Chapter 30

1 0 0
                                    

"With highest honor, Torres, Samatha." I heard claps and the cheers of my classmates especially my friends as a gold medal is being worn on me. Today's the awarding ceremony so here I am wearing my best smile together with my very proud Lola.

"With highest honor, Alfonso, Aeon Xavier." At halos bumagsak ang bubungan ng gymnasium dahil sa sigawan.

And there he was. The guy I love, on his stern look, he looks dashing. The guy I can never have.

It's been months since our last conversation. After that we're like a complete stranger. Binalik ko ang tuon sa pag aaral kaya gumanda ang grades ko. My friends knew about us pero nanatili silang tahimik, they knew na ayokong pag usapan ang tungkol dito.

Sa bahay ay madalang kaming magkita dahil iniwasan namin ang isa't isa. We didn't tolerate being near with each other. Ayokong mag cross ang landas namin dahil baka mayakap ko siya ng wala sa oras.

Oo mahirap lalo na't nasa isang bubong lang kami pero pag iniisip ko ang dahilan bakit ko ito ginagawa ay kinakaya ko.

Lumabas ako ng Gym dahil siksikan ang mga tao at napaka init, naiwan naman si Lola sa loob kasama ni Tiyang.

Pumunta ako sa isang bench sa lilim ng punong mangga bitbit ang mineral water na binili ko kanina at isang pamaypay. May nakita akong ginang na nakaupo patalikod sa akin.

Naririnig ko siyang parang humihingal kaya nilapitan ko ito. Laking gulat ko ng makitang pinagpapawisan ito at tila namumutla.

"Ma'am okay lang ho kayo?" tanong ko sa ginang na ngayo'y nakayuko parin.

Agad kong binuklat ang pamaypay at agad siyang pinaypayan, binigay ko rin ang aking tubig na di ko naman nagamit at hinagod ang kanyang likod. Kinuha niya ito at uminom ng konti. Pagkaraan ng ilang minuto'y tila gumaan na ang pakiramdam nito. Tumingala siya sa akin.

"Maraming salam-." Naputol ang salita nito nang magtama ang aming mata, napanganga ito ng konti.

Tinignan niya ako ng mabuti na tila sinusuri at may halong bigla ang kanyang tingin. Kahit ako ay napatigil at nabigla rin napakaganda at elegante ng Ginang, lalo na nang bigla itong naluha at agad rin niyang pinahid.

"P-pasensya ka na. A-anong pangalan mo?"

"S-Samantha po Mam." Sagot ko.

"Naalala ko lang ang ana-."

"Ma?" tinig ng lalaki sa aming likuran kaya nilingon ko ito.

"Kuya Dom?" agad na lumapit ito sa amin saka ngumiti sa akin ng tipid.

"Ma. We've been looking for you. Okay ka lang?" Alalang tanong nito saka sinuri ang ina.

"I'm sorry. I just felt suffocated inside kaya lumabas ako. Luckily..." tumingin ang ginang sa akin saka malamlam na ngumiti.

"Samantha here helped me. Thank you." Dagdag nito.

"Walang ano man ho." tugon ko.

"Ah Ma this is Samantha Torres, nag aaral siya rito, Sam my Mom, Isabel Villarde." pakilala ni Kuya Dom. At huli ko na ng mapagtanto na mga mga elitista pala ang kaharap ko. Kaya nahiya ako ng konti..

"A-ah nagagalak po akong makilala kayo Donya." napayuko pa ako ng konti. Tumawa naman ng konti ang Donya.

"Who is that?" Tinig mula sa likuran kaya napatingin kaming lahat sa isang matandang lalaki na umaalingasaw ang kapangyarihan dahil sa tindig, mukha at postura nito.

Napayuko akong konti.

"Papa." Donya Isabel greeted. Lumapit ito sa amin.

"From what family are you?" taas noo nitong tanong habang sinusuri ako.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon