Chapter 2

542 3 1
                                    

CHAPTER TWO

Walang tigil ang pagsusuka ni Teresa. Ilang
umaga na siyang ganoon kaya ilang umaga na rin
siyang hindi nakakasabay ng almusal sa pamilya.
Ayaw niyang magsuka siya sa kalagitnaan ng almusal
dahil tiyak na magdududa ang kanyang ama. Kapag
nagduda ito... Napaantanda siya. Hindi niya kaya.
Ang totoo ay hindi niya alam kung ano ang kanyang
gagawin ngayon. Parang ibig niyang maglaho na lang
sa mundo. Nagawa niya ang isang pinakamalaking
pagkakamali na pinagsisisihan niya ngayong buntis
na siya. Ngunit hindi siya marahil dapat na magsisi sapagkat ang nawawala lang sa kanya ay ang nakasanayan
niyang luho. Hindi siya kailanman naging maluho. Hindi siya kailanman naging tulad ni Clara na kahit bag
lang ay imported pa ang gusto. Marahil ay isa iyon sa
mga dahilan kung bakit hindi gaanong natutuwa sa
kanya ang kanyang ama. Kulang siya sa sopistikasyon.
Mas gusto niyang naroon lamang sa haeienda. Kahit
anong pilit nitong makipagkaibigan siya sa anak ng
mga kaibigan nito ay nananatiling mas gusto niyang
kaibiganin ang mga tauhan sa haeienda.
Mahal niya ang lupaing iyon sapagkat doon siya
lumaki. Kailangan niyang pagtuunan ng atensiyon ang
mga kamay na nagpala sa lupaing iyon. lyon ang
parating sinasabi sa kanya ng kanyang ina. Kailangan
daw na parating maging mabait sa mga tauhan ng
haeienda sapagkat ang mga ito ang dahilan kung
bakit mayroong hacienda.
Aiig sabi ng kanyang mama ay huwag daw siy ang tutulad sa kanyang ama na kulang ng kabaitan sa mga tauhan, na itinuturing ang mga tauhan bilang ordinaryong trabahanteng pasuwelduhan. Sila lamang daw ni Clara ang magmamana ng hacienda kaya kailangan daw na isa sa kanila ang matuto ng tamang pakikitungo sa mga tauhan. Siya raw ang nakikita nitong pag-asa ng hacienda. g kanyang ina—bagaman parati iyong nasa isip niya—
kundi dahil gusto lang talaga niyang maging bahagi
ng haeienda. Ibig niy ang matutuhan ang lahat ng pasikut-
sikot sa taniman, ang pag-aralan ang lahat ng iyon.
Hindi siya glamorosang tulad ng kanyang kapatid.
Bata pa lamang si Clara ay nandidiri na ito kapag
naglalakad sa putikan. Ilang ulit na ba siya nitong
iniyakan kapag dinadala niya ito sa basang pilapil?
Noon pumasok si Nanang Guada sa kanyang
silid. Kasama nito ang apo at kaibigan niyang si
Tita. Pinakatitigan siya ng matanda, saka sinenyasan
ang apo na kumuha ng palanggana. Pinunasan siya ng mga ito.
"Tita, kumuha ka ng sariwang gatas ng baka sa ibaba."
"Ayoko, Tita. Ayoko po, Nanang," tanggi niya. Hindi pa man ay parang babaligtad na ang sikmura
niya sa plano nitong ipainom sa kanya.
"Hindi puwede sa buntis ang walang laman ang sikmura."
Hindi siya nakaimik. Nagbaba naman ng tingin si Tita. Marahil ay ito ang nagsabi kay Nanang Guada ng mga napapansin nito sa kanya. Dang umaga na kasing kapag tinatawag siya nito ay nadadatnan siya nitong
nagduduwal sa banyo.
"Nanang..."'
"Huwag mo nang itanggi. Alam na alam ko na iyan. Hayan nga at napakabilis ng pintig sa leeg mo.
