"Just please, continue this for me. Ipagpatuloy mo ang pagiging artista, hindi dahil napipilitan ka, kundi dahil alam mong nandito ako, sumu-suporta sa 'yo." He said this while fixing my hair.


Inalis niya 'yong mga luhang dumapo sa pisngi ko. "Smile ka lagi ah. Huwag laging masungit." Ngumiti siya sa 'kin. "Sige na Haku, aalis na ako. Paalam." Lumakad na siya papunta sa kotse niya.

Patuloy sa pagpatak ang luha ko, at wala akong nagawa kundi tignan siyang papasok na sa kotse niya. Pero hindi ko hahayaan na sa ganito lang matatapos ang pagkikita naming ito. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya, at niyakap ko siya sa likod. "Don't take so long." I said habang hinihigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Babalik din ako. I promise." Dahan-dahan na niya inalis ang mga kamay kong nakahawak sa tiyan niya, at tsaka siya dahan-dahan na pumasok sa kotse niya.

Nanatili ako sa kinatatayoan ko, at tinitignan ko lang siya kahit hindi niya ako magawang tignan. He now drive at tuloyan ng umalis. Nasasaktan pa rin ako habang tinitignan siyang palayo nang palayo.



After Tian quite the showbiz industry ay kaliwa't kanan na ang balita tungkol sa kanya. Madami ang nalungkot, especially mga fans naming dalawa. 'Yong iba na ayaw na ayaw sa kanya dati, eh nalungkot pa sa pag-alis niya.

But if there's one person na nasaktan sa pag-alis niya, ako 'yon. Ilang araw din akong nanatili sa kwarto at hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin. I never saw myself to be paired by other people, except Tian.

Siya lang ang gusto ko makatrabaho. Ngayong wala na siya, hindi ko alam kung mabibigay ko pa ba ang buong percentage ko sa new movie na 'to.

"Just please, continue this for me."

Nang biglang dumaan 'yon sa isip ko ay tsaka nalang ako natigil sa pagkatulala. Napahawak nalang ako sa ulo. "Bakit ba ang hirap-hirap tumanggi pag siya na ang humiling...?" Halos mapasigaw na ako dito sa loob ng kwarto ko.

I get my phone at gaya ng lagi kong ginagawa kahit nong nasa Los Angeles palang ako, I stalk him to the internet. Nagpunta ako sa Instagram to check his account, and to my surprised, deleted na lahat ng post niya.

As in lahat, wala siyang itinira, kahit mga pictures naming dalawa, kahit 'yong special night na humakot kami ng awards ay wala na rin sa Instagram niya. Walang mukha ang profile picture niya. And nothing can be found on his following list.

He no longer follow even just one person. Even me, he unfollowed me. But still, he's the only one I kept following. I want to message him, but I don't want to disturb his peace. I need to give him some time, because that what he want.


Kahit na ayaw ko ay kinaya ko para kay Tian. Pumapasok pa rin ako sa studio para sa mga paghahanda. They even introduced me now to a new actor na makakasama ko. Halos hindi ko siya magawang tignan dahil sobrang layo niya kay Tian.

Tian is cute, his eyes are so innocent, he has a slim body, silky hair, perfect lips—damn, I miss everything about him.

"Okay, ready? Testing, Scene 9." Tugon ni Direk Mike.

Dahan-dahan na lumapit sa 'kin ang actor na si Jake, siya ang ipinalit nila kay Tian. Pagtapos niya magsabi ng kanyang linya ay dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin, at hahalikan sana niya ako sa pero agad kong iniwas ang mukha ko.

Seryoso lang akong nakatayo sa harapan niya, pero nangangalit na ako sa loob na halos gusto ko manuntok ng tao. Lalo pa akong nakakaramdam ng inis nang pababa nang pababa ang mga kamay niya sa 'kin, at nang dahan-dahan na niya akong hububaran ay agad kong hinawakan ang mga kamay niya.


"Cut!" Sigaw ni Direk Inihaw na nasa tabi ni Direk Mike. "Ano ba Haku?! Seryoso ka ba sa trabahong ito?!" Pagalit niyang tanong. "Nawala lang si Tian, nagkaganyan ka na! Kung gusto mo magtagal dito sa showbiz industry, bawal ang ganyan!" Dagdag pa niya.

