CHAPTER 22

57 20 2
                                    


A/N: This chapter is dedicated to
SaiSai_Asl

Sam's pov:

Pangiti-ngiti pakong nag lakad pababa sa hagdanan ng mansion. Nang makababa ay tinawag ko na agad si ate. Nag ce-celphone pako saglit habang inaantay siya na makalapit.

"Huy!-"

"Ay butiki!" Sigaw ko nang bigla bigla nalang sumulpot na parang multo sa likuran ko si ate.

"Gagang- ate naman bat kasi nanggugulat!" Pagrereklamo ko matapos humiwalay ang kaluluwa ko sa gulat.

"Ano ba kasi yun?" Pag tatanong niya kung bakit ko siya tinawag kanina.

"Ano kasi.. uhmm.. sabihin mo muna na papayag ka" may pagbabakasalaki sa ngiti ko para maseguradong papayag muna siya bago ko sabihin ang sadya ko

"Galing! Galing mo naman mag paalam!" She smiled sarcastically before raising one of her brows.

"Ano ba kasi yun?" She asked.

"Ano kasi.. If it's okay? Pede moba akong samahan sa pag sundo sa favorite cousin ko? You know who." Deretsang sagut ko sa kanya.

"Ahh.. Oo nga pala ngayon nga pala uuwi yung pinakamagaling mong pinsan!" Sarkastikong bumati siya sakin.

"Pede?" Pag tatanong ko ulit.

"Hay nako Samyang! Alam mo naman na ayuko jan sa pinsan mong yan. Pede namang ibang katulong nalang isama mo."

Pagtatanggi niyang samahan ako. Medjo ayaw kasi ni ate kay Saide mula nung minsan na siyang na pagalitan ni daddy dahil sa mga kagagahan namin ni Saide noon.

"Ate naman.. matagal nadin naman yun.. saka ikaw ang favorite ko.. ayuko sa ibang katulong" parang bata akong nagpapa-cute sa kanya sabay ang mahihinang kusot sa balikat niya.

"Asuss! Papa-cute kapa ah! Ouh syah sge na nga!" Sagut niya na parang pinilit ko siya ng tudo eh sadyang di niya lang talaga ma tanggihan ang kakyutan ko.

"Talaga!! Yeyy! Tara na!" Sigaw ko sa saya matapos siyang mapapayag at pwersahan na siyang hinila palabas ng pintoan ng mansion.

Patalon talon pako bago pumasok sa loob ng sasakyan. Si Manang Ika na ang bahal sa pagsabi kay Mang Kiko kung saan kami pupunta.

Pumasok nadin si Mang Kiko at nilingon kami ni ate sa likuran.

"Mukhang excited na excited ka talaga na makita ang pinsan mo ah!" Sambit ni Mang Kiko na may ngiti din.

"Ay talagang talaga ho!" I responded with wide smile.

Bumaling na ulit sa harapan ang pansin ni Mang Kiko at nag umpisa ng mag maneho.

Medjo may katagalan ang byahe dahil medjo malayo ang airport. Di na ako maka pag antay! Habang mas papalapit kami ay mas nangingibabaw din ang pananabik ko. Umaandar pa ang sasakyan ay parang gusto ko ng tumalon. What if tumalon nalang kaya ako? Maya maya ay natatanaw ko na ang gusali ng airport. Finally! Nangangalay na ang pwet ko kakaupo!

Nag madali akong bumaba ng sasakyan at si ate naman ang nag bitbit ng brown sling bag ko a parang magic pocket ni Doraemon may infinity space.

"Samyang!!"

Natapilok ako sa malakas na sigaw ni ate na diko namalayang naka tayo pa din sa harap ng sasakyan.

"Bat ang bilis mo mag lakad! Teka lang! Kala mo naman hinahabol ng aso!" Sunod sunod na pa sigaw na pag rereklamo ni ate habang nag lalakad palapit sakin. Iwan ko bat ang bagal bagal niya mag lakad.

"Hurry up!!" Sigaw ko na halatang di makapag antay at may pananabik sa tuno.

Nang makalapit na si ate ay nag madali na kami papasok sa loob ng airport kung saan may napakaraming mga tao sa luob. Pumwesto na kami ni ate para mag antay kay sa pag landing ng sinasakyang eroplano ni Saide.