Diyos ko, anak, hindi ko alam kung ano ang naisipan mo at ginawa mo ang ganito. Mapapatay ka ng papa
mo—"
"Nanang!" pigil ni Tita sa sinasabi ni Nanang Guada. Hindi siya nakaimik. Iyon din ang nasa isip niya araw at gabi. Iyon nga lang, mayroon pa ring
namumuong pag-asa sa kanyang dibdib sapagkat ang sabi sa kanya ni Agapito ay makikipaghiwalay na ito kay Lita. Isasama raw nito ang mga anak nito at
mamumuhay sila nang tahimik sa Maynila. Mayroon daw itong makukuhang trabaho roon. Ang totoo ay hindi raw nito mahal si Lita. Napilitan lang daw itong
makisama sa babae dahil nabuntis nito ang babae. Si Agapito ang kanyang unang pag-ibig. Ito ang
gusto niyang makasama habang nabubuhay siya. Ito ang nagturo sa kanya kung paano ang magmahal. Nakita niya rito ang isang lalaking handang magmahal sa kanya
nang walang kahit anong kapalit. Nagkataon lang na mayroon itong kinakasama. Noong una pa lamang
ay alam na niya iyon. Sa katunayan ay iyon ang
dahilan kung bakit umiwas siya rito kahit pa nga
madalas na silang nagkakatitigan at minsan na siyang
nahagkan at nagsabi na ito ng pagtingin sa kanya. May isang taon din na umiwas siya nang umi was kay Agapito ngunit sa bandang huli ay wala rin siyang nagawa sapagkat sadyang makapangyarihan ang pag-ibig. Natagpuan na lamang niya ang sariling lalong minamahal ito sa bawat araw at sa bawat kuwento nito ng kabiguan sa babaeng kinakasama nito. At sa mga kuwentong iyon ay lalo siyang nalulungkot para dito, lalong nangangako sa sarili na balang-araw ay makakatagpo ito ng tunay na kahgayahan sa kanyang
piling. Silang dalawa ang magsasama, ang bubuo ng kanilang pamilya.
"Si Agapito ba ang ama?" tanong ni Nanang Guada.
Nang tumango siya ay napaantanda ito. Si Tita naman ay napasinghap. Hindi niya maunawaan kung
bakit nabibigla pa ang mga ito samantalang walang
ibang naging malapit sa kanya maliban kay Agapito.
"Wala naman pong iba, Nanang."
"Pero naisip kong baka iyong si Paulo. Iyong anak ng kaibigan ng papa mo na dumadalaw sa 'yo nitong
nakaraan lang. Hindi ba at may gusto raw iyon sa iyo?"
Napabuga siya ng hangin. Si Paulo ay anak ng kumpare ng kanyang ama na nagbabakasyon sa kanilang hacienda. Taga-Maynila ito pero sa Amerika nag-aaral. May gusto ito sa kanya ngunit
tinapat na niya itong walang posibilidad na maging magkasintahan sila.
Paano niya magagawang ibigay sa iba ang matamis niyang "oo" gayong ang tanging para sa kanya ay si Agapito lamang? Alam niyang mahirap
matanggap iyon ng iba. Hindi kasi alam ng mga ito ang totoong sitwasyon sa pagitan nila nina Agapito at Lita. Alam niya ang sitwasyon sa bahay ng mga
ito sapagkat araw-araw na sinasabi iyon sa kanya ni Agapito. Sa katunayan ay hindi na nga raw ito makapaghintay na makalayo na kay Lita. Kinse anyos lamang ito nang mabuntis si Lita na
noon ay disisiete anyos naman. Limang taon na ang nakararaan iyon. Mula noon ay nagsama na ang dalawa at hindi na naging masaya si Agapito sa piling ni Lita. Alam ng buong hacienda kung gaano kasama ang ugali ni Lita. Sakatunayan, maging siya ay alam kung anong klase itong magsalita. Para bang nasa palengke ito parati. Palibhasa ay talagang sa palengke ito namamasukan bilang tindera. Ito ang pinagkakatiwalaan ng tiyahin nito na may puwesto sa palengke. Sa hacienda ito nakatira sapagkat naroon ang bahay nina Agapito. Mula pa sa lolo ni Agapito
ay sa haeienda na namama-sukan kaya masasabing mga bata pa lamang sila ay magkakilala na sila.
"Sa dinami-rami naman ng mapupusuan mo na bata ka, bakit si Agapito pa?" ani Nanang Guada na
tila nartghihinayang para sa kanya.
