Chapter 34

0 0 0
                                    

Pagkatapos kong mag explain sa office ay agad akong lumabas at naka abang na doon sina Owen, Rein, Jeah, Elias at maging si Tyler. Naniwala naman sa aking ang mga propesor dahil maganda naman daw ang record ko sa iskul subalit sa mata ng mga estudyante ay nagmumukha akong magnanakaw.

"Sino ang naglagay ng wallet at cellphone sa bag mo?" tanong ni Elias.

"Malamang sina Keith!" ika ni Owen.

"Hindi. Hindi ganoon umatake si Keith." Rein interrupted.

May kutob ako pero di ko isinatinig sapagkat di pa ako sigurado. Kung siya man ang may pakana nito, anong dahilan niya?

Kinabukasan ay di ako nakatakas sa mapanghusgang mata at mga bibig. Nanatili ako sa guard house dahil di ko alam kung saan dadaan.

"Anong tini-tingin niyo! Piss off!" rinig kong singhal ni Tyler sa mga nakatingin sa akin. Agad siyang lumapit sa akin saka ako inakbayan. Ngumingiti ako. May di man kami pagkakaunawaan ni Tyler dati, masaya ako bumalik na ang pagkakaibigan namin sa dati. Kaya nagkaroon ako ng lakas para maglakad na parang walang pakialam. Sabihin man nilang masama ako, alam ko sa sarili ko na walang akong ginawang mali.

Ang mga pagpaparinig, tiniis ko lahat ng iyon hanggang sumapit ang hapon.

Nakasalubong ko sa daan si Celine kasama sina Cindy at Tasha. Parang ibang Celine ang aking nakita dahil maarte itong naglalakad at pangiti ngiti pa. Nagtama ang aming mata. Maraming tao sa paligid.

"Thief." Cindy uttered. Di ko nalang pinansin.

"Hindi ako magnanakaw. Alam mo yan." sumbat ko.
Tumahimik nalang sila.

"Celine pwede ba kitang makausap.""

"Oo naman Sam. Halika doon tayo." nakangiti nitong sabi saka ako hinila. Naiwan namanang dalawa.

"Celine bakit ka nagsinungaling kahapon?" tanong ko nang makarating kami sa wala masyadong tao.

"Pasensya ka na S-Sam, sina Cindy k-kasi." yumuko ito na parang nailyak.

"Pinagbantaan ka ba nila?" Alala kong tanong.

Nabigla ako nang umangat ang ulo nito sa nakangiti at ak humalakhak ng marahan.

Bigla akong napa atras nang dumapo ang kamay nito sa aking pisngi.

"You bitch! Basura ka lang! Don't you dare level yourself with me!" galit nitong sabi.

"Celine anong-." Sinampal niya ako ulit at naramdaman ko ang hapdi dahil bumaon ang kuko nito.

"Shut up! Akala mo hindi ko alam? You're trying to steal Aeon away from me! Matagal ko nang alam! That you two have a thing." I saw anger in her eyes. Ibang iba sa Aniqah na nakilala ko. Or ito talaga ang totoong Celine?

"Wala akong inaagaw." Explain ko.

"Yes you do. But sad to say nahuli ka sa bitag ni Aeon. You fell into our trap! You're just part of the bet!" Then she laugh.

"Ikaw ang mali. Di ka niya gusto. Ako ang maha-." Halos mapahiyaw ako sa sakit nang hatakin niya ang aking buhok at pinagsasampal ang aking mukha kahit na natumba na ako.

"You bitch!" patuloy nito. Nararamdaman kong parang matatanggal na ang aking anit.

"Tama na!" tinulak ko siya kaya napa atras siya at nakatisod sa isang hollow block at tumama ang ulo nito sa pader.

Agad niyang hinawakan ang kaniyang ulo at napasigaw siya nang makitang may dugo ito.

Dinaluhan ko naman siya pero dumating sina Cindy at tinulak ako.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon