Chapter 1

1K 6 0
                                    

CHAPTER ONE


"DAMN!" Galitna napamura si Sebastian pagkatapos niyang pindutin ang end button ng kanyang cellphone. "Bakit, hijo?" tanong sa kanya ng mama niya na may hawak na isang tasang kape habang palapit sa kanya. Galing ito sa terrace ng town villa niya. Isinama niya ito sa Puerto Villa Royale upang maipakita rito ang property na nabili niya sa island paradise na iyon. "Nakausap ko ang secretary ni Tita Delia. Ipinagbili raw ni Tita Delia sa manugang niya ang share niya sa Eastlinks. Ipagbibili rin pala niya, bakit hindi pa sa akin?" inis na sabi niya. "I have to talk to her. Gusto kong mapunta sa akin ang kontrol ng kompanya." "Umasa ka pa, Sebastian. Ang Tita Delia mo pa. Alam mo namang iba talaga ang pagtingin niya sa papa mo kaya siguro kaysa mapunta sa iyo ang share niya sa Eastlinks, sa manugang na lang niya." "Pero maganda naman ang relasyon namin ni Tita Delia, Mama. At alam niyang interesado ako sa Eastlinks." "Bakit hindi niya sa iyo ipinagbili ang share niya kung ganoon? Mabuti pa, kalimutan mo na ang tungkol doon. "Tutal, you have your own business and it's doing great. Why don't you devote all your efforts and resources to it and forget about Eastlinks?" "But you know it's my ultimate goal, "Ma. Bukod sa nanghihinayang ako sa potential ng kompanya, kailangan ko iyon para mapalaki ang SRV Net. Gusto kong madominate ang mundo ng computers. At mas madali kong magagawa nigga kung sa akin ipinagbili ni Tita Delia ang share niya." "Well, subukan mo rin siyang katan ButI doubt kung mapapagbago mo pa ang isip niya. Pinaboran pa niya ang manugang niya." Napailing siya sa labis na panghihinayang. Nakatatandang kapatid ng papa niya si Tita Delia. Ngunit nagkaroon ng cold war sa pagitan nito at ng kaman ama dahil magkaiba ang ina ng mga ito. Ang Lola Amparo niya na ina ng kanyang papaay dating secretary daw noon ng lolo niya. Nahulog ang loob ng mga ito sa isa't isa at-ang naging bunga ng relasyong iyon ay ang papa niya. Si Tita Delia naman ay panganay na anak ng lolo niya sa unang asawa nito. Nang mabiyudo ang lolo niya ay pinakasalan nito ang Lola Amparo niya. Hindi raw iyon madaling natanggap ng Tita Delianiya. Isinisi raw nito sa Lola Amparo niya ang pagkasirang masayang pamilya nito.Iyon ang naging dahilan kaya malamig ang pakikitungo ng Tita Delia niya sa kanyang papa. Nagbagona nga lamang iyon noong magkaisip na siya dahil sinikap niyang ayusin ang gap sa pagitan ng una at ikalawang pamilya ng lolo niya.Nang mamatay ang lolo niya sa isang plane crash sa Davao ay ang Tita Delia na niya ang namahala sa mga naiwang kabuhayan ng mga Valermo. Hindi naman naagrabyado ang papa niya sa hatian ng mana. Napunta rito ang isandaang ektaryang lupain ng mga Valermo sa Davao. Iyon ang nilinang ng papa niya. Naging exporter sila ng mangga at saging. Minana naman nila iyon ng mama niya nang mamatay ang kanyang papa. Ngunit wala roon ang talagang hilig niya. Nasa computers ang interes niya. Alam niyang doon siya mas effective at mas magiging matagumpay. - Anim na taon bago mamatay ang lolo niya ay nagtayo ito ng isang kompanyang malayo sa food production, ang Eastlinks Unlimited---isang kompanyang gumagawa ng computer software. Mabilis ang naging pag-unlad niyon. Nang mamatay ang lolo niya ay minana ng papa niya ang twenty-five percent shares of stocks ng Eastlinks. Nakuha ng Tita Delia niya ang majority ng share ng kompanya nang ipagbili rito ng