CHAPTER 21

78 32 3
                                    

Joyfully

Sam's pov:

"Omg!! It's today!!" I shouted the moment I opened my eyes.

Agad kong tinanggal ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko at tumayo. Nagulat naman si Ursula sa biglaan kong pag tayo nang mahimbing pa siyang natutulog sa ibabaw ng tiyan ko.

"Good morning!! Babyy.." May ngiting bati ko sa pusa habang pinisilpisil ko ang pisngi niyang pagkalambot lambot.

Nag palakad lakad ako pakanan pa kaliwa sa malawak kong silid at tumatalon talon pa na hinahanap ang brown sling bag ko. "Finally!!"

I smiled joyfully looking at my cat while holding the bag in my hands.

"Are you excited about it? Me too!!!!"
Tanong ko sa pusa kong malamang ay walang na intindihan sa mga sinasabi ko.

Tiningnan ko sa loob ng sling bag kung nanduon naba lahat ng gamit na kakailanganin ko mamaya. For emergency used only.

"Sunglasses check! Makeups check! A tiny mirror check! Mini fan check! Tissues check! Alcohol check! A pair of slipper check!
A slipper? Why would I need a slipper? Buy anyway it doesn't matter."

Matapos Isaisahin lahat ng mga bagay sa loob ng bag ay sinara ko na ulit ito at nilapag sa kama.

"I need to take shower now!"
Pagmamadali kong pumunta sa shower para maka ligo na.

Nang maka pasok sa shower ay agad na akong nag hubad at dina nag pa tumpik tumpik pang paragasaan ng malamig na tubig ang buo kong katawan. "Gagang tubig to bat subrang lamig! Astig ah parang si Zack lang" Sunod sunod kong sigaw ng maramdaman ang lamig ni Zack esti ng tubig.

Mabilis akong natapos sa pag ligo at sinuri muna ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas sa banyo.

"I'm done in shower! Finally! What's next?!"

Palingonlingon ako sa paligid ng kwarto na inaalala ang susunod kong gagawin. Nabaling ang paningin ko sa pusa kong naka suot ng puting maliit na roba. "Clothes!, right! Kailangan kong mag hanap ng maisusuot!"

Patakbo kong tinungo ang pintoan ng dressing room ko at nagmadaling pumasok. Tumambag sakin ang di malibang sa dami ng nakalinyang mga damit na naka hanger.

Nag palakad lakad pako sa loob ng dressing room kakaisip kung anong susuotin. Madami namang damit kaya di ako mahihirapang mag hanap ng maisusuot, ang mahirap lang ay pag pili kung anong susuotin. Naguguluhan nako habang palingalinga ang tingin sa napakaraming mga damit.

"What should I wear.. what should I wear?!" Paulit ulit kong tanong sa sarili na medjo na iinis na kakaisip.

"Ummm... Mmm... Think self.. think!"
I shouted. Bakit kasi ganito kahirap ang pumili ng maisusuot. Bat ko pa ba pinapahirapang pumili ang sarili ko? I'm model. Right. Everything I wear suits perfectly on me. Right?

If I were Llyen right now. What would I wear? Nag palingalinga ang paningin ko sa paligid ng buong dressing room at bumaling ang pansin ko sa mga mag katabing kulay pink and white na damit na naka hanger. "Uhh huh!!" Sigaw ko nang may masagip na ideya sa isip ko. Finally naka isip na din ako ng maisusuot.

Agad akong lumapit sa mga damit at pumili ng isang pang itaas at pang ibaba.

So for my outfit for today I chose to wear a pink leather top that I bought from Louis Vuitton and a long white formal pants. Over my top I wore a plain white cardigan with the same brand. Now for my foot wear. I chose to wear a white classy and wide heels. To compliment my elegant look. And for the accessories I also bring a white mini sling bang from the same brand. It's a limited edition. Butt I don't care much about the brand and price.

I looked at my self in the mirror and smiled joyfully. "Gorgeous!"

Nawala din agad ang ngiti ko ng madamang parang may kulang.

"It's almost perfect! But something's missing.." I tilted my head and think in confusion.

"Right!" Nagliwanag ulit ang mukha ko ng may maisipan pang e dagdag sa pustura ko. May ngiti akong lumapit sa tocador ko at bumaling ang tingin ko gilid nito kung saan may nakapilang magkakaibang kulay at hugis na mga eye glasses. Since pink and white ang majority ng kulay na suot-suot ko ngayon ay pinili ko din mag suot ng puti at matulis na eyeglasses. Inilagay ko ito sa ulo ko na nag mukhang head band. Kumuha na din ako ng pink na maykalakihang pastil pink na hair clip at tinali ang buhok ko ng napaka linis. Nag lagay pa ako ng slick stick sa buhok ko para lang mas magmukhang malinis at presentable ito.

