"Tama na 'yan. Kumain na muna tayo," awat ni Avi.

"Sige na! Mauuna na 'ko! Susunduin ako ni Mommy't Daddy d'yan sa baba. Bye! I love you girls!" hinalikan ko sila isa-isa.

"Mag iingat ka na ha!" pag papaalala sa 'kin ni Ke.

Tumungo naman ako bago lumabas ng pinto narinig ko pa ang pag baling ni Lynette kay Ke.

"Yung Gelo ba 'yan ginugulo ka pa rin? Kung d'yan ko nalang kaya ibuntong ang galit ko sa nang manyak kay Akisha?"

Tuloy-tuloy na ako nag lakad. Pagbaba ko ng parking lot nakita ko na kaagad ang sasakyan ni Daddy. Bumukas naman ang shot gun seat, tumatakbong si Mommy.

"Oh, god! Kung hindi pa namin nabalitaan sa ninong mo sa prisinto ang nangyari hindi pa namin malalaman. Akisha naman! Kailan mo pa balak sabihin sa 'min 'to?"

Napangiti ako. Walang bahid na galit sa tono ni Mommy kung hindi inis lang. Hinalikan pa n'ya ako nang paulit-ulit.

"Pagtapos po sana ng big case n'yo sa hospital. Ayoko naman kasi sumabay pa sa inyo, Mommy."

"Don't say that, anak! Kahit kailan hindi ka naging burden sa 'min ng Daddy mo. Kung kailangan may pumalit sa pwesto namin. Gagawin namin."

"Mommy..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Niyakap n'ya lang ako ng mahigpit. Natawa pa ako dahil nakatingin lang sa 'min si Daddy. Nang mag salubong ang tingin namin umiwas kaagad s'ya ng tingin. Kahit malayo nakikita ko ang kinang ng mata n'ya.

"Anong gusto mo? Ipagluluto kita! For sure puro past food at noodles nanaman ang kinakain mo sa condo mo. Haynako!" napasapo sa noo na sabi ni Mommy.

"Marunong na ako mag luto, Mi!" ani ko.

Ginaya n'ya lang ako sa sasakyan habang naka yapos pa rin sa 'kin na parang takot akong bitawan. Para nga ayaw na n'ya akong pakawalan.

"Ka-miss bulalo, Mi!" pang lalambing ko.

"Okay, mahal! Daan muna tayo ng grocery, Daddy," pag lalambing naman n'ya kay Daddy.

Isang tungo ang ginawad ni Daddy tsaka s'ya nag-drive papuntang super market. Narinig ko naman ang pag ring ng cellphone ni Mommy. Nakita ko naman na pinatay n'ya kaagad ito. Paglingon n'ya sa 'kin sa likod binigyan n'ya ako ng maliit na ngiti.

Pagkatapos ng araw na 'to alam ko na babalik na ulit kami sa dati. Uuwi nanaman ako sa condo ko at mag-aaral. Mag tratrabaho sila na mag tratrabaho kasi kailangan. Ihahanda ko na ang sarili ko para rito. Parang hindi pa naman ako sanay.

"Masarap 'yan!" turo ni Mommy sa isang box na chocolate.

Ngumiti naman ako tsaka 'yon inilagay sa cart namin. Ang bulalo na para sa gabihan nauwi na sa dalawang buwan na groceries. Sinabay na kasi nila ang stock ko para sa condo. Para hindi na rin ako kumain sa labas. Nakalista na d'on ang per day na pwede ko lutuin. Nilista 'yon ni Mommy.

"Anong oras na kaya don?" ani ko.

Time to time nag-uusap naman kami ni Zack. Minsan lang kasi kailangan ko pa gumawa ng mga pending na plates. Hindi rin nag sasabay ang body clock namin. Nag a-adjust pa kasi s'ya don.

"Bakit ka ba tingin nang tingin sa relo mo? Sira na ba 'yan?" naka tingin pala sa 'kin si Mommy. "Bili tayo ng bago later. Pagka bayad natin ng groceries."

"Hindi, Mommy! Tinatansya ko lang yung oras..." Pagpapalusot ko pa.

Mukhang sang-ayon naman s'ya sa sinabi ko. Mabuti nalang at konti lang ang tao sa supermarket kaya naman naka pag bayad na kami sa counter. Paguwi, kaagad dumaretsyo si Mommy sa kusina.

Among Dapitan (Coast Series #2)Where stories live. Discover now