nakababatang kapatid nito ang share nito na piniling magtayo ng sariling kompanya sa Amerika. Nanghinayang siya dahil gusto sana niyang makuha ang majority ng share ng Eastlinks ngunit naunahan siya ng Tita Delia niya. Marami sana siyang plano sa kompanya ngunit wala sa kanya ang kontrol dahil twentyfive percent lamang ng shares of stocks ang minana niya nang mamatay ang kanyang papa. Pinupuntirya niyang makuha ang aira ng Eastlinks bagama"t may sarili na siyang kompanya, ang SRV Net nga, na nagma-manufacture ng computer chips at matagumpay na rin naman. Ngunit kung makukuha niya ang major stocks ng Eastlinks at siya ang magiging chairman ay magagawa niya ang kanyang mga plano. Kikilalanin siya bilang isa sa pinakabatang milyonaryo sa Pilipinas. Kaya ganoon na lamang ang panghihinayang at paghihinanakit niya nang malamang ipinagbili ng Tita Delia niya sa manugang nito ang share nito. "Ano'ng karapatan ng isang taong ang expertise ay sa automotive para magpatakbo ng isang software company?" inis na naibulalas ni Sebastian sa kanyang mama habang inuubos niya ang kape. Mula nang mamatay ang papa niya at siya ang maupo sa board ay ipinaramdam na niya sa Tita Delia niya ang kagustuhan niyang magkaroon ng mas malaking shares of stocks sa kompanya. Maganda naman ang relasyon nilang magtiya kompara sa naging relasyon nito at ng papa niya. Kapag may okasyon sa pamilya nito ay dumadalo siya. Tuwing Mother's day at Christmas day ay hindi niya nakakalimutang bigyan ito ng bulaklak o regalo. Ibinaba niya ang tasa ng kape sa ibabaw ng coffee table sa gawing likuran niya. "By the way, 'Ma, bakit hindi na lang muna kayo mag-stay rito nang matagal?" "Alam mo namang hindi puwede, hijo. Malapit na ang due ng kapatid mo at ayon sa ultrasound, kambal ang isisilang niya. Hindi puwedeng malayo ako sa kanya." Si Ellaine ay nakababatang kapatid niya. Ang bunso nilang si Marion ay nasa States at doon kumukuha ng masteral degree nito. "Nalulungkot at nag-iisa ka rito, ano?" may halong panunuksong sabi ng mama niya sa kanya. "Akala mo ba, hindi ko alam na kung sinu-sinong babae ang dinadala morito." "Ilove the company of women, Mama. I'm a lover ofbeauty," nangingiting sabi niya. "That's why when you see a beautiful woman, hindi mo pinalalampas at hindi ka pumapayag na hindi mo makilala. When will you take women seriously?" "Ma, 'yong mga escapades ko sa babae, sa akin na lang iyon. Sayang naman ang romantic ambience nitong Puerto Villa Royale kung wala akong kasamang babae.""Hindi ko lang maiwasang mag-alala. Sabi nila, ang mga lalaking ginagawang laro ang pakikipagrelasyon ay kadalasang hindi nakakakita ng true happiness sa kanilang lovelife.""Nah, it won't happen to me. Bakit naman ako hindi magiging masaya? Nandiyan lang ang mga babae. Available sila anumang oras na gustuhin ko. I'm just enjoying. Sa ngayon, priority ko ang pagpapalago ng mga kompanyang konektado ako. At kailangang kumilos ako para mapasaakin ang chairmanship ng Eastlinks." "Pero sa edad at status mo ngayon, hijo, mas maganda ang may girlfriend na nag-aasikaso sa iyo, nakakasama mong mag-relax at mag-unwind dito sa Puerto Villa Royale, at magpapaalala sa iyo kung kailan .ka dapat magpahinga." "Opportunities knock only once, Mama. Kaya hindi dapat sinasayang iyon kapag nasa harap mo na. SRV Net is doing good, kaya dapat lang na ibuhos ko ang panahon at galing ko rito. Hindi puwedeng tutulug-tulog ako." "Pero may napatunayan ka na. I just want to remind you na hindi lahat ng maganda ay makukuha mo nang sabay-sabay. Puwedeng maging matagumpay na businessman ka pero magiging malungkot naman ang personal or love life mo. Time will come, kapag naramdaman mong nagkakaroon ng conflict, you have to choose. At mas gusto kong piliin mo ang maging masaya ang personal life mo kaysa iyong milyonaryo ka nga, malungkot ka naman.""I will bear that in mind, 'Ma." "Thirty ka na, Sebastian. At hindi ako natutuwang hanggang ngayon ay nakikipaglaro ka lang sa mga babae. