Chapter 15

22 2 0
                                    

Nang umalis si Night Spider 🕷️ ay saka naman nakahinga ng maluwag silang lahat ng mga Elders ng iba't-ibang kaharian. Hindi nila aakalin na isang lalaking iyon ay maghahatid ng kaba sa kanila at ang paglisan nito ay animo'y nabunutan sila ng malaking tinik sa dibdib dahil isa lang naman itong kompetisyon sa recruitment nila at mabuti na lamang at silang tatlo na lamang ang natira liban sa kaharian ng Wind Fury.

"Isa itong napakagandang araw sa lahat. Hindi natin aakalaing pupuntahan tayo rito ng lahat ng kaharian. Sa ngayon ay magsisimula na ang bawat kaharian sa pagpili ng pwede nilang mai-recruit.” Sambit ni Sandro Lee upang magsimula na ang nasabing pagpipili ng mga estudyante.

"Gusto kong i-recruit si Aubin Lee sa aming kaharian ng Sky Ice Kingdom!" Biglang sambit ni Elder Cormac Fang habang makikita ang kakaibang ngiti sa mukha nito.

Doon ay nabigla naman ang mga kawani ng Sky Flame Kingdom at Hollow Earth Kingdom. Hindi ata sila makapaniwala na sobrang pangahas ni Sky Ice Kingdom to think na di man lang sila nakapagsalita man lang pero agad itong nakapagsalita na animo'y hindi ito patanong kundi pautos gamit ang awtoridad ng kanilang kaharian.

"Aba, aba pangahas ka rin Elder Cormac Fang ng Sky Ice Kingdom. To think na ginagamit mo ang awtoridad mo para pumili ng magiging disipulo niyo pero to think na ang anak ni Aubin Lee ang gusto mo ay hindi ako makakapayag. This time ay sisiguraduhin kong sa aming Sky Flame Kingdom ang  pipiliin nito." Sambit ni Elder Vadim Wang habang animo'y kumpiyansa itong mapapasakanya ang batang so Aubin Lee para gawing disipulo ng kanilang kaharian.

"Ano'ng binabalak mo Elder Vadim Wang?! Sigurado akong may malaking pasabog ka to think na sobrang kumpiyansa mo." Sambit ni Elder Janos Zhang ng Hollow Earth Kingdom. Naningkit ang mata ni Elder Janos Zhang habang sinusuri ang kabuuang anyo ni Elder Vadim Wang ng Sky Flame Kingdom.

"Hahaha... Ikaw pala ang mas pangahas sa atin eh. Sa paraan ng pagsasalita mo ay kumpiyansang-kumpiyansa kang mapapasainyo ang batang si Aubin Lee hahaha... Akala mo ay ikaw lang pero mayroon din akong bagay-bagay na hindi matatanggihan ng Lee Clan.

"O talaga lang ha?! So magiging mortal na kalaban pala tayo sa pagrerecruit ng talentadong mga indibiduwal rito. Ano lamang ang mai-ooffer ng Sky Flame Kingdom? Mayaman pala ang kahariang ito pero sa nakikita kong kalagayan at estado ng Lee Clan ay masasabi kong ang unlad pala ng kaharian ng Sky Flame to think na ang gagara ng kaharian niyo hahahaha..." Sambit ni Elder Cormac Fang ng Sky Ice Kingdom habang makikita ang pagiging sarkastiko nito at ang hidden intention nito sa mga salitang nais nitong sabihin.

Halos naipit naman sa sitwasyon si Elder Janos Zhang ng Hollow Earth Kingdom dahil wala naman siyang planong makigulo pa sa dalawang nagkakainitang panig. Isa silang mutual na kaharian kaya anumang outside forces ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig ay hindi sila nakikisawsaw. Tanging mutual benefits lamang ang gusto nilang makuha at hindi ang pagkakaroon ng alitan. Isa silang mandirigma at hindi isang makata para maging mahusay ang kanilang pananalita at pakikipagkapwa-tao gamit ang sariling husay sa pananalita kundi sinanay lamang sila sa pakikipaglaban.

"Ano ba ang gusto mong ipahiwatig Elder Cormac Fang? Na pabaya kami sa aming nasasakupan at gusto kaming ipahiya sa aming sariling teritoryo?! At masasabi kong saming kaharian ng Sky Flame Kingdom mapupunta ang anak ni Aristos Lee na si Aubin Lee!" Kumpiyansang sambit ni Elder Vadim Wang habang halos magkaroon ng kidlat sa mata niya at ni Elder Cormac Fang.

Ngunit maya-maya lamang ay narinig ng lahat ang isang sigaw ng isang ginang.

"Si Aristos Lee ba yan?! Namamalik-mata ba ko? Hindi ako makapaniwala... si Aristos Lee nga!" Masayang sambit ng isang ginang habang makikita ang saya sa pares ng mata nito.

