13

22 0 0
                                    

"Sinasagot mo na ako? Teka lang, Akisha. Ipro-process ko lang yung mga sinabi mo. Kinikilig kasi talaga ako..."

Natawa pa ako ng konti ng tumalikod s'ya sa 'kin tapos tinakpan ang gilid ng mukha n'ya. Unting-unti naman sumilay ang ngiti n'ya ng lumingon s'ya sa 'kin.

"Seryoso ba 'to o nanaginip ako?" he laughed. "Shit..."

"Totoo 'to! Ito naman hindi maka paniwalang may maganda s'ya girlfriend. Ako lang 'to, Zack. Ikalma mo lang. Kalma baby kalma..."

Mas lalo pa s'ya namula ng mag umpisa akong sumayaw na parang tanga. Pinag mamasdan n'ya lang ako habang nakangiti at naka sandal sa railings.

"Fuck, you're so pretty babe..." He whispered.

Babe...

"Ayon gusto mo itawag sa 'kin?" nakangiting tanong ko sa kaniya sabay lapit. "Babe?"

"Anything, babe..."

Lumapit na ako sa kaniya dahil hindi ko na napigilan na yakapin s'ya. Ang layo na namin. Nag simula lang kami sa konting harutan tapos nauwi na sa totoohanan. Nakaka bilib lang.

"Pasok na tayo sa loob. Malamig na," sabi n'ya sa 'kin. "Ihahatid na kita para maka pag pahinga kana rin..."

"Nag papahinga na ako, Zack..."

Narinig ko ang mahinang tawa n'ya. Kilig na kilig naman 'to masyado sa 'kin. Masyadong pinapa ramdam sa 'kin na inlove na inlove s'ya.

"Tara na, babe!" I teased.

"Stop..." nahihiyang sabi n'ya.

Bumungisngis lang ako tsaka s'ya ginaya papasok. Natutulog na yung Lola n'ya sa sala kaya dahan-dahan akong nag lakad palabas.

"Hindi ka ba hahanapin ng Lola mo? Baka kasi magising," nag-aalalang ani ko.

"Hindi naman malayo yung unit mo," ani n'ya. "Let's go..."

Sabay kami nag lakad papuntang elevator. Magka hawak kamay pa kami na akala mo'y wala ng bukas. Hinatid n'ya naman ako sa tapat ng condo ko. Humarap naman ako sa kaniya na may malaking ngiti.

"Paniguradong mahimbing ang tulog ko nito, Akisha..." he already turned to red! Kilig na kilig yung crush ko.

"Hindi nga halata, eh."

Tumingkayad ako upang patakan ng halik ang pisngi n'ya. Napa pikit naman s'ya kaagad. Napangisi ako ng lumapit s'ya upang halikan ako sa pisngi. Ako na yata yung namumula ngayon. Kung ganyan ka naman gumanti Zack hindi ako papalag.

"Sleep tight, my love," ani n'ya.

Napatakip ako ng bibig. "Good night, babe..."

Ilan minuto pa kami nanahimik bago kami nag paalam sa isa't-isa. Pagpasok ko pa lang sa loob. Sinandal ko ang sarili ko sa may pinto habang nakatakip ang bibig. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumakbo papasok ng kwarto sabay tumili ng sobrang lakas.

"Fuck shit! Kami na ng crush ko! Kung panaginip lang 'to. Lord, ayoko na magising utang na loob!" I screamed top of my lungs. "Deserve ko ba 'to?! Grabe naman ang universe sa 'kin!"

Pinag susuntok ko pa ang unan dahil sa sobrang kilig. Pakiramdam ko ang dami na nangyari sa buhay ko! Ready na ba ako sa pagpapakilala sa parents?! I mean, nakilala na naman n'ya ang parents ko. Hindi pa kami nga kami officials n'on. Panigurado magugulat sa. Pero yung parents n'ya, hindi pa. Kinakabahan tuloy ako kapag iniisip 'yon.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng bigla may mag-chat sa GC. Malamang ang mga babae nanaman na walang ganap sa buhay nila.

@pierrelaine:

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Among Dapitan (Coast Series #2)Where stories live. Discover now