Tumahimik nalang ako kahit gustong-gusto ko na sabihin na ayaw ko naman talaga magtagal dito kundi lang dahil kay Tian. Pero 'di pa rin pala siya tapos, ang dami pa niyang dada.

"Baka gusto mo na talaga si Tian? Uy sinasabi ko sa 'yo, hindi na virgin 'yon, maruming lalaki na 'yon..." sabay tawa niya, kumulo na nga ang dugo ko at hindi na ako nakapag-timpi. "Bullshit! Don't you ever disrespect him, cause I will definitely bring you to hell!" Diin kong pagkasabi habang papalapit ako sa kanya.

Masusuntok ko na sana siya kung hindi lang ako pinigilan ng mga co-actors ko at pati si Direk Mike. "Okay tama na 'yan! Hindi tayo matatapos dito sa practicing kung puro mainit ang ulo natin." Pagsaway sa 'min ni Direk Mike.


After ng ilang araw na preparation, ay nagsimula na ang totoong taping. Sa unang taping namin ay inasahan kong darating si Tian dahil nabalita naman ang taping namin na 'to, pero natapos nalang ang gabi, hindi siya dumating.

Naging malaki ang adjustment na ginawa ko, dahil iba na mga kasama ko ditong actors, iba na rin ang mga crew. Kaunti lang ang mula do'n sa Memories na kasama pa rin dito, bukod kay Direk Mike.

Ang hirap isipin na ibana ng actor ang gumagawa sa dapat kay Tian. Ni-request ko na alisin na ang mga intement scenes, at pinayagan naman 'yon ni Direk Mike. Kaya kahit papaano nakaluwag-luwag ako dahil hindi ko kailangan magpakita ng katawan sa ibang actor.

I don't want my body touch by someone else. I don't want someone hold my hands. I only want Tian.

Naging hindi madali sa 'kin ang pananatili, pero ginawa ko dahil nangako ako kay Tian.


Nagdaan ang ilang araw. After ng shooting namin sa isang scene ay nag break muna kami. Habang pinupunasan ko ng face towel ang mukha ko ay naramdaman kong parang may kanina pa nakamasid sa 'kin.

Lumingon ako dito sa paligid ng park kung saan kami nag shooting. At bigla kong nakita ang isang lalaking nakasuot ng green jacket, pagkakita ko sa kanya ay agad naman siya nagtago sa puno ng kahoy.

"Tian," dali-dali akong lumakad.

Pagkarating ko sa may kahoy ay wala akong nakita kahit ni-isang tao ang nakatayo sa puno nito. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa, nililibot ko pa rin ang tingin ko sa paligid sa pag-asang makikita ko si Tian.

Mayamaya ay nakita ko na ang isang lalaking naka green ang jacket. Habang tinitignan ko siyang nakatalikod ay malakas ang loob kong siya si Tian, kaya napapangiti ako.

Pagkalapit ko ay agad ko hinawakan ang kamay nito. "Tian..." ipinaharap ko siya at agad ko sana siya yayakapin, pero napalunok ako nang hindi pala siya si Tian. "Ano ba?! Disturbo ka naman eh, may kausap ako sa phone..." galit nito sa 'kin.


"S-Sorry..." mababang tuno ng boses ko, agad niyang inalis ang kamay niya at umalis.

Halos mabalyo na ako, dahil kahit saan ako tumingin ay si Tian lang ang nakikita ko. Alam kong wala akong mahahanap na katulad ni Tian, pero halos lahat ng tao dito na tumitingin sa 'kin ay inaakala kong si Tian.

"Tian, nasa'n ka na ba? Hanggang kailan mo ba ako balak paghintayin?" Napabuntong hininga nalang ako. "Baby, I miss you so much."

I want to find him, and be with him. Pero sobrang hirap sa situation na 'to. I want to quit this shit, but if gagawin 'yon magtatampo naman siya sa 'kin. I don't know where he is. Ang sakit isipin na, Tian is no longer to be found.

He's used to be my sunshine before. But now, he looks like the sunset, that I must wait to come for, but it will then passed by.




Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now