"Mabait po siya, Nanang."
"Hah!" anitong tila hindi sumasang-ayon sa sinasabi niya. Hindi lang kilala ng mga ito si Agapito gaya ng pagkakakilala niya sa lalaki.
"Umayos ka at igagawa kita ng tsa na siyang iinumin mo mamayang gabi para sa umaga ay hindi ka nagsusuka. Makakahalata ang mga magulang mo.
Ang papa mo nga ay ilang araw nang nagtataka kung bakit hindi ka sumasabay. Kanina ay nagdeklara nang
hindi raw puwedeng bukas ay ganyan ka pa rin."
Kinabahan kaagad siya. Nahiling niya na sana ay epektibo ang tsa ni Nanang. Nang tumalikod ang matanda ay nilapitan siya ni Tita. Umupo ito sa dulo
ng kanyang kama. "Ano ngayon ang plano mo?" Mababakas ang pagkaawa sa kanya sa mga mata nita
"May plano kami ni Agapito."
"At ano ang magiging plano ng lalaking 'yon,
eh, under de saya 'yon ni Lita? Diyos ko, walang buto ang lalaking 'yon! Bata pa lang kami, duwag na 'yon. Hindi ko nga malaman kung paano ka
nagkagusto sa kanya."
"Tita..." Napaiyak na lamang siya sa labis na tensiyon at pressure. Bakit ba lahat na lamang ng tao ay hindi nakikita kung ano ang nakikita niy a sa kany ang
nobyo? Naniniwala siyakay Agapito. Kung walang ibang naniniwala rito ay hindi siya papares sa mga iyon.
"Pasensiya ka na. Natatakot lang ako para sa'yo pero ano't anuman, nandito ako para sa 'yo, ha?
Magkaibigan tayo hanggang sa huli."
Niyakap niya ito nang mahigpit.
"A-ANONG hindi mo alam ang gagawin mo? Hindi na kailangang patagalin ito. Gusto kong magpa-check up sa doktor pero hindi ko magagawa iyon hangga't
hindi ko nasasabi sa mga magulang ko ang kalagayan ko. Hindi puwedeng makarating sakanila ang balita mula sa bibig ng iba, Aga. Kilala mo si Papa. Alam mo kung ano ang posible niyang gawin sa akin kapag nalaman niya ito."
"Alam ko!" mataas ang tinig na sagot nito. Nauunawaan niya ito. Tensiyunado ito. Marahil ay hindi rin nito inaasahan na magkakalaman ang
kanyang sinapupunan. "Bakit hindi ka nag-pills? Bakit ka nabuntis?"
Nasaktan siya sa sinabi nito ngunit hindi na lamang siya sumabay sa init ng ulo nito. Pareho lang silang hindi malaman ang gagawin. Ngayon lamang
niya nasabi rito ang sitwasyon niya sapagkat noong isang linggo lamang niya nakumpirma ang kalagayan
niya. Noong isang linggo lamang kasi siya nakabili ng pang-test sa Maynila.
"Dalawang ulit na ligaya, ganito pa ang napala!"
"T-tatlo," pagtatama niya rito. Nagrerebelde na ang kalooban niya sa nakikita niyang reaksiyon nito.
Bakit parang inis na inis ito sa kanya? Ito ang nagpilit sa kanya sa tatlong pagkakataong iyon. Parati nitong
sinasabi sa kanya na hindi siya dapat matakot, na mahal siya nito at pananagutan siya nito. Ano ang mga iyon, mga salitang sinabi lang nito para magtiwala siya rito? Hindi naman siguro. Hindi siya dapat panghinaan
ng loob ngayon. Sa dalawang taong nagmamahalan, kung mahina ang isa, kailangan ay maging matatag
ang kapareha. Ganoon ang dapat na mangyari sa kanila. Hindi sila padadaig sa pangyayari sa buhay nila. Kaya nilang harapin ang lahat kahit sabihin
pang ang haharapin nila ngayon ay isang higante—ang kanyang ama. Kaya nila ito. Kaya nila ang lahat
ng bagay basta magkasama sila.
"Ano ang p-plano?" tanong niyarito.
