LEZI 5

4 2 0
                                    

KABANATA 5: LEZI DE GUZMAN SERIES 4

"Balita ko may nakilala ka daw na mayaman na customer. Ano ang balita?" natawa na lamang si Lezi habang kumakain sa harapan ng katrabaho.  Nakabalik na si Ella mula sa bakasyon nitong tatlong araw kaya balik na naman sa dating shift ang trabaho niya. 

"Sabi ko naman sayo may makakapansin agad sa kagandahan mo ewan ko ba at ayaw mo magpalagay sa night shift!" reklamo nito at ininom ang juice na binili nila sa tabing department store. 

"Sayo ko lang ito ikukwento Lezi, nasubukan ko na makipag one night stand pero dahil hindi naman ako virgin mababa lang ang binigay niya sakin." pagkukwento nito at nagkunwari siyang hindi nakikinig pero ang totoo ay nais niya pang ituloy nito ang kwento. 

"Feeling ko naman virgin ka pa dahil never kita nakitang may kasamang lalaki kaya incase na may mag alok sayo ng one night stand! Naku girl hindi na iyon tinatanggihan pa!" dagdag pa nito at natawa na lamang siya sa mala aksyon nitong ginagawa sa harapan. 

"What I mean is kailangan mo din naman ng pera para makapag-aral why not ibenta mo ang virginity mo. Naku! Sinasabi ko sayo na kahit one night stand lang yun hindi mo iyon makakalimutan, lalo ka kung magaling sa kama-" 

"Stop it Ella!" 

"Ewan ko ba sayo!" inirapan na lamang siya ng kaibigan.

Matapos nilang makapag-usap dalawa ay hindi mawala sa isipan niya ang tungkol sa sinabi ng kaibigan. Pakiramdam niya wala namang masama kung gagawin niya ang sinasabi nitong one night stand. 

"What the heck Lezi! Why are you here!" nagulat ang kaibigan niyang si Ella na magpakita siya sa shift nito suot-suot ang mapang akit na damit. 

"Shit! Huwag mong sabihing interesado ka na sa sinabi ko?" pabulong na tanong nito at wala na siyang nagawa pa kundi ang sumang ayon. 

"Isang beses lang ito Ella kaya tulungan mo akong makahanap ng mayaman na lalake." pabulong na sabi niya dito at kumuha ng alak para naman kahit papaano ay mawala ang kaba niya.

"Just stay here Lezi may ipapakilala ako sayo." 

"Ella wait-" pigil niya sa kaibigan. 

"Ayokong ipakilala mo sakin yung mga naka one night stand mo na." paalala niya sa kaibigan at natawa ito sa harapan niya. 

"Ano bang akala mo sakin madalas makipag one night stand! Hell no Lezi! Isang beses ko palang iyon ginawa! Nakakaloka ka!" natatawang sabi ng kaibigan at hinampas siya ng mahina sa pwet. 

"Aray!" daing na lang niya kunwari. 

Sa tagal na hinihingkayat siya ng kaibigan na maki one night stand ay ngayon lamang niya ito pinatulan kung hindi pa nito nagawang ikwento ang karanasan pagdating doon. 

Hindi mapakali si Lezi sa kinauupuan pakiramdam niya may nakatingin sa kinaroroonan niya pero kapag hahanapin naman niya iyon ay wala naman. Nakakailang inom na ng alak na si Lezi buti na lamang at 0% alcohol ang iniinom dahil kung hindi ay kanina pa siya walang malay. 

Ilang minuto niya din hinintay ang kaibigan ngunit hindi pa din ito dumadating kaya naman ay nagpasiya na siyang tumayo at tumungo sa rest room. 

Doon ay tinitigan niya ang sarili sa salamin. Huminga siya ng malalim upang pagaanin ang kabang nararamdaman. 

Ayos lang ito Lezi, isang gabi mo lang itong gagawin. Kailangan mo lang mag demand ng malaking halaga para masecured na agad ang semester mo. Sabi niya sa isipan at pumikit.

Bakit ba siya kinakabahan? Isang beses lamang niya itong gagawin at pagkatapos kakalimutan niya ang nangyare na para bang hindi niya ginawa. 

Nag lakad na pabalik sa upuan si Lezi at doon ay nakita niya agad ang kaibigan na nakatayo habang nakikipag usap sa isang lalake. 