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng anak na notorious playboy. Sabi ng mga pinsan mo, sabay-sabay ka raw kung makipag-girlfriend. Kung minsan daw, kapag naisama mo na rito sa Puerto Villa Royale ang babae, hihiwalayan mo na pagkatapos. Good fora week ortwo lang daw ang mga girlfriends mo. Baka naman dumating ang panahong bumalik sa iyo ang mga ginagawa mong pakikipaglaro ngayon." Natawa siya. "Don't worry, one day I will choose a woman I will settle with. Sa ngayon, ayoko lang talaga ng commitment at ayoko nang may nagde-demand ng time ko. Kung natatakot kayong hindi magkaapo mula sa akin, rest assured, hindi mangyayari iyon." panata niya ito. "Siguruhin mo 'yan, ha. At pakiusap kang kilang bago ka mag-thirty-five, may asawa ka na." "Mahirap mangako, Mama. Paano kung kahit thirtyfive na ako, hindi pa ako sawa sa pagiging bachelor? Tama na nga 'yan. Why don't we go out and enjoy the things that Puerto Villa Royale offer? How about a snack while watching the sunset? May mga floating fishing bancas na may deck kung saan natinmapapanood ang sunset habang ine-enjoy ang masasarap na pagkain." "Mukhang gusto ko ang idea na "yan, ah. Sige nga, i-tour mo ako rito sa buong isla, hijo." "My pleasure, 'Ma, kaya nga kita inimbita rito, eh." "Magandang desisyon itong pagbili mo ng sariling town villa sa islang ito, hijo. Sayang at noong panahon namin ng papa mo ay wala pang nade-develop na mga islang katulad nito. Alam mo bang ganitong lugar ang pangarap namin?" "Puwede ka namang mag-stay rito anumang oras, "Ma," sabi niya habang palabas sila ng town villa niya. "Kailangan lang na tawagan mo muna ako para wala kang makasabay na girlfriend ko." Napailing at natawa na lamang ang mama niya. "BAKIT ipinagbili ko ang share ko sa Eastlinks? Dahil hindi ko na kailangan iyon, hijo. Mayaman na ako. At mas gusto ko na lang mag-concentrate sa exporting ng mga produkto ng hacienda ko," sabi ng Tita Delia ni Sebastian nang magkausap sila. Sinadya niya ito sa mansiyon nito pagkagaling niya ng Puerto Villa Royale. "Pero malaki ang interes ko sa Eastlinks, Tita Delia. Marami akong plano sa kompanya. Bakit hindi n'yo pa sa akin ipinagbili ang share na balak n'yo palang ipagbili?" "Dahil gusto ko ring matutuhan ni Anton ang pamamalakad sa kompanya. Besides, your own companyis doing good, hindi ba?" "Pero kung sinabi n'yo lang sa akin na may plano kayong ipagbili ang share n'yo, susunggaban ko kaagad iyon. Mas may magandang plano ako sa Eastlinks. Iyon ang expertise ko. Nanghihinayang ako sa potential ng kompanya. Mas mapapalaki ko pa iyon katulad ng mga plano ni Lolo bago siya namatay. Kung sa iba mapupunta ang chairmanship, baka mapag-iwanan ng mga kakompetensiya ang kompanya. Sayang naman. Hindi naman linya ng manugang mo ang softwares." Uminom muna ito ng juice bago sumagot. "Well, puwede pa rin namang mapunta sa iyo ang major share ng Eastlinks kung gugustuhin ko. Puwede kitang paboran. Tutal, nakikita ko sa mga mata mo ang