CHAPTER 07

14 0 1
                                    


The group of Detective picked the map of forest

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The group of Detective picked the map of forest. It was simple terrain map, where it has a starting point from where they are—in the heart of the island's forest. An estimated one kilometer distance between their current location and to the mark of the briefcase.

From the sight of Novel, the map is not readable for her because unlike Detective and Gymnos she thought that they are more reliable for the map.

"I guess you know how to read maps, yea?" tanong niya kay Detective na kung saan ito na ngayon ang may hawak ng mapa.

"Paano natin pupuntahan 'yan? Eh, puro puno ang mga nakikita ko sa mapa," tanong naman ni Gymnos habang pilit iniintindi ang mapa.

"We can use this." Sabay labas ni Detective ng kanyang maliit na compass na kanyang kinuha mula sa bulsa.

"Sanay naman ako sa pag-akyat ng bundok noon kaya kahit papaano sa tingin ko makakatulong naman ako," sabi naman ni Rancher.

"Great! Let's go," pag-aaya na ni Novel.

Samantala ang grupo naman nila Scout ay nagsimula na ring lumakad, ang kanilang nabunot na mapa ay ang daan patungo sa malapit na ilog mula sa kanilang pinanggalingan.

"Ang hirap naman intindihin nitong mapa," komento ni Joker habang hawak ang mapa. Ito kasi ang kumuha ng card kanina.

"Mukhang mahihirapan din tayo sa paghahanap ng briefcase kung nasa ilalim ng ilog iyon. Track and field ako, hindi swimmer," sabi naman ni Athlete.

"Basta ako tutulong ako sa kung anong magagawa ko, minsan naman na rin kaming nag-medical mission sa mga remote areas at dati rin akong nahilig sa mountain hiking," turan naman ni Nurse na siyang nasa pinakalikod at nakasunod sa mga kasamahan niya.

"I think you're the one that should be holding this." Binigay naman ni Joker ang mapa kay Scout na tahimik lang.

"Sa tingin ko dito na tayo dapat lumiko," ani Athlete habang tinuturo ang kaliwang daan nang makarating sila sa tapat ng dalawang magkahiwalay na trail.

"No, I think dito tayo dapat." Tinuro naman ni Joker ang kanang daan.

Hindi naman alam ni Nurse kung kanino makikinig kaya tahimik lamang niyang pinanood ang dalawa na halos mag-away na nang gawin ni Joker ang mapa upang maipakita kay Athlete ang sinasabi nitong daan. Habang si Scout naman ay tila mag-isang nagaanalisa kung saan sila dapat tumungo.

"Dito nga kasi dapat, tignan mo mas malalapit tayo sa marka kung dito tayo dadaan," paliwanag ni Athlete.

"Sa tingin ko dito tayo dapat, mukhang may iikutan pa tayo diyan eh. Ito na yung ilog," paliwanag naman sa kanya ni Joker habang may itinuturo pa sa mapa.

"Dito nga, kung iintindihin mo ng mabuti yung mapa," sabi pa ni Joker na ikinainis naman ni Athlete.

"Sinasabi mo bang 'di ako marunong umintindi? Tsk, akala mo naman kung sino ka, pagpapatawa lang naman ata alam mo," mapang-uyam na sagot naman nito.

Allegiance : Trust No One (Soon To Be Published on Twinkle Dream Press)Where stories live. Discover now