Base sa likuran nito ay halatang bata at matipuno ito. Ito naman ang hinahangaan  niya sa kaibigan marunong itong pumili ng lalaki sa katunayan ay may kagwapuhan din ang kasalukuyan nitong kasintahan.  

Dahan-dahan lamang siya naglakad palapit sa kanila. 

"There she is!" wika ng kaibigan. 

"Oh Ella! Who is he?" pagkukunwari niyang walang alam sa nangyayari.  Nang lumingon ang lalaki ay nasiguro nga niyang gwapo ito lalo na nang bigyan siya nito ng nakakaakit na ngiti. 

Shit! 

Kinagat ni Lezi ang labi at lumapit sa kaibigan. 

"Anong status niya?" mahinang bulong niya sa kaibigan. 

"Single. 28 years old. He's a chef." napanganga agad si Lezi dahil sa narinig. 

Hindi na din masama na makaka one night stand niya ang isang twenty eight years old single chef.

"Hi. I'm Nathan." pagpapakilala ng lalaki sa kanya.

"Nathan.. My name is-" hindi pa man din niya natatapos ang sasabihin nang bigla na lamang may humatak sa bewang niya palayo sa lalaki na kakamayan niya sana. 

Nagulat si Lezi at agad na nagtaas ng tingin upang tingnan kung sino ang mapangahas na pinigilan ang sasabihin niya.

"Fuck off Nathan! She's mine!" halos hindi makagalaw si Lezi nang marinig niya ang sinabi nito. 

Nilingon niya ang kaibigan na kasalukuyang nalilito sa nangyari. Ngunit dahil magaling naman umintindi ang kaibigan niya ay hinawakan nito palayo ang lalakeng si Nathan at naiwan silang dalawa ng lalaki na hindi pa din siya binibitawan. 

"You reject my offer and then I will see you here looking for a man to be fuck?" galit na sabi nito sa kaniya.

Gusto niyang matawa sa sinabi nito ngunit bago pa man may lumabas sa bibig niya ay nagulat siya nang buhatin siya nito palabas ng bar.

"Hoy! Ano ba!" hinampas niya ang likuran nito ngunit hindi siya nito ibinaba. Kahit na anong gawin niya ay mas malakas pa din ang lalaki kaya naman ay wala na siyang nagawa pa nang ihagis siya nito sa passenger seat. 

"Aray!" daing niya ng tumama ang ulo niya sa matigas na parte.

"Ano ba!" sigaw niya dito nang makapasok ang lalaki at umupo sa driver seat. Nilingon siya nito at taas babang tiningnan.

Galit na bumaba ang tingin nito sa hita niyang hindi natatakpan dahil sa ikli ng suot. 

"Stop staring!  Sagutin mo bakit mo ba ito ginagawa sakin ha?!" galit na tanong niya sa lalaki. 

Hindi ito nakapagsalita sa harapan niya. Pakiramdam niya ay napaisip din ito ng malalim. 

"Mr. Ticzon look at me. Look carefully, I'm not your fucking girlfriend. Gumising ka! Tsk! Kung buhatin mo ako palabas para bang pagmamay-ari mo ako-"

"Get out." putol nito sa anumang sasabihin niya. Nakita niya itong nagiwas ito ng tingin at galit na napahawak sa manibela. 

"Yes! Tama! Ganiyan nga!" galit na sabi ng dalaga at nang akmang lalabas ay napahinto siya. 

"You know what? Sinira mo ang plano ko ngayong gabi! Sa tingin mo ba kapag bumalik ako sa loob makikipag usap pa siya sakin matapos mong sabihing-"

"Kainis!" hindi na magawa pang tapusin ni Lezi ang anumang sasabihin dahil nais na niyang umalis sa harapan ng lalaki.  Kumukulo ang dugo niya dito. Ano nalang ang ipapaliwanag niya sa lalaking ipinakilala ng kaibigan? 

Ayaw na niyang bumalik pa sa loob, nakakahiya matapos siyang buhatin palabas ay pakiramdam niya, magmumukha lamang siyang tanga. 

Nilakad niya ang daan pabalik sa apartment ngunit hindi pa man din siya nakakalayo ay nagulat siya nang may humatak sa kamay niya at nang lingunin niya ito ay kumulo na naman ang dugo niya. 

"Ano na naman ba?!" sigaw niya dito ng sapilitan uli siyang papasukin sa passenger seat ng lalaki. 

Hindi na siya nakapagsalita pa nang paandarin nito ng mabilis ang kotse.

This man is really crazy!



De Guzman Siblings Where stories live. Discover now