12

12 0 0
                                    

"Huh? Ano? Pano kita sasagutin kung hindi ka pa nga nanliligaw! Tama ba ang pagkakarinig ko talaga? Naglilinis naman ako ng tenga ko!"

Umurong pa ako sa espasyo ng pagitan namin para tignan ng maigi si Zack. He looked more serious! Bumalik ang dati Zack na nakilala ko.

"Tinanong kita noon. Hindi mo yata narinig kasi nga inaantok ka pa that time."

I laughed. "Naknang tokwa! Paano ko naman kasi ma pro-process 'yon kung inaantok pa ako! Tsaka kailan 'yon?"

"Yung inalagaan mo ako. Nung may sakit ako."

"Ah!" I knew it. "Inalagaan lang kita nagkaroon na kaagad ako ng manliligaw. Ang bilis naman!"

Tumawa lang s'ya tsaka pumasok sa loob. Pagkalabas n'ya hatak-hatak na n'ya ang puti na maleta n'ya. Inilapag naman n'ya 'yon sa sahig para buksan ang laman.

"Here," inabot n'ya sa 'kin ang malaki kahon. "I bought this for you. You love pink, right?"

Kaagad naantig ang puso ko dahil sa sinabi n'ya. So, s'ya pala ang type guy na mahilig maglaan ng oras para mag masid sa paligid n'ya. Namamangha ko naman binuksan ang malaking kahon. Sumilay kaagad ang malaking ngiti sa 'kin labi ng makita ang nag tutumpulan na mga pink ribbon na andon.

"Hala! Thank you so much, Zack!" ang laki ng ngiti ko ngayon. "Ang gaganda nito!"

Tumayo ako mula sa pag kakaupo tsaka hindi na napigilan na yakapin s'ya. Natawa pa siya ng bahagya ng muntikan na kami tumaob na dalawa.

"I bought your friend's also," napatingin ako sa hawak n'ya ng isang paper bag.

Marahan ko naman binuksan 'yon. Natawa pa ako ng makita ang mga terno na pang tulog na andon.

"Mahilig kasi kayo mag sleep over, 'di ba?" he chuckled. "Partner na kayo. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang favorite nilang color. Baka mag agawan pa."

"Magugustuhan nila 'to! Thank you, ah!"

Ang laki na talaga ng ngiti ko ngayon. Tumungo naman s'ya tsaka niligpit na ang maleta n'ya. Tinignan ko naman isa-isa ang mga ribbons na ibinigay n'ya sa 'kin. Iba-iba pa ang design ng mga 'yon pero iisa lang ang kulay.

"Lugi ako wala akong regalo sa 'yo. Bawi ako next time!" ani ko.

Marahan naman s'ya umupo sa tabi ko tsaka isinandal ang sarili sa couch. Tinitigan naman n'ya ako na para ba gustong-gusto ang nakikita dahil isa-isa ko sinusukat ang clip na ibinigay n'ya.

"You can afford those clips. Bakit naman ang laki ng ngiti mo?" hindi n'ya napigilan na mag tanong. "Ayan bagay sa 'yo 'yan. Cinnamon roll."

"Syempre iba pa rin yung bigay! Alam mo 'yon. Iniisip kasi nung mag bigay sa 'yo na magugustuhan n'ya kaya 'to? Babagay kaya sa kaniya 'to?" I said while smiling.

"You're right. Nahihirapan ako mag hanap ng pwede ko ibigay sa 'yo. Kaya ayan nalang ang naisipan ko."

"Nakakahiya naman! Nanghingi ka pa sa parents mo," I chuckled. "Halatang mamahalin 'tong mga 'to."

"Uhm," napakamot s'ya sa batok n'ya, halatang nahihiya. "Pinag ipunan ko 'yan. Galing sa pag stre-stream ko."

Nanlaki ang mata ko don. "Talaga? Nag stre-stream ka na pala? Bakit hindi ko alam? Kailan pa?"

"Last week," nakangiti na s'ya ngayon. "Nahihiya kasi ako. Hindi pa naman ganon kalaki ang platform na meron ako."

"Darating ka naman d'yan ano ka ba! Tulungan kita kung paano mag-gain ng mga followers mo! Ang lowkey mo naman kasi sa socials mo!" natatawang ani ko.

Among Dapitan (Coast Series #2)Where stories live. Discover now