Inilabas ko ang aking isang dibdib at saglit lang nakasakmal na roon ang tatlong taong gulang na batang babae. I gently caressed her soft, silky hair while staring fondly at her doll-like appearance. My baby really resembled a little human doll.


Ang pagpapadede pa rin kay Bobbie ay talagang ikinagigil sa akin ni Tita Judy. Nasabon ako nito ng sermon nang malaman. Malaki na raw kasi ang anak ko for pag-breastfeed. Ang kaso, anong magagawa ko? Gusto pa ni Bobbie. At oo, inaamin ko na gusto ko pa rin.


I liked the feeling that my child still relied on me her for milk; it made me feel like she was still a baby, and I was all she needed to survive....





MY BANK BALANCE WAS TWO HUNDRED THOUSAND PESOS.


I frowned. I was not happy. Mas mapapalagay ako kung nasa kalahating milyon na ang ipon ko, kaya lang ay nagalaw pa dahil sa paglipat namin dito sa Cavite. Syempre, nabawasan sa lipat-bahay at ilang gamit na kailangang bilihin.


Maliban naman dito sa two hundred thousand pesos ay insured na kaming mag-ina. May tag-isa kaming private plan ni Bobbie, pero balak ko pang dagdagan. Tinutuloy ko rin ang pagbo-voluntary sa SSS at Philhealth, dahil iba pa rin iyong meron ka rin sa gobyerno.


Pero kulang pa rin para sa akin lahat. Hindi pa rin sapat. Ang gusto ko ay sobra-sobra at hindi sapat lang. Hindi lang sa insurance kundi pati sa liquid cash. Kailangang bukod sa emergency fund, college fund ni Bobbie, at retirement fund ko, ay may extra pa.


Tiningnan ko ang gastusin namin sa araw-araw, halos wala. Sinanay ko sa gulay si Bobbie kaya okay lang kahit puro pitas sa tanim kong malunggay, kalabasa, papaya, pechay ang lagi naming ulam. Tapos sa pangsahog ay ¼ na meat ay okay na. Sa prutas ako mas gumagastos.


Nilista ko ang lahat ng sasahurin this month. Medyo malaki mula nang nakalipat kami rito sa Cavite, dahil madalas hinihiram ni Tita Judy si Bobbie, that was why I could now work overtime, unlike when we were in Mandaluyong. I used to avoid working additional hours before, as the last thing that I would want my child to feel was I didn't have enough time for her.


Sumilip sa pinto ang cute na mukha ni Bobbie. "Mama, I'm sow readyyy!"


Tapos na itong magsuklay mag-isa sa harapan ng salamin. Pinababayaan ko ito para matuto, at isa pa ay nae-enjoy rin nito ang magsuklay sa sarili. Naka-yellow jumper ito at nakalugay ang malambot na buhok na may headband na yellow rin.


"Very good. Come here!" Itinabi ko na ang notebook na listahan ng gastusin.


Nanakbo si Bobbie sa akin sabay hila sa suot kong damit. "Mamaaa, milk!"


Pinigilan ko ang kamay nito. "Ops! Baka maabutan tayo ng Mommy Judy mo!" Masasabon na naman ako ng aking tiyahin pagnagkataon.


Lumabi si Bobbie. Lalo ito tuloy nagmukhang manika.


Hay, ang cute. Sino ba naman ang makakatanggi sa ganito ka-cute? Bumuga ako ng hangin. "Okay," sumusukong sabi ko. "But bilisan mo, ha?"


Agad na tumango ang bata. Umalog ang mamula-mulang mga pisngi. Napangiti ako at pinupog muna ito ng halik, pagkuwa'y inilabas ko na ulit ang aking isang dibdib.


Sakto na pagdating ng Tita Judy at tapos na ito. Isasama ulit ito sa kanila. Na-enroll na ito sa playschool at sabay nang papasok sa mga anak ng tiyahin ko. Elementary ang kambal pero iisang nandoon din sa school ng mga ito ang playschool.


"Hapon ko na ibabalik itong si pretty, ha?" paalam ni Tita Judy sa akin.


I was going to miss my little doll again, and I felt like protesting. Ngayon na lang talaga kami nagkakahiwalay ni Bobbie nang ganito katagal. Kaya lang ay hindi talaga papaawat ang tiyahin ko.


South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now