"Luluwas tayo sa Maynila. Kailangang mawala ang batang 'yan. Papatayin ako ng papa mo. Alam mo "yan! Isa pa, disinuwebe anyos ka pa lang. Mag-
aaral ka pa sa Maynila sa pasukan, hindi ba?" Napanganga siya rito. Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi nito? "A-ano ang sabi mo?"
"Narinig mo ang sinabi ko," anitong malamig ang tinig. .
"Gusto mong m-magpa-abort ako?"
Tumango ito, saka tumalikod sa kanya. Nanginig ang kanyang kalamnan at napahagulhol siya. Hindi totoo ang narinig niya. Hindi nangyayari sa kanila
ang ganito. Hindi sinabi ng kanyang pinakamamahal na ayaw nito sa kanilang anak at kailangang patayin
nila ang bata. "No."
"Anong 'no'?"
"I'm not going to have an abortion," matigas na sabi niya.
Naging mahinahon ito. Tumabi ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Alam kong mahirap
tanggapin ngayon pero isipin mo, may dalawang anak ako at nagtatrabaho ako sa hacienda. Kilala mo ang papa mo. Alam mo kung ano ang puwede
niyang magawa hindi lang sa akin kundi pati na rin sa'yo."
"Pero gusto mong patayin ko ang sarili kong anak. Ang sarili mong anak."
"Hindi pa tao 'yan. Dugo pa lang 'yan. Kung maka-pagsalita ka, parang kriminal ako. Wala pang mata, ilong, bibig, braso 'yan. Dugo pa lang 'yan.
Ang dugo, hindi pa tao. Isipin mo na lang na magkakaroon ka ng anghel sa langit."
"Na malamang na hindi ko makita dahil sa impiyemo ako pupulutin kapag ginawko ang gusto mo."
Matagal na namayani ang katahimikan,-a pagitan
nila. "Ano ang plano mo?" kapagkuwan tanong nito sa kanya. Plano niya, hindi plano nilang dalawa,
samantalang kamakailan lang ay sinasabi nito sa
kanyang magsasama sila sa hirap at ginhawa. Hindi na niya minasama iyon. Kapwa sila natetensiyon kaya
marahil nagkasalubong sila sa ganoong paraan. Mukhang natauhan na ito at salamat naman. She wouldn't  be able to stand him if he insisted on the
abortion.
"Gusto kong magpaalam kay Papa na aalis na tayo rito. Noon mo pa sinasabi sa akin na handa kang iwan si Lita para sa akin. Ayokong ma-pressure ka pero
panahon na siguro para pag-isipan mo. Nandito si Monding, hindi ba? Baka puwede niya tayong tulungang makapagsimula sa Maynila. May kaunting ipon ako. Kahit paano ay hindi naman siguro tayo magugutom."
"Saan ako mamamasukan? Wala akong ibang alam gawin maliban sa ginagawa ko sa hacienda.
Hindi ibibigay sa akin ni Lita ang mga anak ko. Naisip mo ba 'yon?"
Natigilan siya. "Noong mgapanahong sinasabi mo sa akin ang mga plano mong iwan si Lita at isama
ang mga anak mo sa paglayo natin, ano ang totoong nasa isip mo? Parang lumalabas ngayon na hindi totoo
ang lahat ng sinabi mo noon sa akin," mayamaya ay sabi niya.
Nagmura ito, saka tumayo. "Kung magsalita ka, parang ganoon lang kadali ang mga gusto mong gawin ko. Intindihin mo namang may pamilya rin
ako. Kahit kailan, hindi ko 'yon itinago sa 'yo."
"At totoo pala ang lahat ng mga tsismis na naririnig ko."
Anong pagsakmal ng kaba sa dibdib niya nang marinig ang tinig na iyon ni Lita. Naroon ito sa bukana ng kubo. Nakapamay wang ito at gaht na galit.
"Lita!" nabiglang sambit ni Agapito.
"At ito pala ang ipinagmamalaki mong tisay. Anak nga naman ng milyonaryo, bakit hindi mo ipagmamalaki? Ibang klase  rin talaga ang kamandag
mo, Agapito, At ikaw namang babaeng pakawala ka, bumalik ka na roon sa tore mo. Wala kang lulugaran dito at lalong hindi ko ipinamimigay ang
asawako! Kiri ka!" Pagkasabi niyon ay walang sabi-sabing sinugod na siya nito. Isang kamay nito ang dumakma sa kanyang buhok. Napatumba siya nang mawalan siya ng balanse.
Kinaladkad siya nito palabas ng kubo. Wala na siyang nagawa kundi ang isunod ang kanyang mga paa sa pag-atras habang nakatihaya siya at tanging mga kamay
lamang nito na nakadakma sa buhok niya ang suporta.
Kumakaskas ang kanyang likod sa lupang sahig ng
kubo.
Hindi siya tinulungan ni Agapito bagaman ilang
ulit nitong tinangkang sawayin ang kinakasama nito.
Nang nasa labas na ay marami nang taong nakakakita
sa kanila. Parang iyon naman talaga ang gusto ni
Lita. Pinakawalan siya nito. Dahil nanghihina siya
ay hindi kaagad siya nakatayo. Inalalayan naman siya
ni Agapito. Napahagulhol siya rito. Hinila naman
kaagad ito ni Lita palayo sa kanya.
"Nakatikim ka na, gusto mo pang pulutanin araw-araw? Hindi puwede, Senorita. Hanggang tikim ka
lang."
"Lita, tumahimik ka na!" singhal ni Meling, isa sa mga kaibigan niya na tauhan din ng haeienda.
Nilapitan siya nito. "Senorita, umuwi na po tayo."
Alam niyang sinadya nitong tawagin siya sa ganoon upang marahil ipamukha sa sinumang nakakalimot
kung sino siya sa lugar na iyon. Matagal na niyang sinabi ritong huwag na siyang tawagin sa ganoong paggalang sapagkat naiilang siya. "Senorita? Tingnan ko lang kung maging senorita
pa 'yan kapag nalaman ng papa niya kung ano ang kahihiyang ginawa niya rito. Akala ko ba, santa 'yan?
Hindi ba at Santa Teresa 'yan? Magmamadre nga raw, 'di ba? Alay ni Gob sa Diyos. Palibhasa, wala
namang ibang silbi 'yan sa pamilya."
"Sumosobra ka na, Lita! Sino ka ba rito? Wala ka rin naman, ah!" sigaw rito ng isang matandang magsasaka na si Manong Gene.
"Hoy, Tanda,' wag kang makialam dito! Lalong wala kang binatbat dito. At hindi ako sumosobra dahil ako ang inagrabyado ng santa-santita ninyong
lahat! Hindi rin ako natatakot sa mga amo ninyo dahil wala akong amo rito. Hindi ako anak-lupa! Nandito
lang ako dahil dito sa asawa ko!"
"Puwes, panahon na siguro para umalis ka. Wala ka namang silbi rito, eh," ani Meling. Nagngingitngit
ito sa galit.
Noon sila napalingon sa pinagmumulan ng tunog ng kabayo. Animo isang eksena sa pelikula ay dumating ang grupo ng mga kabayo, pinangungunahan
ng isang puting kabayo na ang sakay ay ang kanyang ama. Nakaputi rin ito at nakasuot ng sombrerong puti.

Makapangyarihang bumaba ito mula sa kabayo. Tila
ang lahat ng tao ay nangamba, kabilang na si Lita na
biglang tumahimik.
"Ano ang nangyayari dito?" tanong ng kanyang
ama na nakatingin sa kanya.
Nang mga sandahng iyon ay nanginginig na siya
sa takot. Ni hindi na siya makaiyak. Pakiramdam
niya ay papanawan na siya ng malay. Nanlalamig na
rin ang kanyang katawan. Wala ni isang naglakas-
loob na magsalita maliban kay Lita pagkaraan ng
ilang sandali.
"May malaking kasalanan po sa akin ang anak ninyo, Gob. Kung mamarapatin ninyo, sa tahimik na
lugar ko na lang sasabihin sa inyo."
"Hindi. Sabihin mo ngayon kung ano ang kasalanan niya sa 'yo," wika ng kanyang ama na
nakatitig sa kanya.
"Buntis po siya, Gob, at ang ama ay ang asawa ko."
Isang nakabibinging katahimikan ang pumailanlang.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nagsalita ang kanyang
ama. "Makakaalis ka na sa hacienda," anito sa kana.

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now