enthusiasm. Puwede kong sabihin kay Anton na ipagbili sa iyo ang share na binili niya sa akin at mag-expand na lamang siya sa automotive business niya." Napangiti siya sa narinig. Nabuhayan siya ng pagasa. "Will you do it for me, Tita?" "Why not, hijo?" "Thanks, Tita." Halos mayakap niya ito sa kasiyahan. "Wait, wala ka pang dapat ipagpasalamat sa akin, Sebastian," sabi nito. "Kilala mo na naman siguro ako, hindi ako gumagawa ng pabor nang walang kapalit." Natigilan siya. "What do you mean, Tita Delia?" "Bago mapunta sa iyo ang gusto mo, may hihilingin sana ako sa iyo. Sa mas malinaw na salita, may gusto akong ipagawa sa iyo." Kumunot ang noo niya. "May isang babaeng gusto Kang paiiiaga mo, Sebastian." "Babaeng gustong paibigin?" maang na ulit niya. "Yes. She"s Jelena Rodri airg Gusto kong paibigin mo siya at pagkatapos ay iwan." Nabigla siya sa narinig. "Paibigin, pagkatapos ay iwan? But why would I do that to her?" "Let's just say I want revenge, Sebastian." "Bakit? Ano'ng kasalanan sa inyo ng Jelena .Rodriguez na ito?" "Malaki ang kasalanan sa akin ng parents niya. I hate them." Muling uminom ito ng juice. "Childhood sweetheart ko ang ama ni Jelena, si Ernest. Fourth year high school pa lang kami nang maging boyfriend ko siya. All my life, si Ernest lang ang lalaking minahal ko. Kahit ang lalaking pinakasalan ko, si Roy, ay hindi ko minahal. . Hindi ko siya natutuhang mahalin dahil hindi ko makalimutan si Ernest. Nangako kami sa isa't isa na magpapakasal pagka-graduate namin sa college. Ngunit nagulat na lang ako nang biglang magtanan si Emest at ang mama ni Jelena. Para akong namatay noon, Sebastian." Tumigil ito sa pagsasalita at humugot ng malalim na hininga. Gumuhit ang poot sa mukha nito. "Dinala ko ang galit na iyon sa paglipas ng panahon. Isinumpa ko sila. Dahil sa labis na sama ng loob ko, nasira na nang tuluyan ang buhay ko. Dahil sa kagustuhan kong makalimutan si Ernest, sumama ako kay Roy nang yayain niya akong mag-out of town. Pero sinamantala niya iyon. Kaya nagalit ang Papa... ang lolo mo. Hindi siya pumayag na hindi kami makasal ni Roy. From then on, I lived in hell. Sa buong pagsasama namin ni Roy ay malamig ako sa kanya. Alam niyang hindi siya ang mahal ko. Iyon ang dahilan kung bakit palagi niya akong sinasaktan. Kaya pagkatapos ng anim na taong pagsasama, naghiwalay rin kami." Nakikisimpatya ang tinging ibinigay ni Sebastian kay Tita Delia. Wala siyang ideya sa pinagdaanang iyon nito. Kaya pala may lungkot sa mga mata nito, kaya pala paminsan-minsan ay parang bato ang puso nito ay dahil sa mga pait na naranasan nito na hindi nagawang paglahuin ng panahon. Sabi nga ng mga empleyado nito, iilan lamang ang mga taong nakakapagpangiti rito at isa na siya sa iilang taong iyon. "Pero, Tita Delia, it's been years. Siguro naman ay natulungan na kayo ng panahon para makalimutan iyon." "Tyan ang hindi ko nagawa, Sebastian. Mula noon, mas naging madali sa akin ang magalit kaysa ang magtiwala. It's been thirty years, pero parang kailan lang nangyari iyon. The pain is still here. Hindi nababawasan." Itinuro nito ang dibdib nito. "Nang malaman kong anak nina Margarita at Ernest si Jelena, lalong nabuhay ang poot sa dibdib ko. All my life, I lived in bitterness. I find it hard to find happiness. Hanggang ngayon, malaking bahagi ng pagkatao ko ang nakakaramdam na naapi ako, niloko, at pinagtulungang saktan ng mga magulang ni Jelena habang sila ay naging maligaya. Hindi ko mabilang ang mga gabing umiiyak