Chapter 11

305 5 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

LlHIM na napabuntong-hininga si Teresa sa
reaksiyon ni Rodrigo. He was aeting like a jealous
boyfriend. Kasama niya sa maghapon ang kaibigan
nitong si Alejo. May isang bagay siyang tinanggap:
may damdamin siya para kay Rodrigo. Tinanggap
na niya iyon sa sarili sapagkat wala siyang ibang
pagpipiliang gawin. Iyon lamang ang tanging
paliwanag kung bakit kahit si Alejo ang kasama
niya ay si Rodrigo ang laman ng isip niya.
May ilang pagkakataon pang natawag niya si Alejo
bilang Rodrigo. Natatawa na lang sa kanya si Alejo,
habang siya ay hindi malaman kung paano ang gagawing
pagpapaliwanag dito. She blushed everytime. Sino ba
naman ang hindi mahihiya sa kanyang nagawa? Baka sabihin ni Alejo ay halos hindi na siya makakilos
nang wala sa kanyang isip ang kaibigan nito.
Wala siyang ehoiee kundi aminin sa kanyang
sarili na nagkakagusto siya kay Rodrigo. Iyon nga i
lang, alam niyang magagalit na naman sa kanya ang
kanyang pamilya. She did not want more anger from
her father and sister.
Ang biglang nakapagpabago sa itinatakbo ng isip
Tiiya ay ang sinabi sa kanya ni Alejo, "So, you like
myfriend, huh?"
"No!" tanggi kaagad niya. Nakita niya sa
salamin na pinamulahan siya ng mukha
hanggang leeg. "M-medyo hawig lang kayo kaya
n-nababanggit ko ang pangalan niya. "
"That's bullshit! I don 't look anything like him
at all. "
" Youdo. "
Isa siyang malaking sinungaling. Naunawaan
niyang lalo lamang siyang nagiging obvious
sapagkat talagang malayo sa isa't isa ang hitsura
ng daiawang lalaki. Maamo ang mukha ni Alejo,
habang si Rodrigo ay mukhang lalaking-lalaki,
brusko, mukhang kayang uminom ng isang litrong
gatas o lambanog sa isang inuman lang.

"I've been Drig 's friend for ages, honey, and
trust me, I know it when a woman takes afancy at
him beeause that seldom ever happens when I am
\around, modesty aside. "
Natawa siya at natawa rin ito. He was obvi-
iously joking about the last part. Ang hindi na niya
itinanggi ay ang unang obserbasyon nito. Iniwasan

a lamang niyang sumagot pa upang hindi na
humaba pa ang usapan.
"It 's okay to like him. He 's not inVolved in any-
\thing serious. "
r Noon siya natigilan at napatingin dito.
Pinaglololoko ba siya nito? Ah, marahil hindi lang
nito alam na kapatid niya ang nobya ng kaibigan
nito. Para tuloy nakaramdam siya ng inis dito.
Ganoon ba talaga ang mga lalaki? Kapag mukhang
hindi makukuha ng mga ito ay hindi maaaring
"itapon " kaya ipapasa sa kaibigan kahit pa
mayroon ding sabit ang kaibigan na iyon. Men!
Assholes!
"You don 't look like you believe me. "
"Idon 't. I'm sorry. " Inis na siya. lbig na niyang
umalis. Bakit ba siya sumama rito in the first plaee?
Ah, she was interested to know more things about Rodrigo 's friend. Okay, aaminin na niya ngayon-
Nang malaman niyang kaibigan ito ni Rodrigo ay'
napukaw ang interes niya rito. Inaamin niyang para :|
siyang nasa high sehool sa iniakto niyang iyon. -
Ang sa kanya lang ay wala naman sigurong
masama kung sasama siyang mamasyal dito. Iyon
lang naman ang sinabi nito. Mayroon bang batas
na nagsasabing kailangan ay may matinding
'atraksiyon kaagad siya sa lahat ng lalaking
sasamahan niya para sa simpleng pamamasyal? Ang
lahat ng tao ay mayroong karapatang mamasyal.
"What I said is true. He's not involved in
anything serious right now. Oh, he 's involved with
someone, but nothing serious. Gaya ng sinabi ko,
matagal ko nang kaibigan si Rodrigo at kilala ko
na 'yan. "
Matutuwa ba siya o maiinis? Hindi niya alam,
hindi niya madesisyunan.
Nagkuwento pa ito sa kanya tungkol sa ibang
mga nakarelasyon ni Rodrigo. Wala raw ni isa sa
mga iyon ang sineryoso ng kaibigan nito. Ang sabi
pa nito, "I would really like to see the day when
he finally gets serious with someone. Man, that
would be something. "

Sa kalaunan ay nag-enjoy na siya sa
kuwento nito tungkol sa kaibigan nito. Parang
i natutuwa rin naman itong magkuwento kay
Rodrigo. Nagulat siya nang malaman ang naging
I trabaho ng mga ito noon ngunit naunawaan niya
i iyon at hindi siya nakadama ng kahit anong
i pagkailang.
Rodrigo used to do shows a la Chippendale in
i Europe. Naunawaan niya kung bakit ganoon na
< lamang kasensuwal ang dating nito. He was
trained to seduee women. He was probably sedue-
i ing her all the time. Ngayon ay mayroon na siyang
i excuse sa behavior niya... ah, shit.
Hindi niya malaman kung maniniwala siya kay
Alejo sa mga sinabi nito tungkol sa hindi pagiging
seryoso ni Rodrigo sa kanyang kapatid, gayunman
ay talagang tumatak iyon sa isipan niya. Naisip
niyang sa isang banda ay iyon lamang ang tanging
paliwanag sa mga ikinikilos sa kanya ni Rodrigo.
Kung seryoso kasi ito sa kanyang kapatid ay hindi
nito magagawa ang paglalandi sa kanya.
Ang tanong lang siguro ngayon ay kung seryoso
ang kapatid niya kay Rodrigo. Hindi niya alam at
wala siyang paraan para malaman.

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now