CHAPTER - 16

16 0 0
                                    

KYLIE

Nandoon ako simula una. Kasama niya ako mula bata pa kami hanggang sa nag asawa ito pero bakit ginawa niya to sa akin?

Nangako itong ako lang ang mamahalin niya pero noong nakilala niya si Beatrix nagbago na lahat. Akala ko hanggang doon nalang dahil kinasal pa sila pero nabuhayan ulit ako ng loob ng magpunta ulit sya sa bahay.

Hanggang sa lagi na syang pumupunta sa bahay minsan sa condominium ko pa at minsan pumapasyal din kami sa iba't ibang bansa. Nagkakaroon din kami ng laro sa apoy.

Pero isang araw at inabot na ng linggo ay di sya nagparamdam sa akin. Akala ko tinalikuran na niya ako. Dumating si Ms. Flarendia Asuncion - Huxley sa condo kung saan ako nakatira.

"Masaya kana?" tanong niya sa akin habang makikita mo ang pagkaayaw niya sa akin

"May kaunti akong pagsisisi sayo at galit dahil kundi dahil sayo hindi pipiliin ni Kaiser ang mababae. Imbes na tulungan mo syang piliin ang asawa niya ang ginawa mo nilandi mo pa ang apo kong may ASAWA na" saad niya at pinagdiinan ang asawa

"Mahal ko po ang apo niyo simula ng magkakilala kami sa Spain at isa pa po ako ang una niyang nakilala" saad ko habang pigil ang luha sa mga mata ko

"Minahal ng apo ko ang asawa niya pero dahil isa kang sulsol mas pinili niyang mangabit" kalmado pero rinig na rinig ko ang pagiging galit niya

Umalis sya habang ako ay nanatiling nakatayo sa pinto.  Nag impake ako ng gamit at balak kong pumunta sa spain.

Sa nakalipas na isang taon muli kaming nagtagpo ni Ryzer pero ngayon ay malaya na kami.

Ng maging kami ay masaya na kami pero minsan ay na gagalit sya dahil minsan sunog o hindi luto ang niluluto kong pagkain.

Nagpropose sya sa akin at tinanggap ko ito. Balak namin na sa pilipinas na ang kasal pero mali yata na doon ko pa napili.

Simula ng umuwi kami sa pilipinas naging malamig na ito at habang ako ay abala sa kasal namin ay bigla syang nawala ng isang buwan.

At ng bumalik ito ay mas lalo syang nanlamig sa akin. Hanggang sa isang araw pinakansel nalang niya ang kasal namin at hiniwalayan ako ng ganun ganun nalang.

Umuwi ako sa bahay na luhaan at galit. Nagmakaawa ako sa kanya  pero di niya ako pinakinggan. Bumalik naba ang babaeng yun sa buhay niya?







Nasa loob ako ng kotse habang pinagmamasdan ang batang babaeng naka upo sa may labas  ng skwelagan.

Lumabas ako ang lumapit sa kanya habang hawak ang limang pirasong chocolate bars na malalaki at isang pink na teddy bear.

"Hi" nakangiting saad ko

Kamukhang kamukha niya sina Ryzer at Beatrix.

"Ako ba kausap mo?" nakataas na kilay na tanong niya

"Gusto mo ba ito?" alok ko sa hawak

"Wala bang lason yan?" tanong niya na kinailing ko

"Wala" saad ko sa kanya

Kinuha niya ito at ang inilagay niya ang apat na chocolate sa bag niya habang ang isa nilantakan na niya.

Lumuhod ako at hinawakan ang matambok niyang pisnge.

"Ako pala ang T-tita Kylie mo" pakilala ko sa sarili ko habang pinipigilang umiyak

"Trixxie Ryley Mavis po pero sabi ni Daddy Huxley nalang po ang gamitin kong last name" saad niya na nagpatulo ng luha ko sa mata

Nagsasama na pala silang tatlo.

"Baby andito ako pero di kita sasaktan ok gusto ko lang kung pwede sabihin mo ito sa Daddy mo" saad ko sa huminga ng malalim

"Halla ba't umiyak ka?" gulat na tanong ni Trixxie

"Sabihin mo sa Daddy mo mahal na mahal ko sya ah sorry kung di ako marunong mag luto" ngumiti ako ng pilit at pinunasan ang luha na nalalaglag sa mata ko "Pakisabi rin sa kanya na tanggap ko na pero di ko kayang magpakita sa kanya" saad ko at niyakap sya

Nang marinig ko syang tinawag ay di na akong nag abala na lumingon pa. Tumakbo na ang bata pagkatapos magpasalamat sa akin.

Di naman ako masamang tao at di rin ako desperadang babae na hahabol habol pa kahit na di naman na ako.

Masakit pero siguro makakamove on din ako need ko lang ilayo ang sarili ko sa kanila.

Tumayo ako at lumingon sa sasakyang paalis na. At ako dumiretso na rin sa sasakyan ko at pinaandar na saka tinungo ang airport.

Spoiled brat man ako at nakukuha ko ang gusto ko ng madalian pero hinding hindi ko kayang manira ng pamilya dahil lang sa pag ibig.







RYZER

"Daddy lam mo ba may lumapit sa akin na babae tas binigyan ako ng teddy bear at five chocolate na malalaki" daldal niya sa amin ni Beatrix

"Anak pag hindi mo kilala ang nagbigay sayo at kumausap sayo wag na wag mong papansinin" pangangaral naman naman ni Beatrix

"Nagpakilala naman po sya saka tinanong ko rin kung may lason yung chocolate pero sabi niya wala naman kaya kinuha ko" saad niya na nagpangisi sa akin

"Ahh daddy sabi pala nung girl na pangalan ay Prayli ah hindi Trilie ayy hindi rin.....ah alam ko na si Tita Kylie" saad niya na nagtigil sa akin

Agad kong ginilid ang sasakyan at inihinto ito.

"May ginawa ba sya sayo?" alalang tanong ko

Kita ko rin sa mga mata ni Beatrix ang pangamba.

"Daddy ang pinapasabi niya lang naman ay mahal na mahal ka daw niya at sorry din daw dahil di sya marunong mag luto saka sabi pa niya napatawad ka na raw niya kaso di niya kayang magpakita sayo" derederetsong sabi niya

"Huu! Buti nalang namemorize ko" saad niya na nagpatawa sa amin

Inistart ko na ulit ang sasakyan saka tumungo sa gusto ng anak ko.

Akala ko magugulo ang pamilya ko dahil sa ginawa ko kay Kylie pero salamat sa Diyos at napatawad niya ako sa mga ginawa ko sa kanya.

Sana mahanap na ni Kylie ang nararapat sa kanya dahil mabait naman sya at maganda mas maganda nga lang si Beatrix sa akin.














A/N;
Hindi naman po masama si Kylie eh sadyang biktima lang po sya ng masakit na pag ibig. Hindi ko po pinasama ang ugali ni Kylie para maiba hehehehe. Thank you po sa pagbabasa.
Sorry po kung matagal kasi talagang lutang po ako ngayon sa story na ito. Pag naman po kasi pinilit ko baka maligaw po ito kaya hinihintay ko nalang pag pop ng mga scenes sa brain ko hahahaha. Thank you po ulit.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now