FLIGHT

24 1 0
                                    

Eve's POV

Remorse is a heavy word, a deep feeling.

I never liked it.

But I found comfort in it.

"Ox, are you listening?" Nagtaas ako ng tingin kay Pat, my very understanding overseer. "Sabi ko, gusto ng publishing company na magkaroon ka ng book signing event next month. Matagal na raw kasi simula nang magpakita ka sa readers."

"Why are they making it sound like I'm hiding?" Binaba ko ang tasa ng kape na paubos na sa saucer nito. The cinnamon latte hits home. "I'm too busy revising my old stories."

"We know pero hindi ka rin kasi mas'yadong active sa social media kaya maraming fans ang nagde-demand na makita ka."

I am currently an author under Sunken Publishing Company. Pitong taon na kong nagtatrabaho sa kanila. Dalawang taon na ang nakalilipas since makapag-establish ng sariling reading and writing app nila ang Sunken kaya roon na lang ako palaging nagpa-publish ng stories ko. Hindi rin naman ako p'wedeng magsulat sa ibang writing platforms dahil nasa kontrata na sa kanila lang ako p'wedeng magpasa ng manuscripts at magsulat. Kahit ang mga writing commissions ko ay sila rin ang nag-aayos.

Kilala ako pagdating sa pagsusulat ng romance at teen fiction. 'Yon naman kasi talaga ang gusto kong sinusulat. Doon ako masaya.

Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong nasusuya na ang dila ko sa pagsusulat ng kilig moments na kahit kailan ay hindi ko pa naranasan.

"Wala naman akong magagawa kung gusto nila ng book signing event." Tiningnan ko si Pat. "Nabasa mo na ba 'yong manuscript na sinend ko sa 'yo last week?"

Ngumiti naman agad s'ya. "Oo, ang cute. College sweethearts, huh? Sigurado, marami na namang kikiligin doon."

Pat is an avid romance reader. Alam kong minsan nagbabasa lang s'ya ng romance para sa bed scenes, pero hindi naman ako nagsusulat ng bed scenes. Nakagugulat na natitiis n'yang basahin ang mga gawa ko kahit puro tamis na lang talaga.

I like writing fluffy stories. I don't like complicated plots. Karamihan naman sa readers ko ay hindi nagbabasa ng mga gawa ko para mag-isip ng husto, para mag-decipher o kung ano pa man. They just want to read chill stories na magmo-motivate sa kanilang ma-in love ulit o kaya mas lalo pang ma-in love.

Love.

That's another strong feeling. Same as remorse.

"I'd love to try writing a GL story next time."

Tumaas ang dalawang kilay ni Pat bago gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi n'ya. "Trying new things, huh? Nagustuhan pa naman ng readers ang una mong BL last year. Magugustuhan din nila 'yang GL na 'yan, pero huwag mong kakalimutang magpahinga, Ox."

Inubos ko na ang kape ko. "Uuwi na ko, Pat."

Nakita ko ang paglamlam ng mga mata n'ya pero nawala rin agad 'yon. "Sige, gusto mo bang ihatid kita?"

"I'll just ride a jeepney. Isang sakay lang naman." Tumayo na ko at inayos ang damit ko. "Thanks for your time, Pat."

"You can have all my time, Ox. Alaga kita, eh."

I chuckled. "Sure."

Lumabas na ko ng coffee shop. Iniwan ko na s'ya roon dahil hindi pa ubos ang pagkain n'ya. She has always been a slow eater with a big appetite.

Naglakad ako ng ilang minuto bago makarating sa hintayan ng jeep. May mga estudyante akong kasabay. 'Yong iba mukhang nagmamadali na dahil late na sila. Alas diyes na ng umaga. Baka college students sila.

TrepidateWhere stories live. Discover now