Chapter 20

18 3 0
                                    

Matapos silang kumain ay busog naman ang lahat lalo na sina Percy Lee, Annalise Lee at Night Spider. Parang di mo nakita kung paano ito tumanggi sina Annalise Lee at Night Spider ngunit ng matikman nila ang luto ng ina ni Percy Lee na si Lucia Lee ay halos mag-agawan pa ang mga ito. Napakasustansya kasi ng pagkain lalo pa't sariwang mga gulay at mga pananim mismo ang niluto nila na siyang makakatulong din kina Annalise Lee at Night Spider. Pero ang pinakamatakaw sa lahat ay si Percy Lee dahil makailang plato pa ang nakain nito bago tumigil.

"BURRPPP!!!!"

Sunod-sunod na dighay nina Teddy Lee, Annalise Lee, Night Spider at ni Percy Lee.

"Masarap ba ang niluto ko?!" Tanong ni Lucia Lee sa mga taong nasa hapag-kainan nila ngayon na sina Teddy Lee na asawa niya, si Percy Lee, Annalise Lee at Night Spider.

"Oo naman mahal, ikaw kaya ang may pinakamagaling na skill sa pagluluto." Masayang tugon ni Teddy Lee sa kaniyang magandang asawa.

"Ay sus, nambola ka pa mahal eh." Medyo may kilig na pagkakasabi ni Lucia Lee.

"Ay opo Tita Lucia, kayo po talaga ang thea best na tagaluto ng Lee Clan. Walang duda, ililipat ko na sa'yo ang korona." Masayang pagakasabi ni Annalise Lee habang animo'y may invisible na korona ito at mabilis na inililipat kuno sa ulo ni Lucia Lee na siya namang game na sinabayan ng ina ni Percy Lee.

"Mukhang napasubo po ako sa pagkain Tita ah. Medyo istrikto kasi sa lugar namin kaya medyo walang lasa ang pagkain namin doon hahaha." Sambit ni Night Spider habang medyo may lungkot pero napatawa na lamang ito.

"Ah ganon ba iho? Pwede ka namang pumunta rito kung gusto mong lutuan kita ng masasarap at masustansiya mga pagkain." Masayang Sambit ni Lucia Lee habang makikitang bukal sa loob nito ang kaniyang sinasabi.

"Ahaha... Wag na po Tita masyado na akong nakaabala po sa inyo eh hehe..." Nahihiyang sambit ni Night Spider habang nagkamot pa ito ng kaniyang batok.

"Ah ganon ba, sayang naman pero kung may oras ay bukas ang aming maliit na tahanan para sa iyo iho lalo ka na iha." Malumanay na sambit ni Lucia Lee habang makikita ang saya at tuwa nito sapagkat nasarapan ang kaniyang bisita sa kaniyang nilutong pagkain.

Namula naman si Annalise Lee dahil medyo nahiya siya. Masarap talagang magluto ang tita niyang si Lucia Lee kaya nga hindi nangangayayat ang pamilya nito kahit simple at mahirap lamang ang pamumuhay ng mga ito. Hindi mo mababakasan ng problema ang tahimik na pamilyang ito.

"Okay lang po Tita... Aalis rin kasi ako ilang araw mula ngayon kaya kailangan ko ring magbantay at magsanay. Pero sa susunod Tita ay siguradong babalik ako at makikikain hehe." Natatawang sambit ni Annalise Lee na animo'y medyo nilalabanan ang hiya at awkwardness na nararamdaman nito.

Maya-maya pa ay nagsalita si Percy Lee sa isang bahagi ng lamesang nakaupo ito.

"Ako ba mama, di mo ba ko tatanungin kung masarap ba ang luto mo o hindi?!" Sambit ng inosenteng si Percy Lee habang makikita ang nangungusap nitong mata.

"Ahh... Ehhh... Kailangan pa bang itanong ko yan anak?!" Sambit ni Lucia Lee na nagtataka.

