CHAPTER 1

23 1 2
                                    

Pat's POV

"Pat! Patricia!"

Napalingon na lang ako kay Alex, ang housemate ko. "Huh? Bakit ka sumisigaw?"

"Tulala ka. Alas kwatro pa lang ng umaga tapos matatagpuan kitang nakatulala riyan?"

"Ah, may iniisip lang ako."

Hindi. Wala akong iniisip, pero may tinititigan ako. Tumititig din pabalik 'yon.

"Eh bakit ang aga mong magising? May meeting ka ba?"

"Oo, alas nuwebe pa naman ng umaga pero pupunta ako sa bahay ni Ox para sunduin s'ya. I-che-check ko rin ang lagay n'ya. Napapansin kong mas'yadong mabilis ang pag-a-update n'ya nitong mga nakaraan. Baka hindi na naman natutulog ng maayos 'yon."

"Ox is an incredible writer. Malay mo naman mabilis lang talaga s'yang mag-produce ng ideas kaya mabilis din ang updates n'ya."

Isa sa mga reader ni Ox si Alex. Hindi mahilig sa romance si Alex. Mas gusto n'ya ang action at mystery novels. Gusto n'ya rin ng horror, pero ang tanging romance writer lang na pina-follow n'ya ay si Ox. Dala na rin siguro ng palagi kong pagkukuwento kay Ox kaya na-curious s'ya sa mga gawa nito.

Sumasama pa minsan si Alex kapag may events na kasama si Ox. Bumibili rin s'ya ng physical copies ng mga libro ni Ox. Sobrang bihira ni Alex bumili ng physical copies kapag available naman online ang libro, pero pagdating sa mga libro ni Ox, bumibili talaga s'ya kahit ng special bundles.

"Sasama ka ba sa book signing event n'ya?" Tumayo na ko at nag-inat. "Sa 27 'yon."

"Oh, two weeks from now? Sakto, wala akong pasok sa bar. Dadalhin ko 'yong bago kong biling libro n'ya para mapirmahan."

Nagtatrabaho si Alex bilang isang bar dancer. From 8pm to 4am ang trabaho n'ya. Nakagugulat nga na ang aga n'yang nakauwi ngayon.

Pumunta ako sa kusina namin. Nakasunod naman sa 'kin si Alex. Umupo s'ya sa upuan na nasa harap ng dining table namin.

"Alex," pagtawag ko sa kaniya kahit sa lababo ako nakatingin. Iniisip kung ano ba ang magandang almusal. "Bakit gustong-gusto mong binabasa ang mga gawa ni Ox?"

I heard her chuckle. "Because she writes good stories? I actually don't know. S'ya lang ang author na gusto ko when it comes to romance. Sobrang tindi ng kilig moments. Kahit ayaw ko nang magka-boyfriend, parang susugal ako ulit dahil sa stories n'ya, eh."

Humarap ako sa kaniya, pero sumandal sa lababo. "Do you like her stories because you know what it feels like to fall in love? Nababasa ko kasi sa comments ng posts n'ya na gusto ng readers ang stories ni Ox dahil sobrang relatable dahil naranasan na nilang magmahal. May iba naman na hilig basahin ang stories n'ya dahil hindi pa nila nararanasan 'yong karamihan sa moments doon."

"Maybe I like her stories because I never experienced any of the moments there." Napatitig ako kay Alex. "Naranasan ko nang magmahal, pero hindi ko pa naranasang mahalin, Pat."

Napatango-tango na lang ako.

"Ox write stories about normal love, the usual and everyday type of love of common couples. Konti lang ang stories n'ya na may rich man and poor woman trope o kaya ay mega billionaires. Kahit pa mas sikat ang stories n'ya na sakop ang trope na mas gusto ng maraming readers, mas madalas n'ya pa ring isulat ang love stories na nakikita ko sa pang-araw-araw kong buhay. Ano ba ang masaya sa pagbabasa ng nakikita ko naman araw-araw? Kasi hindi ko pa nararanasan ang mga 'yon, Pat."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Alex. She looks so serious about it. Ilang taon na kasi kaming magkasama sa bahay, pero kahit kailan ay wala pa s'yang nakuwento sa 'kin na may boyfriend s'ya o kahit someone na dine-date lang n'ya.

TrepidateWhere stories live. Discover now