Sa wakas at naka buo nadin ng OOTD and gaga, I looked at my self in the mirror. Practicing my smiling pose. Nag paikot ikot pa ako ng ilang beses, upo at tumayo, para lang makita at mapag-aralan ang bawat detalye ng suot ko. Nang ma kontento na sa nakikita ay saka pa bumalik ang ngiti ko. Mas sumigla pa ito dahil sa pananabik ko.

Matapos ang mahabang oras na nagasta sa paghahanap palang ng maisusuot ay oras na naman para sa pag me-make up! Lord..! Why does being a girl is so expensive and exhausting..! Bakit andami naming kailangan gawin... Goshh

Umalis nako sa harap ng malaking salamin at lumapit sa tocador kung saan naka ready na lahat ng mga makeups ko. Umupo nako at inusisa muna ang sarili bago nag simula. I started with applying my skincare to moisturize and freshen my face before putting makeup on.

Looking at my fresh bare face I smiled genuinely. I am very impressed by how a mirror could make me feel pretty without filters on.

"Impressive" I smirked.

Tinignag ko ang magkakaibang shades ng make up. At nag patuloy.
Nagsimula ako sa pag lalagay ng mga liquid foundation and contour para sa base. Pagkatapos ay sunod naman ang pag aayus nga perfectly shaped eyebrows ko. Kumuha lang ako ng eyebrow foam at brush at sinimulan itong ayusin. Nang ma kontento sa linis ng pagkaayos nito ay nag patuloy nako sa pag lalagay ng eyeshadow. May nilapag akong tatlong magkakaibang brand at size ng eyeshadow sa harap ko. Sinimulan ko sa pag lalagay ng medjo manipis na brown sa pinaka ibabang parte ng eyelids ko kung kasaan mag katabi na sila ng natural eyelash ko. Nag dagdag naman ako ng mas manipis pa na brown sa itaas ng na unang brown, Simple Eyeliner, Mascara,some glitters, and done. Pag katapos ay sunod naman ang blush on, combination of ruby red and brown ang nilagay ko sa mukha ko. Medjo manipis lang hindi naman kailangan ng makapal na blush on ang suot ko today. Lastly but not the least is my lipstick. Gumuhit muna ako ng outline gamit ang lip liner bago nag lagay ng brown lipstick sa upper lips at ruby red naman sa pagibaba. I added a brown tinted lipbalm for a glossy look.After combining the colors by rubbing mylips together ay natapos nadin sa wakas!

I stand up and looked at my whole body including my face at the large mirror. "Elegant" I whispered.

I chin up and posed. Omg! I love it!
"Who's that sexy girl I see over there?"
Mabilis kong pag kanta at umaakto na may hinahanap at nag tataka.
"It's me! Standing in the mirror!"
Tinuro ko ang sarili ko at kinindatan ang sariling repleksyon. "Emergency Emergency.." Sumayaw Pako saglit na pinapaikot ang kamao at binuka at sara ang naka bend na mga binti.
Ano na mamang kagagahan to Sam?

Natawa nalang ako pagkatapos mag paka kanal ng ilang sandali.

Tiningnan ko ang sarili at bumalik ulit sa matuwid na tayo at eleganting mukha. "Huiii! Ikaw ba yan? Hindi ako yun!" Tanong ko sa sarili at itunoro din ang isang nanahimik butiki sa kesame bilang sagut.

Nasanay kasi ako sa mga seksing pananamit or di kaya ay mga kabulastugang gawain. Minsan lang nag susuot ng eleganting mga damit pag may special event or meetings. Minsan lang din nagiging matino.
Kailan bako naging matino?
Ewan ko, itanong mo dun sa pusa mong magnanakaw ng medjas

Mukhang nagugustohan kona ang mga conversations namin sarili ko lately ah, I smiled teasingly at kinuha na ang brown na sling bag. Binitbit ko sa kanang braso ko at sa kabila naman ay ang isa ko pang sling bag.

Nabitawa ko ang brown na sling bag nang maalalang hindi ko pa pala mabibigyan ng pagkain si Ursula. Nilapag ko muna ang mga bag at kumuha ng pagkain ng pusa sa isang aparador na binili ko talaga para sa mga gamit niya, sosyal.

Pagkatapos pakainin ay kinuha ko na ulit ang mga bag at lumabas na ng kwarto ko. Tumayo pako sa labas ng pinto ng kwarto ko, I smiled joyfully before taking a step.

WHITE TULIPS Where stories live. Discover now