"Oo mama... Medyo okay lang naman yung lasa tapos medyo malabnaw at mapait yung gulay...BURRPPPPP!!!!" Pagsasalita ni Percy Lee ngunit mabilis itong malakas na napadighay.

"Hahahahahahahahahaha!!!!!!!!!"

Malakas na tawanan ang namuo sa buong lugar na kinatitirikan ng maliit na bahay. Makikita ang saya sa ngiti ng bawat isa.

"Hindi pala nasarapan sa luto ang anak ko hahahaha!!!" Halos maluha-luha na sambit ni Lucia Lee.

"Hahahaha... Okay na sana Percy anak kaso yung dighay mo talaga yung nagpatunay hahahaha!!!" Maluha-luhang Sambit ni Li Qi dahil sa sobrang tawa nito.

"Oo nga Little Percy... Medyo galingan mo yung aktingan mo ng konti, lumabas yung ebidensya eh hahaha...!" Tawang-tawa na sambit ni Annalise Lee habang hindi nito mapigilang tumawa pa ng malakas.

"Hahaha... Huli pero di kulong hahahaha..." Tanging nasambit ni Night Spider. Naalala niya ang eksaktong araw noon na ganitong-ganito rin ang nangyari sa kaniya.

Namula naman si Percy Lee sa hiya. Medyo papaiyak na sana ito nang tiningnan ni Lucia Lee sina Teddy Lee, Annalise Lee at Night Spider na nagsasabing "itigil niyo yan."

Nataranta naman si Teddy Lee at mabilis itong lumapit sa kaniyang anak upang aluin. Kinarga niya pa ang anak nitong si Percy Lee at nagsalita.

"May bago akong libro para pwede mong gawing training bukas. Gusto mo ba yun?!" Sambit ni Teddy Lee. Isa ito sa pinaka-nakakapagtakang bagay sa lahat lalo pa't hindi parehas sa kaedaran nito ay kendi at mga pambatang bagay ang gusto pero ang anak niya ay kakaiba. Mahilig itong mag-training mag-isa at palagi rin itong tumutulong sa bukid. Pati mga kalabaw at baka nila lalo na ang mga toro ay nakikipag-wrestling pa ang anak niya rito. Noong unang beses na nakita niya ay halos mahintatakutan pa siya pero ng makitang halos mag-agaw buhay at hindi makatayo ang mga ito sa anak niya ay halos nangilabot siya dahil limang taon pa lamang ito ngunit may ganoon na itong lakas ngunit nalulungkot rin siya dahil balang-araw ay mawawalay ang anak nila sa kanila.

Agad namang umaliwalas ang mukha ni Percy Lee at napayakap ito ng mahigpit sa kaniyang amang si Teddy Lee.

"Alam mo talaga pa ang gusto ko. Bigay mo na sakin pa ng mabasa ko na at matutunan ko agad hehe." Sambit ni Percy Lee habang nakangiti pa ito.

Napangiwi naman si Night Spider dahil sa kaniyang nakita. Sa edad niyang anim ay hindi na ito nagti-training at mas pinili pa nga nitong makipaglaro sa nga kaedaran niya pero ang batang ito ay tuwang-tuwa pa sa training na nasa isang ordinaryong manual.

Tiningnan niya si Annalise Lee upang kumpirmahin ang sinabi nito ngunit nabigla siya ng makitang nakatingin ito sa kaniya habang  nakataas pa ang kilay ng magandang dalaga na animo'y nagsasabing "ano ka ngayon? Ayaw mo maniwala look?!"

Bumusangot naman ang mukha ni Night Spider habang makikita ang labis na pagkatalo sa mukha nito.

"Ano ba namang klaseng batang to?! Bata pa ba to?! Kung tama ang aking hinala ay siguradong malaki ang potensyal ng batang ito sa hinaharap." Sambit ni Night Spider habang makikita ang labis nitong saya sa mukha nito. Kung totoo kasi ang hinala nito ay siguradong uunlad ang pamumuhay ng Lee Clan maging ang estado nito sa Sky Flame Kingdom.

SUPREME ASURA: Lee Clan  [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon