Chapter 16

20 3 0
                                    

Isang araw ang nakalipas at balik normal na  muli ang araw na ito para sa lahat.

Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin si Percy Lee ngunit mas malungkot ang kaniyang mga magulang na sina Teddy Lee at Lucia Lee.

Kasalukuyang nasa bahay ang kaniyang mga magulang at tanghaling tapat na rin kasi ngayon. Halatang nagkaroon ng mga hindi inaasahang pagbabago dahil sa nakaraang araw.

Magkaharap ang mag-asawa sa isa't-isa habang animo'y tahimik lamang na nagmamatyag sa isa't-isa.

"Ano ba Teddy Lee, para kang ewan diyan..." Basag naman ni Lucia Lee sa katahimikang namuo sa kanilang pamamahay.

Kunwaring napaubo naman si Teddy Lee sa naging turan ng kaniyang asawa.

"Hala eh, nananahimik ako dito oh... Ano ba ginawa ko?!" Sambit naman ni Teddy Lee habang animo'y parang wala naman itong naisip na kasalanan nito o may ginawang labag sa kagustuhan ng kaniyang asawa.

"Ano ka ba naman mahal eh, ako lang ba nakakapansin na animo'y ang lungkot ng anak natin maging ang awra nito ay ang tamlay. Nag-aalala na ko sa anak natin." Nababahalang sambit ni Lucia Lee sa kaniyang asawa habang makikita ang labis na lungkot rito.

"Oo nga eh, napansin ko nga rin iyon. Eh ano ba ang magagawa natin mahal eh sumunod rin ang tadhana ng anak natin sa atin eh. Wala na tayong magagawa roon. Maiintindihan rin niya iyon sa susunod. Huwag lang nating pangunahan ang takbo ng buhay natin lalo na ng ating anak." Sambit ni Teddy Lee habang mababakasan rin ng ibayong lungkot ang boses nito. Bilang ama at haligi ng tahanan nila ay siya dapat huwag nagpapadaig sa lungkot at problemang kinakaharap ng kaniyang pamilya. Ayaw niya ring magmukhang mahina lalo na sa asawa niyang lubos rin na apektado sa sitwasyon.

"Oo nga... Sana lang ay malampasan it ni munting Percy natin. Alam mo namang pangarap talaga ng ating anak ang maging practitioner o maging malakas na Martial Artist. Masakit mang isipin ngunit parang matutulad lamang siya sa ating kapalaran." Sambit ni Lucia Lee haabng hindi nito mapigilang mapahagulgol.

"Tama na yan Mahal, nagiging emosyunal ka na naman eh. Siguradong maiintindihan rin iyon ng anak natin. Kung hindi dahil sa mahina ang bloodline ng pamilyang meron tayo ay sana ay nakukuha nito ang pangarap nitong maging malakas na personalidad sa hinaharap." Sambit ni Teddy Lee. Kahit siya ay naaawa na rin sa anak nito.

Mabilis nitong nilapitan ang asawa nito at niyakap ito upang aluin ang nalulumbay nitong puso para sa kanilang anak. Masalit para sa isang magulang na makita ang kanilang anak na nalulumbay. Kung maaari lamang na may magawa ito na makakapagbabago sa tadhana nito ay ginawa niya na.

...

Lingid sa kaalaman ng mag-asawa, ang kanilang anak ay todo-ensayo ito sa sang malawak na kabukiran malapit sa malawak na ilog.

"Siyamnaput-isa... Siyamnaput-dalawa... Siyamnapu't tatlo..." Malakas na naisatinig Percy Lee habang mabilis itong nagba-back dive sa patag na lupa dito sa kabukiran.

Sinusubukan niya kasi ang mga pisikal na training na nabili niya noon pa man sa kanyang ama patungkol sa strength training.

"Kahit naman mababa ang Martial Talent ko ay alam kong hindi naman iyon basehan upang panghinaan ako ng loob. Ang sabi sa akin ni Lolo ay magsumikap ako kahit na anuman ang mangyari ay hindi ko isusuko ang aking sarili sa gusto kong abutin na pangarap." Sambit ni Percy Lee habang hindi nito namamalayan na lagpas isang daan na ang kaniyang nagagawa.

Ang totoo niyan ay hindi talaga nalulungkot si Percy Lee. Nagpapanggap lamang siyang nalulungkot upang hindi naman halatang parang nagiging kampante siya sa sarili o baka isipin ng kaniyang magulang na tuwang-tuwa pa siya na hindi siya napili ng kung sinuman sa mga ito.

Ipinanganak man si Percy Lee na animo'y parang pagpapalaki ng isang ordinaryong pamilya ay hindi naman siya isip-bata o yung normal na pag-iisip lamang ng kaniyang kaedaran bagkus ay natuto na siyang sumabay sa agos ng buhay. Minulat silang salat sa mga materyal na bagay ngunit binusog naman siya sa pagmamahal ng kaniyang mapagmahal at mapag-arugang mga magulang. Hindi man siya yung palakaibigan o palabarkada ay marunong naman siyang makipagsalamuha sa mga kaedaran niya at sa ibang tao. Tinuruan siya ng kaniyang magulang na mapagpakumbaba at wag gumawa ng masama sa kaniyang kapwa.

Itinuon na lamang ni Percy Lee ang pagbasa ng ibang mga pisikal na pampalakas ng kaniyang katawan at mga exercises na angkop sa kaniyang kapasidad.

"Hindi ako susuko sa pangarap kong maging malakas na Martial Artist. Naniniwala ako sa'yo lolo na ang taong gustong makamit ang isang bagay ay dapat paghirapan. Hindi lamang ito simpleng nakukuha ng agaran. Kung kailangan kong magsumikap ng dalawa, tatlo o ilan pang beses kumpara sa ibang biniyayaan ng lakas ay gagawin ko makamit lamang ang aking minimithing pangarap na walang tinatapakang ibang tao." Sambit ni Percy Lee sa kaniyang sarili habang mabilis nitong inumpisahan ang kaniyang panibagong pagsasanay at sinubukan ang gliding.

...

Lumipas pa ang mga araw at isang buwan na ang nakakalipas...

Tahimik lamang na nagcu-cultivate si Night Spider ng biglang pumasok sa kaniyang Cultivation room ang isang pamilyar na babaeng nasa harapan niya. Na walang iba kundi ang nakakainis na babaeng palagi lanang siyang pinagsasamantalahan at niloloko sa mga bagay-bagay.

"Ano na naman pinunta mo dito babae at nagmamadali ka ata?!" Sambit ni Night Spider habang mabilis nitong pinalaho ang nakakalat niyang enerhiya bago siya magsalita

"Ano'ng gagawin ko eh tinatanong na ako ni Master kung bakit daw nasira ang stone absorber sa pinahiram niyang boulder sa iyo. Kabilin-bilinan pa naman nitong hindi daw natin gagamitin iyon baka daw masira eh pero ayon na nga, napudpod daw iyon kaya pinagbibintangan niya akong ako ang gumamit niyon dahil sa ating dalawa ay ako lang ang may Inferior 10th Grade Martial Talent sa atin. Kasalanan mo to eh huhu...!" Halos mangingiyak na sambit ng napakagandang babaeng nasa harapan ni Night Spider.

"Paanong nangyari iyon Nyx Xi eh hindi ko naman ginamit ito eh... Hmmmm?!" Sambit ni Night Spider habang nag-iisip ng kaniyang ginawa. Wala siyang maalala sa ginawa niya nitong nakaraang buwan pero maya-maya pa ay napatayo na lamang si Night Spider nang maalala niya ang nangyari noon sa isang angkan na walang iba kundi ang Lee Clan na sakop ng teritoryo ng Sky Flame Kingdom.

"Naalala ko na pala kung bakit nagkaganon ang Stone Absorber ay dahil ginamit ito ng isang bata mula sa Lee Clan na sakop ng teritoryo ng Sky Flame Kingdom." Sambit ni Night Spider habang nakangiti.

Mistulang bomba naman itong sumabog sa pandinig ni Nyx Xi habang animo'y lumaki ng husto ang kaniyang mata.

"Ang maliit na angkan ng Lee sa Sky Flame Kingdom na sakop ng Green Valley ba yun?! Sigurado ka ba doon?! Hindi sa nanghahamak ako ha pero ang kanilang mga talento doon ay sobrang mababa kumpara sa average requirement ng ating Kaharian.
Baka siguro aksidente ko talagang nalagyan ng aking enerhiya ang Boulder na iyon kaya sumabog yung Stone Absorber na iyon." Sambit Nyx Xi habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa narinig niya.

Kung totoo man ito ay ito ang kauna-unang angkan ng Lee na mayroong 10th Grade Martial Talent. Kapag nalaman ito ng Sky Flame Kingdom ay siguradong hindi nagdadalawang-isip ang mga ito na makipaglaban sa Wind Fury Kingdom ng walang pag-aalinlangan.

SUPREME ASURA: Lee Clan  [Volume 1]Where stories live. Discover now