11

10 1 0
                                    

"What?! Oh, my god. Mabuti nalang at walang nangyari sa 'yo. Lalo na kay Zack. Those trash men!"

Galit na galit ang reaction ni Pierre. Kwinento ko kasi sa kanila yung nangyari noong isang linggo. Nasa Los Angeles na ngayon si Zack.

"Instant the knight in shining armor pala ang peg n'yan," si Lynette.

"Saludo ako kay Zack. Talaga kaya n'ya isugal yung kaligtasan n'ya para lang sa 'yo, Akisha," seryosong ani ni Ke.

Tumungo naman si Avi. "Mabuti nalang at andon lang sila dalawa ni Bricks. Kung hindi nasa balita ka na ngayon."

"Pangarap mo pa naman na ikaw yung mag babalita tapos ikaw pala yung mababalitaan," pang-ookray ni Lynette.

"Kung sabunutan kaya kita?" irap ko.

"Tumatapang ka na yata?" pang hahamon n'ya.

Noong gabi 'yon kinuhanan kami ng statement ng mga pulis. Nakulong din ang gago 'yon. Modus na pala talaga ng mga kasamahan n'ya ang gawain nila na mang hamblot ng iba't-ibang babae.

"Shit," bulong ko ng makita may tumatawag sa cellphone ko. It's Mom.

Hindi ko pa nasasabi sa kanila 'yon. Pagkakarinig ko kasi last time may hawak silang mabigat na operation. Ayoko naman na lumipad ang isip nila sa 'kin. Maayos na naman ako. Mahalaga safe ako ngayon.

"Hello, Mi?" I answered.

Tumayo muna ako tsaka lumabas sa veranda ng condo ni Pierre. Narinig ko naman ang pag tulo ng tubig sa kabilang linya. Mukhang may natapos silang operation.

"What happened, dear?!" nag-aalalang tono ng boses n'ya. "We will pick you up. Nasaan ka ba? Dapat kasi may body guards ka na!"

"Mommy! Hindi naman kailangan. Tsaka ko na ikwekwento sa inyo yung nangyari kapag nasunod n'yo na ako. Ise-send ko sa inyo yung address. Take care! I love you both!"

Paglabas ko, nag uusap pa rin ang mga kaibigan ko tungkol sa nangyari. Gusto daw sugurin ni Lynette sa prisinto yung lalaki na 'yon. Kung s'ya pa raw yung naka kita sa lalaki 'yon baka s'ya raw talaga ang pumatay don.

"Kung libre lang talaga pumatay. Matagal na bawas ang mga manyakis dito sa pilipinas. Tangina nila. Iisa-isahin ko ang mga burat nila pag puputulputulin. Isipin n'yo 'yon. Gusto lang naman natin mamuhay ng normal bilang isang babae. Tapos may ganyan klaseng tao! Tangina!"

Galit na galit na talaga s'ya. Namumula na nga ang leeg n'ya. Umiling nalang ako tsaka uminom ng tubig.

"Nakakulong na naman na. Tsaka nag sampa na rin ng kaso yung ibang babae nabiktima n'ya," sabi ko, pampagaan ng loob nila.

"Next time h'wag ka na basta-basta pupunta sa lugar kung hindi ka naman pamilyar. Tawagan mo isa sa 'min. Sasamahan ka naman namin," seryosong sabi ni Avi.

"Kahit ako! Kahit biglaan pa out of the country 'yan. Alam mo naman suportado ako sa kalandian mo!" pagbibiro pa ni Ke.

"Ang tanong. Bakit hindi ka sinundo ni Zack kung nasiraan ka ng sasakyan?" mataray na tanong sa 'kin ni Lynette.

"Drained nga raw yung cellphone n'ya. Pati yung kay Bricks lowbat din. Nag cha-charge daw sila sa seven eleven n'on. Nag hahanap din sila ng beer. Pauwi na rin kasi sila," pag kwe-kwento ko.

"Buti naman. Responsibilidad ka ni Zack nung time na 'yon," ani ni Lynette.

"Bigyan ko rin kaya s'ya ng responsibilidad?" suggest ko.

"Tangina!" singhal sa 'kin ni Lynette. "Madudukot ka na lahat lahat nagagawa mo pa rin mag biro ng gan'yan? Hindi sampu buhay mo tanga! Hindi ka pusa!"

"Sa pagkakaalam ko, sis. Walo lang 'yon?" pambabara ko sa kaniya.

Among Dapitan (Coast Series #2)Where stories live. Discover now