Hindi ganoon ka tagal ay nag landing na din ito. Naging malikut ang mga mata ko nang bumukas ang pintoan ng eroplano at isa isang nag si labasan ang mga pasahero. Di mapakaling hinahanap ko ang pinsa ko. Oo nga pala di ko na tanong kung anong suot niya ngayon. Matagal na kaming hindi nagkikita kaya natural lang na hindi ko na alam kung anong itsura niya ngayon.

Marami rami nadin ang mga pasaherong nakababa pero hindi parin masukilap ng mga mata ko si Saide. May mga babaeng naka porma na parang mayayaman, may iba na parang beach agad ang pakay, may iba na naka piring pa.

Mayamaya ay nabaling ang tingin ko sa isang may katangkarang babae na may magandang itim at kulot na buhok, morena na morena ang aura nito. May suot itong isang malaking purple sunglasses. Nakasuot ito ng puting body con leather dress na may purple furrcoat sa ibabaw. Isang mataas na purple heels. May dala itong isang puting hand bag sa isang kamay. Parang model din ang aurahan nito. Kung hindi seguro dahil sa malaking nunal nito sa dibdib ay hinding hindi ko siya nakikilala. Salamat naman at dumating nadin!

"Over here you bitch!" Sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay para i kaway sa ere. Mukhang naagaw ko naman ang pansin niya nang huminto siya sa pag lakad at bahagyang ibinaba ang sunglasses sa kanyang ilong gamit ang isang daliri.
Wow ha kung makatingin parang donya lang na minamaliit ang isang alipin

Nag iba din kaagad ang ekpresyon nito nang napagtanto kung sino ang kaharap. "Omg!! Tiny is that you?!"
Sigaw na tanong niya habang nakatakip sa mapupulang labi nito ang dalawa niyang kamay.

Agad siyang tumakbo papalapit sa direksyon ko matapos akong tumango sa tanong nito. "I have missed you so much!" Sigaw niya habang mahigpit na naka yakap sakin. Subrang saya ko nang maramdaman ang yakap niya. Napaka gaan sa pakiramdam, napakainit. "Hot, It's very hot!" Sigaw ni Saide bago ako biglaang binitawan sa pagkakayakap niya. Oo nga pala nasanay siya sa malamig na temperatura sa ibang bansa. Agad kong kinuha ang mini electric fan sa loub ng brown na sling bag na hawak hawak ni ate at agad na pinabugahan ng hangin si Saide.

"I didn't know that Filipinos are getting cooked alive in here" sarkastikong pagrereklamo nito

"It's Philippines. Alam monang mainit dito, pero nag suot padin ng napaka init na furrcoat." Pagsisirmun ko sa pinsan na pawis na pawis kahit nahahanginan na sa mini fan.

"Last time I remembered it wasn't this hot before!" Sagut niya ng pasigaw.

"And.. when is that last time exactly?"
I asked.

She just rolled her eyes before giving a surrender look. Umupo siya sa isang mataas na bench at ganuon din ako.

"Gosh I'm sweating!" Hinubad niya ang suot na furcoat at ginamit ang magandang kamay bilang pamaypay.

"Wait I have some tissue here, you use it to dry your self up" I offered genuinely.

"Sure, please" sagut niya.

Bumaling ang tingin ko kay ate na nasa tabi ko at naka handa na ang tissue na e abot sakin. Naks may initiative din.

Kinuha ko ang tissue at iniabot sa pinsan kong pawis na pawis.

Maya maya ay may dumating na isang matangkad na lalaking naka suot ng formal suit at may dalang tatlong malalaking maleta. Naka black eye glass ito kaya nag mukhang secret agent ang dating. Lumapit ito samin na walang sinasabi at tumayo sa harap namin ng matuwid at di kumikibo. Weird. "Your baggages is here ma'am." Isang baritinong boses ang lumabas sa bibig ng lalaki.

Tumango lang si Saide bilang sagut, napagtanto kung body gourd pala ito ni Saide. Shet ang gwapo naman!.

"Sit down for a munite" mahina pero malinaw na otus ni Saide sa lalaking naka itim. Agad naman itong nakinig at umupo sa likuran namin katabi ni ate, nilingon ko si ate at nakita ko kung paano siya nanigas na parang poste nang tabihan sya ng lalaki.

Omg may sakit ba siya? Bat ang pula ng pisngi niya??

Napatiyad ako sa hapdi nang patago akong kinusot ni ate sa baywang ko at nang tinignan ko siya ay parang may binubulong siya na kung ano pero di ko halos ma intindihan dahil sa ekspresyon nitong parang galit at takot at the same time.

Uhmm..?

WHITE TULIPS Where stories live. Discover now