Chapter 11

121 9 5
                                    


REDEN VILLANUEVA

I'M lying on the bed and it was already 2 AM pero hindi pa rin ako makatulog. Wala namang ingay, tulog na ang lahat ng mga co-actors na kasama ko dito sa kwarto, at payapa na ang gabi, pero hirap ako makatulog.

And I guess, my mind is the one that won't let me sleep. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Pero actually ilang araw na rin akong nag o-overthink, mula nong tinanggap ko ang project na 'to, sobrang dami ng what if.

Pero nong nakita ko na siya, ay mas lalo pang lumala. Hirap na ako makatulog. Halos nagkaka-insomnia na ako nang dahil sa kakaisip sa kanya.

Alam ko naman sa sarili ko na once tatanggapin ko ang project na 'to ay makikita at makikita ko talaga siya. Especially he's still close to Tian.

Bago lang ako sa industry ng showbiz at ito ang first time ko makatrabaho si Tian. Kahit na hindi ako handa sa posibleng mangyari once magkita-kita kami at baka pag nalaman nila ang totoo ay magkagulo.

Pero hindi ako umurong. Sawa na ako magtago. Pagod na akong tumakbo. Nasasaktan na ako kakabuhat ng mga salita na hindi ko mabitaw-bitawan.

Bumalik tuloy sa akin ngayon ang sakit na naramdaman ko mula nong natapos ang lahat. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko at gustong-gusto ko na sumigaw sa sobrang sakit, pero pinipigilan ko lang at pilit kong tinatakpan ang bibig ko.

Pero ang hindi ko napigilan ay ang pagpatak ng luha ko. "I-I'm so sorry, Blue..." mahinang pagtangis ko.



Sa bawat pagsikat ng araw ay umaasa akong mawawala ang sakit. Pero kakagising ko pa nga lang ay nakita ko naman sa isip ko ang mukha ni Blue. On my mind, the younger version of him was smiling at me, then starting to cry.

"Red...uy Red..." tsaka lang ako natigilan nang marinig ko ang boses ng co-actor ko na gumanap bilang isa sa mga kontrabida, pero mabait siya sa totoong buhay, same lang kami ng age pero mas matagal siya sa showbiz.

Lumapit siya sa 'kin. "Bangon na. Tayo nalang nandito sa room. Mukhang nasa baba na yata lahat." Sabi niya sa 'kin at tumango lang ako.

Nauna siyang lumabas at naghilamos muna ako bago ako lumabas ng kwarto. Nasa third floor pa kami ng napakalaking mansion na 'to na ni-rent namin para sa taping, kaya kailangan pa namin bumaba sa mga mahahabang hagdan na 'to.

Habang bumababa ako ng hagdan ay pinupunasan ko naman ng face towel ang mukha ko. Sa baba lang ang tingin ko. Sa patuloy na paghakbang ko, I accidentally bumped into someone na mukhang paakyat sa hagdan.

"Ahhh—" sobrang nagulat ako nang sumigaw ito kaya napaangat ako ng tingin at mahuhulog pala siya sa hagdan, kaya dali-dali kong hinawakan ang likod niya at hinila ko siya palapit sa 'kin.


Nagkadikit ngayon ang aming katawan at mukhang pariho naming naririnig ang kaba sa mga dibdib namin. Matagal ko siyang hawak-hawak at matagal din siyang nakayakap sa 'kin, siguro dala lang ng takot niya.

Tinignan ko ang katawan niya at lalaki pala siya, hindi ko na kasi natignan siya ng maayos kanina dahil sa bilis ng pangyayari. "Bro, your safe na." Saad ko.

Dahan-dahan siyang bumitaw at pag-angat niya ng tingin ay biglang naramdaman ko ulit ang feeling na matagal ko ng hindi naranasan—ang unti-unting pagtigil ng paligid at maging ang mundo ko.

It was Blue. He's the only one who make me feel this way. Para akong nanghihina sa tingin ng mga inosenti niyang mata.

"B-Blue...i-ikaw pala...?" Mababang tuno ng boses ko.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now