Chapter 15

304 2 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"SlGURADO ka bang wala na tayong magiging

problema sa kapatid mo, Clara?"

Tumango siya sa kanyang ama.

"Magaling. Ayoko na isang tulad pa ng kapatid

mo ang makasira sa mga plano natin. As usual, hija,

you have made me very proud of you."

And as usual, Papa, you just made me hate

myself more. Muli siyang tumango rito at saka

lumabas na. She felt so small. Hindi na niya gusto

ang ginagawa niya. Sa katunayan c.y ayaw niyang

pakasalan si Rodrigo, ngunit iyon ang hiling ng

kanyang ama at ang hiling ng kanyang ama at ang

mga kagustuhan nito ay hindi kailanman nababali.

Nagtungo siya sa kanyang silid at pinagmasdan sa

salamin ang kanyang mukha. Hindi na yata niya kilala

ang babaeng nakatingin sa kanya. Ang babaeng iyon

ay alipin ng ama nito mula pagkabata.

Kailan nga ba nagsimula ang lahat ng iyon? Ah,

sino ang nakakatanda? Basta nagkamalay siya sa

mundong ang tanging misyon ay ang sumunod sa

isang ama na kapag ginagawa niya ang gusto ay

pinupurisiya nang husto, binibigyan ng magagandang

gamit, ngunit kapag hindi naman nasunod ay

pinaparusahan siya sa pamamagitan ng pag-aalis ng

luhong nakasanayan niya.

Noong panahong itinaboy ng kanyang ama ang

kanyang kapatid paahs ng haeienda ay naisip niyang

tama lang iyon sapagkat hari doon ang kanyang ama.

Walang karapatan ang kapatid niya na dungisan ang

kanilang pangalan. She was made to believe that

what happened wasjust and right.

She was also made to believe that her mother was

a good-for-nothing deeor in their lives. Walang

impluwensiya sa kanya ang kanyang ina. Ang lahat ng

kanyang ginagawa ay habilin ng kanyang ama. She was

Daddy's girl... At least she thought she was, until she

realized she was in fact Daddy's robot. Gumagalaw

siya ayon sa dikta nito at wala siyang sariling isip, It

took a man, a very strong man, to point that out to

her—Alejo.

Nang makilala niya ito ay nagbago ang takbo ng

kanyang mundo. Sa loob lamang ng isang linggo,

nakita niyang ang pula ay pula at hindi itim, tulad ng

sinabi ng kanyang ama. At ang matagal nang bulong

sa kanya ng kanyang isipan—na wala siyang sariling

paninindigan, na mahina siya at hindi katulad "g

kanyang ate, na isa siyang alipin ng kanyang ama—

ay lalong sumambulat.

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now