CHAPTER 13

4 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


They all successfully proceed in the next round. Everyone were not as calm as they were before the game, they were all anticipating for the worst tile and hardest riddle that will test them.

Sa round na ito ay unang umilaw ang tile ni Joker.

"Sana walang laman okaya yelo ulit," mahinang panalangin niya.

Ang iba naman ay pinanood iyong bumukas. Napangiwi naman ang binata nang makitang rotten fish guts iyon. Mabilis na umalingasaw ang masangsang na amoy niyon, takip ang ilong na umapak sa loob si Joker, ngunit tila tumatagos pa rin ang amoy niyon sa kanyang ilong kung kaya hindi niya mapigilang maduwal sa baho ng isda.

"Ang baho," reklamo niya.

"Malamang laman loob ng isda 'yan eh," sabi naman sa kanya ni Athlete.

"Ew, so kadiri talaga," maarteng komento naman ni Cheerleader na katabi lamang ng kanyang pwesto. Nagtakip pa ito ng kanyang ilong.

"What has thirteen hearts but no other organs?"

Mabilis namang nag-isip ang binata. "Deck of cards!"

"Yes!" hiyaw niya nang tumama ang sagot niya. Gaya ng ginawa ni Cheerleader kanina ay salitan din niyang hinugas sa tubig ng pool ang mga paa.

"Next player—"

Umilaw naman ang kay Scout kaya hinanda na nito agad ang sarili sa kung ano man ang susunod na laman ng kanyang tile.

Tulad ng una niyang tile ay nakapagpasinghap iyon sa kanyang mga kasama. It was a small alligator but what's good thing about it was, its mouth is secured with a zip tie but it can still freely move around the area.

"No," bulong ni Scout at ipinagsiklop ang mga kamay saka iyon naipatong sa kanyang ulo. Sunod-sunod namang pinalakas ng kanyang mga kasama ang kanyang loob.

"You can do it baby—ay Scout pala," ani Cheerleader.

"Isipin mo nalang butiki lang 'yan," sabi naman sa kanya ni Explorer.

"Ang laking butiki naman niyan, isipin mo nalang dinosaur 'yan," sagot naman ni Joker.

"OA," komento naman sa kanya ni Novel.

"Go Scout!" Nurse cheered.

"Kaya mo 'yan, isipin mo training niyo 'yan," turan naman ni Detective.

"Sana walang ganyan sa'kin," mahinang sabi naman sa kanyang sarili si Rancher.

Habang ang iba naman ay kinakabahan din para sa kanya.

Napahilamos sa kanyang mukha si Scout nang maubos ang tatlong segundo kaya nabawasan ang chances niya at bago pa siya muling maabutan ng susunod na tatlong segundo ay pigil hininga siyang umapak sa loob.

Tahimik na nanalangin na sana'y huwag nang gumalaw ang buwaya.

Then the riddle started, followed by the timer. Fortunately, ay madali ang naging tanong sa kanya kung kaya nasagot niya iyon bago maubos ang kanyang oras.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Allegiance : Trust No One (Soon To Be Published on Twinkle Dream Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon