Chapter 22

78 9 0
                                    


HAKU MONTERIVER

"TIAN, is no longer to be found. Ayon nalang ang nasabi ng mga tagahanga nito, matapos nitong tumigil na sa pag-aartista. Ilang araw na ring walang balita ang mga fans kung nasa'n ito ngayon. Inactive na rin ang nasabing actor sa lahat ng social media account nito."

Maraming nagsusulputan na mga balita tungkol sa pagkawala ni Tian, pero wala pa rin ni-isang balita kung nasa'n na siya ngayon. Walang may alam kung nasa'n siya nagpunta.

It's our break time from taping, kaya naisipan kong tawagan si Blue, total sila naman dalawa ni Tian ang sobrang close, kaya malamang ay nasabi sa kanya ni Tian nasa'n siya.

"Hey Blue, do you know where's Tian is?" Agad na ako nagtanong. "Hindi rin eh..." nag-aalang tuno ng boses niya.

Pero hindi ako naniwala. "Tell me the truth, Blue. Alam kong alam mo kung nasa'n si Tian, at baka sinabi lang niya sa inyo na huwag sabihin sa 'kin." Tugon ko. "Please Blue, I need to be with him. Huwag niyo naman siyang itago sa 'kin." Dagdag ko.

"I swear Haku, hindi ko talaga alam. Kasi kung alam ko, malamang sinabi ko na sa 'yo, you know naman na number one shipper niyo akong dalawa..." sagot niya. "Pero hindi eh, hindi ko din alam. I've been trying to contact him, but looks like nagbago siya ng number." Mababang tuno ng boses niya.

Napabuntong hininga nalang ako. "Sige. Salamat." Binaba ko na ang tawag.

Mukhang kailangan na ako na mismo ang gumawa ng paraan para makita siya, sabi ko sa isip.


Pagdating ng gabi. Kahit alam kong mali ang gagawin kong pagtakas, ay tinuloy ko pa rin. Wallet at cellphone lang dala ko. Pagtapos ko suotin ang jacket dahil malamig pa rin sa labas, ay dahan-dahan ko na binuksan ang pintoan.

Masarap ang tulog ng mga co-actors ko na kasama ko sa kwarto, kaya hindi nila namalayan ang paglabas ko. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, at nakita kong ang ilan sa aming mga crew ay sa may sahig at sofa na nakatulog.

Dahan-dahan lang ang hakbang ko para hindi nila ako matunogan. Mayamaya pa ay may isa sa crew ang gumalaw, kaya napahinto ako. Kabadong-kabado na ako. Pero buti nalang ay hindi ito nagising at sarap pa rin ang tulog.

Kung titignan ay nagmukha na akong akyat bahay sa ginawa ko. Sa lahat ng Monteriver, ako lang yata ang umabot sa situation na 'to. Pero bahala na, basta para kay Tian.

Hindi naman masyadong malaki 'tong bahay na pinag-tipingan namin, at madali lang din mahanap ang mga pintoan. Nang makaabot ako sa pintoan, ay may ngiti sa labi ko habang binuksan ito nang dahan-dahan.

Lumakad na ako ngayon sa malawak na front yard, at dahan-dahan kong binuksan ang maliit na gate, medyo luma na 'to kaya medyo matunog pagbinubuksan. Nang mabuksan ko na 'to ay agad na kong lumabas.


Agad akong natigil nang bigla akong may natapakan. Tinignan ko ito, at isa pala itong bond paper. Inalis ko ang paa ko dito. "Mukhang sinadya itong ilagay dito sa labas ng gate." Sabi ko.

Dahan-dahan ko itong pinulot at familliar sa 'kin ang ganitong hand written. Binasa ko ang nakasulat dito.

"Ipagpatuloy mo lang 'yan. At galingan mo pa. Nandito lang ako naka-suporta sa 'yo."

Pagkatapos kong basahin ay agad akong napalingon sa paligid. "T-Tian," mahinang sabi ko. "Tian, nasa'n ka...?" Dahan-dahan akong humakbang. "Tian, huwag mo naman ilayo ang sarili mo sa 'kin. I really need right now. Just please, come back to my arms."

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now