Sakay ng isang flying Sword ay mabilis na bumaba ang isang lalaking may mahabang brown na buhok habang kulay green naman ang mata nito na katulad na katulad sa physical features ni Aubin Lee. Walang duda, siya ang isa sa mga eksperto ng Lee Clan.

"Magandang Umaga sa inyong lahat lalo na po sa inyo Elder Janos Zhang. May problema po ba dito?!" Patanong na sambit ni Aristos Lee halatang nagtataka siya sa tinginan ng dalawang kaharian ng Sky Ice Kingdom at Sky Flame Kingdom.

"Aristos Lee, nagkaroon lang ng problema sa pagrerecruit ng mga disipulo rito. Medyo hindi--- ah ehhh----" sambit ni Elder Janos Zhang na animo'y nahirapang i-explain ang dapat nitong sabihin. Takot siyang malaman kong ano ang maaari niyang masabi.

Ginagalaw-galaw naman ni Elder Janos Zhang ang kaniyang mata habang tinuturo nito ang dalawang elder habang masakit na nagtitinginan.

"Mga kagalang-galang na Elder, ano ang pinagtatalunan niyo?!" Magalang na tanong ni Aristos Lee habang pasalin-salin niyang tiningnan sina Elder Cormac Fang ng Sky Ice Kingdom at ni Elder Vadim Wang ng Sky Flame Kingdom.

Kapwa natigilan naman ang lahat at napalunok naman ng laway sina Elder Cormac Fang at Elder Vadim Wang dahil wala silang masabi sa prangka at direktang tanong na ito ni Aristos Lee.

"Uhm, bakit wala na rito ang kinatawan ng Wind Fury Kingdom? Akala ko pa naman ay maaabutan ko ito. Tungkol naman sa anak ko ay ako ang magdedesisyon at isasama ko siya sa Hollow Earth Kingdom para magabayan ko siya ng maayos. Ayoko rin itong malayo sa akin kaya kung maaari Elder Janos Zhang ay maaari ko na siyang dalhin sa Hollow Earth Kingdom ngayon mismo. Ayoko ng i-delay ang paglipat nito doon upang masimulan ko ng sanayin ito sa paggamit ng sandata at palakasin pa ang aking anak na maging mahusay na mandirigma sa hinaharap."

"Kung iyan ang gusto mo Ginoong Aristos Lee! Naiintindihan namin ang iyong desisyon. Alam mo namang hindi kami tututol sa iyong kagustuhan. Isa pa ay magulang ka nito at nasa sainyo pa rin kung saan siya pwedeng mapunta o yung tatahakin niyang landas hehe..." Sambit ni Elder Cormac Fang habang nakangiti ngunit sa totoo lang ay gusto niyang sabihing "Panira ka talaga ng momentum dahil kung hindi ka dumating ay sa Sky Ice Kingdom na sana ang anak mo. Papipirmahan ko pa sana siya ng contract pero okay lang, may araw rin kayo sakin hmmmp!" Pero di niya tinuloy dahil alam niyang siya lang ang magmumulhang kontrabida rito.

"Tama ang sabi ni Elder Cormac Fang, Aristos Lee. Masyadong sinanay mo na ang anak mo sa paggamit ng espada at mga pagsasanay ng isang mandirigma ng Hollow Earth Kingdom. Sana ay balang araw ay magiging magiting itong mandirigma ng Kahariang kinabibilangan nito." Sambit ni Elder Vadim Wang habang pakiramdam niya ay unti-unting nabasag ang kaniyang puso at nagkapira-piraso na ito. Minsan ka nga lang nakahanap ng ganito katalentadong bata ay bigla naman itong nawala kung sa talinhaga pa ay "ginto na nga naging bato pa." Kung bakit ba naman anak ni Aristos Lee itong si Aubin Lee edi sana ay kaya pa nilang kumbinsihin ito pero sa ugaling ipinapakita nito maging sa pananalitan ito ay pinal na ang desisyon nito unless kung malaki talaga ang i-ooffer ng kaharian pero imposible iyon.

Habang naririnig ito ni Aristos Lee ay hindi niya mapigilang paningkitan ng mata ang dalawang elder na sina Elder Cormac Fang ng Sky Ice Kingdom at Vadim Wang ng Sky Flame Kingdom ng palihim habang inoobserbahan ang mga ito. Hindi niya aakalaing nagkasundo ang mga ito ngayon. Nabalitaan niya noong nakaraan pa na may alitan ang dalawang kahariang ito kaya nga pumunta siya rito upang mapigilan ang pagrecruit ng mga ito sa kaniyang anak. Para ano? Para maipit ito sa gulo ng nagbabanggaang kaharian? Hindi niya iyon papayagan. Hindi niya hahayaang maagrabyado ang kanilang angkan lalo na ng mga klase ng taong ito.

SUPREME ASURA: Lee Clan  [Volume 1]Where stories live. Discover now