ako sa tuwing maalala ko ang mga pangako at alaala ni Ernest." "Tunderstand, Tita Delia," sabi niya na ginagap ang palad nito. "But don't you think it's unfair kung idadamay n'yo ang anak nila?" "Unfair? Hindi ba naging unfair din sa akin sina Ernest at Margarita? Matagal ko nang binalak na paghigantihan sila pero hindi ako nagtagumpay. Masyado silang madulas. Would you believe na pinagbalakan ko pa silang ipapatay noon? I hired a killer. Pero hindi ko rin ipinatuloy. Naisip kong ang negosyo nila ang puntiryahin. Nag-isip ako ng paraan kung paano sila mapapabagsak. Inipit ko ang loan nila sa bangko. Pero nawalan din iyon ng saysay. Nakabangon din sila. Naisip ko rin noon na ipadukot ang isa sa dalawang anak nila. But they were too lucky para maligtasan ang mga paghihiganti ko. All these years, wala akong nagawa para maibalik sa kanila ang sakit ng ginawa nila sa akin noon." Napaunat siya sa kinauupuan. "Youreally hate them so much..." "Treally do, Sebastian."

"Mabuti na lang at hindi n'yo itinuloy ang pagpapapatay sa kanila at pagpapa-kidnap sa anak nila, Tita Delia. You could have been in big trouble if you were able to do any of them. Baka nakulong pa kayo. Kung nagkataon, lalo lang nasira ang buhay n'yo." "Wala nang masisira sa akin, Sebastian. Nasira na nilang lahat." "Come on, Tita Delia. Don't say that..." Umisod siya sa tabi nito at inakbayan niya ito. "Forget it. It's about time na maging masaya naman kayo. You have all the reasons to be happy. You're still beautiful. Who would say you're in your early fifties? Puwede pa nga kayong ma-in love uli." Kahit na nasa mukha ni Tita Delia ang pagiging dominante, kahit na palaging lapat ang mga labi nito at nakataas ang kilay nito ay hindi naitatago niyon ang likas na gandang taglay nito. Parang si Gloria Diaz ito kung kumilos at umasta, puno ng class at sophistication at hindi mukhang matrona. "Tigilan mo nga ako, Sebastian," sabi nito na binunggo siya ng isang balikat nito. "Let's go back to the topic. Seryoso ako sa ipinagagawa ko sa iyo. Paibigin mo ang anak nina Ernest at Margarita at mapupunta sa iyo ang major share ng Eastlinks." "Tita, kalimutan n'yo na ang pag-iisip na makaganti pa kina Margarita at Ernest." "No!" Biglang tumayo ito mula sa kinauupuan. "Nang makilala ko si Jelena at malaman kong anak siya nina Ernest at Margarita, nabuhay ang galit sa dibdib ko. My heart and soul are crying for revenge. Mawawala lang ang galit ko kung makakapaghiganti ako sa magasawang iyon. Their marriage has been perfect. Naging masaya sila samantalang ako, mula nang saktan nila ako ay naging miserable na ang buhay ko." "Bakit hindi sila ang gantihan n'yo?" "Wala nang magiging epekto iyon sa kanila. Naging maligaya na sila sa loob ng thirty years. Hindi ba mas magiging masakit kung ang anak nila ang masasaktan? At kung paano nila ako sinaktan, ibabalik ko iyon sa anak nila. Paibigin mo siya, Sebastian. Siguruhin mong mai-in love sa iyo nang husto ang babaeng iyon. Ang sabi nila, may pagkasuplada at stubborn si Jelena. Mas masarap paibigin ang ganoong klase ng babae, hindi ba? Mas challenging. Then, kapag hulog na hulog na siya sa bitag mo, layuan mo siya. Siguruhin mong masasaktan siya nang husto at hindi ka mai-in love sa kanya." Napailing siya. Hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ng kanyang Tita Delia.

"Can you do it for me, Sebastian?" 

Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora ClementeWhere stories live. Discover now