Chapter 7

3 2 0
                                    

Wala kaming ginawa ng Sports Fest. kundi ang sumuporta sa mga team namin.

Mag isa akong naglalakad sa hallway pabalik ng quarters namin dahil ang mga magaling kong kaibigan ay walang hiyang nakipagsikisikan sa football field dahil sa mga crush nila.

Sina Elias naman ay ini orient pa ng coach para sa mga next games.

"Hi Sam. Saan ang punta mo?"tanong ng mga nakasalubong kong tumpok na mga senior high student na lalaki sa akin.

"Ah sa quarters lang." tipid kong sabi saka ngumiti ng konti at diretso ang lakad.

Nagtulakan ang mga ito hanggang sa harapan ko na ang isa sa kanila.

"Hatid na kita gusto mo?"ngisi ng isa na nagpatindig ng balahibo ko.

Nagkantiyawan ang mga kasama nito.

"W-wag na. Sige mauna na ako."sabi ko saka nagmamadaling lumakad palayo.

Napabuntong hininga ako habang nakayuko.

Nang umangat ako ng tingin ay nakita kong naglalakad patungo sa direksyon ko si Alfonso kaya nataranta ako bigla.
Sa dami rami ba namang lugar dito pa kami magkakasalubong. Tumingin ako sa paligid at naghanap ng posibleng madaanan para makaiwas pero sa kasamaang palad ay may bakod ang hallway.

Binalingan ko siya na walang emosyon ng nakatingin rin sa akin habang naka pamulsa. Naka jogger pants ito na itim at puting V-neck na dry fit shirt at puting rubber shoes.

Tumingin nalang ako sa kaliwa ko, siniksik ang sarili sa kayumangging pader habang patuloy na naglalakad.

Malalagpasan ko na. Malalagpasan ko na.

Malalagpa...

"Aray!" napaupo ako sa sahig habang sapo sapo ang aking noo na tila ba tumama sa isang matigas na bagay.

Bumungad sa akin ang isang pares ng puting sapatos.

"Stupid."he said dangerously.

Tumayo ako at akmang aalis pero hinila niya ang braso ko pabalik.

"I'm talking to you."

"Ano ba?"pagpupumiglas ko.

"Look like you having fun with those senior boys."

"Paki mo ba. Diba sabi mo ayaw mo sa pagmumukha ko. Anong nangyari?" mahinahon pero may diin kong sabi.

"I decide on that."nakangisi nitong sabi.

"Wow ha feeling mo din. Wag mo nga akong kausapin and stay away from me dahil isa lang akong anak ng taga bukid!" biglang tumaas ang boses ko kaya nabigla siya at binitawan ako.

Dali dali akong umalis.

Akala ko ba may meeting sila ng coach?

Pa special talaga. Bumaling ako sa likuran at halos mapatili ako dahil di kalayuan ay naglalakad si
Alfonso kasunod ko.

Shet naman. Ba't siya nakasunod? Baka hilahin niya ako mamaya at may kutsilyo pala siya tapos saksakin ako. Waaah!

Baka napikon ko!

Kaya halos patakbo akong dumating sa quarters.

"Sir, pede na po ba akong umuwi? Tapos na naman po ang illang games." tanong ko sa isang teacher.

"Of course Ms. Torres. As long as tapos naman pal-Ohh Mr. Alfonso do you need something?"sabi ni
Sir at tumingin sa likuran ko.

"I'm fine Sir. Just checking my things herevdahil may game pa po kami."

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon