Chapter 13

305 4 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Maghapon mang nag-aani ng mais si Rodrigo
ay wala siyang kapagud-pagod nang makauwi siya.
Kahit gusto niyang manatili pa sa Casa Amparo ay
hindi niya magawa sapagkat mayroon siyang meeting
kasama ang ama nina Clara at Teresa. Sa wakas ay
nakabalik na ang matanda at wala siyang balak
ikansela ang meeting nila.
Labis na talaga siyang naiinip sa desisyon nito
kaya kailangang tapatin niya itong kailangan na
niyang makita ang mga papeles. Masyado na itong
maraming nasayang na oras. Sana ay hindi nito sabihin sa kanya ngayon na ayaw na nitong ibenta sa kany a ang mga lupain.
Nang makapaghanda ay tumuloy na siya sa bahay nito. The old man was there. Niyaya siya nito sa isang hapunan kasama si Clara. Natuwa at nasabik siyang
malaman na buo na raw ang desisyon nito. Pagkakain
ng hapunan na raw nito sasabihin sa kanya ang lahat.
Hindi pa man ay hindi na maganda ang natutunugan
niya sa nangyayari. He did not like what he was
feeling about the whole thing. Gayunman ay nagtiis
siya. Nang matapos ang hapunan ay nagpasilbi ito
ng kape sa sala.
"I will not beat around the bush, hijo. I am wilhng
to sell you every pieee of land that I own."
"Fantastic! You have made the right deeision, Sir."
"There is a eateh."
"Whatis it?"
"You have to marry my Clara."
Nabura ang kanyang ngiti. Parang tinusok ng
aspile ang kanyang kasiyahan. Was this a joke? If it
was, it had to end now. It wasn't funny at all. But
the man was dead serious. Sinulyapan niya si Clara.
Nakatingin lamang ito sa isang painting, tila tagusan
ang sulyap doon.
What the hell was she thinking? Mukhang nakausap
na ito ng ama nito. Okay lang ba ritong magpakasal
sila? Hindi man lamang ba ito tututol? What about her
flirting with his triend? He aetually saw her yesterday.
Kahapon umalis ang kaibigan niya at nakita niya ang dalawa sa loob ng sasakyan, kulang na lamang ay
maghalikan. Kilala niya ang hugis at porma ng isang
babaeng nagpi-flirt. Puwedeng sabihin na "naaamoy"
niya kaagad iyon. At ngayon, pumayag itong
magpakasal sila?
"I don't understand."
"It's quite easy to understand, hijo. Kung sakali
mang maikasal kayo ng anak ko, hindi pa rin
mawawala sa amin ang mga lupain."
"If we're both going to own it anyway then why
should I pay you?"
"Well, you ean pay me only ten pereent. I just
need ten pereent to fund a new project."
"I'm sure you've heard of prenuptial agreements?"
"In the event of a prenuptial agreement, I would
demand that you pay me the whole amount for the
land."
Damn the man! Sa isang banda ay nahihiya siyang
magsahta ng higit pa roon sapagkat sa ayaw man niya
at sa gusto ay nobya niya si Clara. Lalabas na parang
binabastos niya ang dalaga kung tahasan niyang
sasabihin sa ama nito na hindi niya ito pakakasalan.
Isang insulto iyon dito at iyon ang huling gusto niyang mangyari, ang isipin nitong iniinsulto niya ito at
ang anak nito.
Hindi niya malaman kung ano ang tamang sabihin
sa pagkakataong iyon. Hindi rin niya alam kung
anong paliwanag ang sasabihin niya kay Don
Timoteo. Oh, God, he eouldn'tpossibly tell the old
man that he eouldn't do it. What if he married Clara
and had their marriage annulled in a year? Sure thing.
Iyon din ang naging plano niya noon, noong mga
panahong inuutusan pa ni Don Timoteo ang mga alaga
nito na magpakasal kay ganito-ganyang babae.
"Bakit hindi mo muna pag-isipan, hijo—"
"No need. I'Il marry her."
"Great. I will see you tomorrow evening. Taun-
taon ay mayroong malaking party sa bayan. I have
deeided to sponsor the event this eyar. I will expect
you to be there. I shall give you the eontraet for you
to review afterwards."
Tumango na lamang siya, lihim na nagagalit
ngunit hindi iyon maipakita rito. Sa tinagal-tagal ng
prusisyon ay doon din pala nito gustong ituloy. Sana
ay sinabi na nito noon pa.
Nagpaalam siyaritong mag-uusap lang sila saglit ni Clara.
"What ean you say about this?" tanong niya kay
Clara.
"Nothing. We are headed that way anyway, aren't
we?"
"Oh, we are?" aniya, sarkastiko. Hindi niya ito
maunawaan. Bumaba nang ilang puntos ang respeto
niya rito sapagkat hindi niya makuhang irespeto ang
isang babaeng walang sariling desisyon. She was
old enough to say "no" to what her father wanted
her to do. Meanwhile, he was trapped. It was a
multibillion project and his ultimate dream. Hindi
lamang iyon, kasama niya si Don Timoteo, ang
itinuring niyang ama at mentor.
Ah, one year. He would give this father-daughter
team only one year to be a part of his life. The
prenuptial agreement shall be foolproof. Ni isang
kusing ay walang mahahabol sa kanya ang matandang
lalaki. Marahil ay iyon ang naiisip nito sapagkat
napakaraming butas ang isang prenuptial agreement.
Lumakad na siya at nagtungo sa Maynila.
Kinabukasan, umaga pa lamang ay nasa sala na siya ni DonTimoteo.

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now