tubig.


Nakatingin pa rin si Asher sa akin nang ilagay ko ang tirang lugaw kagabi patungo sa malunggay soup. Nilagyan ko iyon ng luya at binasagan ng itlog nang kumulo, at saka hinalo.


Nang sinasandok ko na ang rice soup ay doon nagtanong si Asher. "Iyan lang ang kakainin mo?"


Imbes sumagot ay naupo na ako. Kumuha ako ng kaunti sa kutsara, at hinihipan. Nang kaya ko na ang init ay sumubo na. Isang subo, dalawa, tatlo, na parang walang ibang tao.


Narinig ko ang pag-tsk niya. Naupo siya sa harapan ko. Hindi na siya nagtanong dahil na-gets niya na sigurong masasayang lang ang kanyang laway, nangalumbaba na lang siya habang pinapanood ako sa pagkain.


Patuloy pa rin naman ako. Sandok, ihip, kain. Ganoon ang ginagawa ko. Mas kailangan kong mabusog kaysa intindihin ang presensiya niya.

Hindi nga lang talaga maiwasang mahagip ng aking paningin ang braso niya. Mula sa pagkakayuko sa aking mangkok, ay tanaw ko ang ang nakapatong sa mesa na isa sa kanyang mga braso. Makinis, bahagyang balbon, mapusyaw na moreno.



Sa pagkakahagip ng aking paningin sa parte niyang iyon, ay hindi ko na napansin na umabot na rin pala sa mismong isang kamay niya ang aking mga mata. Mahahaba pa rin ang mga daliri niya, magaganda at malilinis ang mga kuko, subalit ang pinaka napansin ko ay ang mga ugat sa likod ng palad niya. Wala iyon dati, ngayon ay meron na. Hindi masyadong halata, pero makikita.


Iyong ugat na parang sa muscle. Basta maugat. Ano ba ang pinagagawa niya? O baka mahirap ang trabaho niya sa barko?


Bakit din ba iniintindi ko pa? Pakialam ko ba sa ugat niya! Kahit saan pa sa katawan niya ang may ugat, ay wala ako dapat pakialam. Walang halaga sa akin ang mga bagay na wala naman sa aking pakinabang.


Dahil sa naisip ay agad na binawi ang aking paningin at ibinalik sa mangkok. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa sa aking harapan.


Hey, did he just laugh? Napatingala ako sa kanya. Sa iba na siya nakatingin, pero naglalaro ang isang maliit na ngiti sa kanyang mapupulang mga labi.


Nang bumaling siya sa akin ay painosente ang kanyang tingin, na tila tinatanong ako kung bakit. Dumiin naman ang pagkakahawak ko sa kutsara.


South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now