03

25 2 0
                                    

"Huh? Anong na se-sense?"

Nag tatanong pa ako kay Zack pero hindi n'ya ako tinapunan ng tingin kung hindi niligpit n'ya lang ang gamit n'ya at isa-isa n'ya nilagay sa back pack n'ya. Pinapanood ko naman s'ya gawin 'yon, habang ako. Ito, naguguluhan pa rin sa sinabi n'ya kanina.

"Nothing, let's go. Mala-late pa tayo pareho sa first subject natin."

Napalunok s'ya at tumayo na. Seryoso lang s'ya, ganito naman s'ya palagi pero iba ngayon. Mukhang pinag sisihan ang sinabi kanina. But, why?

"Bye, Engineer!"

Nang mag hiwalay kami, hindi pa! Hindi pa ako ready. Eme!

Nag hiwalay lang naman kami ng building pero hindi ng tadhana, tsaka na 'yon lord? Pwede?! Tinanggal ko na sa isipan ko ang sinabi n'ya kanina dahil makaka gulo lang 'yon sa mood ko for today. Ang mahalaga, may intereaction na ulit kami ng crush ko!

Wala, buo na isang taon ko nito.

"Akisha, samahan mo 'ko kay Sir. Malinoy mag pasa ng plates," napatingin ako kay Lia, blockmates ko rin. "Late kasi 'to baka naman hindi ako pagalitan kasi kasama kita he-he."

"Okay!"

Sinamahan ko na hanapin ang isang Prof namin. Isa rin si Lia sa mga ka-close ko na blockmates ko, hindi ko naman s'ya masyado nakaka sama, e.

Nahanap na naman namin ang Prof namin st tinanggap ang plates ni Lia, kaso may minus na raw. Ang sakit naman 'non. Pakiramdam ko hindi ko matatanggap kapag sa 'kin nangyari 'yon. I mean, ang sakit lang kapag yung pinag puyatan mo, ang baba ng makukuha mo scores. Kaya never mag cra-cram!

"Kaantok naman."

Bulong ni Claire habang naka palumbaba sa tabi ko. Nakakaantok naman kasi talaga ang Archi history! Sabayan mo pa ng nakaka antok na tunog ng aircon sa classroom namin. Napahikab naman kaagad ako at patago nag cellphone nalang.

Kumunot ang noo ko ng makita may story ang kaibigan ni Zack si Bricks.

Mag katabi pala sila ng seating arrangement? Sino ang Prof nila that time, huh? Kakausapin ko lang. Matagal ko pa tinitigan 'yon hanggang sa nag break time.

"Saan kaya 'tong gunggong na 'to," nag-type naman kaagad ako upang i-chat sa Yael.

akishavladenx: san ka? Dapitan tayo. libre ko :)

Sinabi ko na ang magic word para naman wala na takas ang isang 'to. Kapag libre kasi mabilis ang sagot n'ya, e.

yaeleviste: sorry, Akisha ang dami gagawin ngayon, tra-try ko humabol pag natapos kaagad!

Ay, ano ba 'yan! Wala naman kasiguraduhan kung anong oras matatapos si Yael sa ginagawa n'ya. Kaagad naman ako nag-type upang i-check ang honey ko.

akishavladenx: hi, kumain ka na?? <333

Matagal pa siya bago nag-seen, nagta-type naman kaagad.

unobuneventura: Not yet.

Saktong-sakto naman, oh. Tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan upang mag ka-date kami!

akishavladenx: me too, gusto mo mag lunch tayo together? practice na tayo para pag tapios ng kasal natin alam na natin ang routine natin :)

Nag re-touch kaagad ako kahit wala pa naman ako naku kuha reply galing sa kaniya. Mamaya kasi bigla nalang s'ya um-oo diba? Okay sana kung ready ako, 'di ba?

Tapos na, na saan ang red carpet handa ng ang bride!

Kinuha ko naman kaagad ang cellphone ko ng makita nag reply siya kaagad.

Among Dapitan (Coast Series #2)Where stories live. Discover now