CHAPTER - 03

20 0 0
                                    

BEATRIX

Nagtagal pa ako sa bahay ni Inang dahil wala narin naman akong pupuntahan dahil wala narin namanakong mga magulang.

Kung bahay ang pag uusapan hawak lahat ni Ryzer ang mga ari-arian ko.

Ilang linggo narin ako dito at sobrang bait nila Inang at Vien sa akin.

Tumutulong din ako sa pagbebenta sa palengke. Mga gulay ang benta ni Inang habang si Vien naman ay nagtitinda sa skwelahan ng banana cue habang nag aaral.

Para sa akin ang swerte na nilang mag ina dahil kahit ganito ang buhay nila ay masaya silang dalawa.

Noong unang tulong ko kay Inang ay tat*nga pa ako kasi misming pagkilo ng mga gulay hindi ko alam pero ngayon kabisadong kabisado ko na.

"100 po ang isang kilo" sabi ko sa babaeng bumibili ng repolyo

"Hay Selda ang swerte mo dito sa pamangkin mo ah" sabi ng kasamahan tindera ni Inang

Sinabi niya nalang na pamangkin niya ako kasi baka madami na naman daw mangchismis ng kung ano ano.

"Aba'y oo naman Cora ang ganda na at ang bait pa" sabi naman ni Inang kaya natawa ako konti

"Buti kapa ganyan pamangkin mo kesa dito sa isang anak ko nasa palengke na nga lang halla puro pa-make up make up nalalaman baka pag nagsawa ako rito ibigay ko sa mga kargador" natawa kaming pareho ni Inang dahil sa himutok ni Nay Cora sa anak nitong bakla

"Si mader naman" angal ni Paui o Paul sa real name niya

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now