Chapter 1

25 2 0
                                    

KANINA pa malakas ang ulan. Hindi na naman siya sinuwerte ngayong araw. Kung nakapagtimpi lang sana siya kanina sa trabaho ay hindi sana siya nandito sa waiting shed naka upo, nakayuko, at umaasang magiging maayos ang lahat.

Mukhang hindi rin magiging ayos ang paparating niyang mga araw. Ngayong wala na siyang trabaho ay maghihirap na naman siya sa pang-araw-araw na gastusin.

Jusko, mahabaging Lord! Bakit niyo pa 'ho kasi ako binigyan ng maikling pasensiya? Why?

Naka-ilang buntong hininga ang dalaga at ipinilig ang ulo sa haligi ng waiting shed. Nais na niyang umuwi ng bahay at umiyak ngunit sa matinding ulan ay parang gusto na rin niyang maglaho ng basta-basta.

Wala siyang ibang naririnig kundi ang marahas na pagpatak ng ulan at dibdib niyang kanina pa dumadagundong. Pakiramdam niya ay para siyang pinagsakloban ng kung anong mga mabibigat na bagay na kayang ibato ng buhay niya sa kanya.

Ilang minuto ay may traysikel na walang laman ang kanyang nakita. Nabuhayan siya ng loob at pinara ito bago pa man siya malampasan.

"Kuya, para!" Hiyaw niya.

Tumigil ito sa tapat at sumakay na rin siya rito. Pinasok niya ito at plinastar ang sarili pagkatapos ay sumandal sa dingding ng traysikel.  Tumahimik na ang dibdib niya saka niya naisipan na buksan ang cellphone niya.

Madaming notifications ang kanyang natanggap, sa messenger, update sa facebook, pati mga reminder sa notes. Wala siyang gana magbasa ng mga ito pero pinilit niya paring basahin ang mga messages.

Anaknang— Ano namang alam niyo?!

Ito ang bulyaw niya sa isip habang binabasa ang mga chats sa messenger tungkol doon sa nangyari kanina sa trabaho...kung bakit siya nawalan ng trabaho.  Gusto niyang tadtarin ang mga ito sa phone kung pwede lang makalusot ang mga kamay niya. 

P&A  FAM

Fred: Gosh! Why did you do that Ning? Galit na galit 'yong kliyente kanina.

Fatima: Ning, we told you many times na this type of scenario happens. You just gotta be patient.

Jules: oo nga po ate ning, nag cancel yong kliyente😢

Gerry: wla daw ginawng kasalann yung kliyente ning, bakit mo namn sinampal?? napahiya tuloy.

Did all of you even ask for my side of the story? Ang manyakis na 'yon talaga ang mas pinipili niyong pakinggan? HELLO! I'm the fucking victim here! Pamilya ba talaga turing niyo sakin?!

Binato niya nalang pabalik ang phone sa kanyang bag at hinimas–himas ang kanyang sentido dahil pakiramdam niya ay sasabog na siya sa matinding galit.

Siya ang mas pinaka nahiya kanina. She felt so disgusted about the way the "client" treated her. They have no idea what she had been to, tapos makapagsalita pa ay parang wala lang kung bastusin siya. Mas importante parin ang negosasyon kaysa kaligtasan? Anong klase logic meron sila? Bwisetan lang?

Bumuntong hininga na naman ulit siya at mariin na napapikit. Wala siyang pinagsisihan sa pagsampal niya sa manyakis na iyon, pero ngayon ay ang kanya namang bulsa ang magdudusa.  No job, no money.

"Kuya para!" Hindi niya namalayan na nakadating na pala siya. "Salamat po, Manong." Saka siya bumaba.

Pumasok na siya sa apartment at naglinis ng katawan. Nagbukad siya ng ref at kinuha ang mga natitirang pagkain kaninang umaga. Pinaandar niya ang TV at doon kumain sa sala.

Variety show ang pinapanood niya at kahit pa nakakatawa ang mga pinaggagawa ng mga artista ay wala parin siyang gana tumawa. Pati nga sa  pagkain ay para din siyang walang nalalasahan.

Ililipat niya na sana ng channel ang TV nang mag ring ang phone niya.  Pinatay niya muna ang TV at tinignan ang caller I.D

Mama.

Buntong hininga na naman ang kanyang pinakawalan bago ito sinagot.

"Ma?"

"Ano na naman 'yang kaartehan mong 'bata ka?! Hindi ka na naawa sa amin ng kapatid mo?! Nasaan ang utak mo?! Mananampal ka nang kapwa mo? Tinuro ko ba sa'yo 'yan?"

Ito ang inaasahan niyang tawag mula sa Mama niya. Tatawag lang naman ito kung galit, may hinihingi, uutang, o kaya naman ay may ipapabili ang kapatid niya.

"Ma, please... wag muna ngayon."

"Tigilan mo 'kong bata ka! Kung sana hindi ka nagpadalos-dalos ng desisyon mo ay sana may pera ka pa ngayon. Letse ka!"

Pera lang ba talaga habol mo sa'kin ma? Tang ina naman akala ko kakampi kita pero ikaw din naman pala itong hindi makikinig sa'kin.

"Ma, nagawa ko lang naman 'yon kasi nababastos na ako!"

"Pinagtataasan mo na ako ng boses ngayon, ha?!"

Agad nalang niyang pinatay ang tawag at binuksan pabalik ang TV.
Pinilit niyang ituon ang pansin sa telebisyon at pilit na tumatawa sa jokes ng mga comedian. Ganito naman palagi ang kanyang senaryo kung papagalitan siya ng Ina. Lagi niyang pinipilit na huwag maramdaman ang sakit.

You should've the one comforting me, Ma. Ma, i miss you so much... Kailan mo 'ko mamahalin?  Ma.




















The Fading Echoes Where stories live. Discover now