04

18 2 0
                                    

"Kailan po deadline, Ma'am?"

Palabas na sana ng pinto ang prof namin ng bigla 'ko itanong 'yon. Nag papagawa kasi s'ya ng Temple of Olympian Zeus Athens. Seryoso naman s'ya lumingon sa 'kin. Kinakabahan na 'ko ngayon, ah.

"By next day."

Kaagad nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung paano ko na pagsasabaysabayin ang isa ko pa plates na naka tambak sa condo. Kinalma ko na ang sarili ko at hindi na muna nag salita.

"Punong-puno ang schedule ko today."

Tinignan ko pa ang notes ko sa cellphone ko, hindi ko na alam kung paano ko pag sasabay-sabayin ang iba ko pa gagawin. Kailangan ko pa mag review para sa structural design. Mapapanot na yata ako sa sobrang stress. Welcome to college talaga!

Noong break time, nag libot muna ako sa Dapitan para don nalang gawin ang plates ko. Nag hanap pa ako na pwede ko i-paint na buildings para sa architectural technology. Habang nag lalakad, nahagilap ng mata ko sila Zack, Bricks, and Celine.

"Dumagdag pa sa stress ko, ah."

Gusto ko mainis pero mas kailangan ko tapusin ang plates ko. Nakahanap na ako na pwede ko i-paint na building. I took a photo, para naman hindi ako pabalik balik dito.

"Akisha!" malas naman, nakita pa ako ni Bricks.

Kunwari nag hanap pa ako kung sino ang tumawag sa 'kin kahit alam ko naman kung kanino boses 'yon. Talaga lumapit pa s'ya sa 'kin kaya sinundan naman s'ya ng dalawa.

"Ikaw pala, Bricks." I laughed. "Anong ginagawa mo rito?" I asked him.

"Kakain sana, eh. Ikaw?" tanong n'ya, pag lapit.

"Nag hahanap lang ako ng mga building na gagawin ko para sa plates ko, nakaka stress na nga, e. Pero tapos na naman na."

"Na s-stress ka pa n'yan?" natatawang turo n'ya sa mukha ko.

"Ito naman, bolero masyado!" sabi ko rin sa kaniya, sabay tawa.

"Bricks," iritableng tawag sa kaniya ni Celine. "Come on, we'll run of the time to eat."

Tumungo naman s'ya at kaagad nilingon ni Bricks. Ramdam ko naman ang titig ngayon sa 'kin ni Zack. Kakain na sila, bakit hindi pa rin sila umaalis? Wala naman ako ma o-offer na pag kain sa kaniya.

"Did you eat already?" he asked.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan n'ya na hinihintay s'ya. Nakakahiya naman kung sasabay pa ako sa kanila, baka naman kasi mailang sa 'kin 'tong si Celine. Baka sabunutan nalang ako habang kumakain kami.

"Ah, hindi pa. Marami pa akong ginagawa."

"You can eat, Bricks," nilingon n'ya ang dalawa kaibigan n'ya kaya nag taka ako. "Kumain na kayo."

"What? Why?" maarteng tanong ni Celine.

"You can eat without me, Celine," madiin na sabi ni Zack.

"Tara na, Celine!" nakangiting hinila ni Bricks si Celine paalis.

Kahit alam ko masama ang loob ni Celine, nag pahila pa rin s'ya sa kaibigan.

"Uh, hindi pa ako kakain dapat sumunod ka na sa mga kaibigan mo," sabi ko, habang nag lalakad.

"They can eat with me, Akisha."

Tumungo nalang ako, buong week end hindi kami nag-usap or nag kita man lang. Baka kasi busy din s'ya sa family bonding nila. Okay lang naman sa 'kin 'yon!

Tsaka ngayon, s'ya na ang gumagawa ng moves para mag sama kami, ah. Dapat lang para naman may ambag s'ya sa relasyon namin 'to!

"Hindi ka pa kakain?" tanong ko pag kaupo, balak ko dito nalang gumawa ng plates ko sa Gazeebo dahil may mga bench dito.

Among Dapitan (Coast Series #2)Where stories live. Discover now