CHAPTER - 10

19 0 0
                                    

niksbautst thank you po sa pag follow. Luvlots 🤍🤍🤍

BEATRIX

Two days, two days ko na syang sinasakyan sa gusto niya at sana ay hindi niya ako mahalata. Totoong pagmamahal parin ang binibigay ko sa kanya kahit na nagpapanggap lang ako, diba ang gulo?

Nakahiga kami ngayon dahil kakatapos lang naming mag movie marathon at kumain ng kung ano ano. Ewan parang ako lang naman yata ang nanonood kanina dahil sya panay lambing ginagawa niya, kung hindi yakap ay pahal!k hal!k naman sya sa mukha ko .

Nang tignan ko ang wall clock ay alas dyes na pala. Agad kong kinuha ang mga pinagkainan namin ng mga chips at nagtungo sa kusina saka tinapon ang mga balat ng chips na kinain namin.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay lalabas na sana ako ng bigla ko syang makita na cross arm sa pinto at parang hinihintay ako.

Ngumiti ako at nagtungo sa kanya, ngumiti naman sya pabalik at bigla nalang niya aoong binuhat at nagtungo sa kwarto. Dahan dahan niya akong inilapag sa kama saka dumagan sa akin.

Kitang kita ko ang mga mata nito na may emosyon pero di ko alam kung ano yun.

"Payag akong bumalik tayo sa manila pero sa isang kondisyun Beatrix" saad nito habang nakadagan sya sa akin

"A-ano?" utal kong sabi sa kanya

"Magtrabaho ka sa akin" sincere na sabi nito habang nagkakatitigan kami sa mata

"Pero paano ang trabaho ko?" mahinang tanong ko sa kanya

"Ipahandle mo sa iba basta sa akin ka magtatrabaho dahil baka mabal!w pa ako pag hindi kita nakita lalo na pag nasa manila na tayo" takot, takot ang nakita ko sa mga mata nito habang binibigkas ang mga katagang yun

"Sige papayag ako" pag sang ayon ko dahil gustong gusto ko naring umuwi dahil miss na miss ko na ang anak ko

"Bukas ng hapon ang balik natin sa manila" sabi niya sa akin habang ang mga kamay nito ay unti unting gumagapang pataas

"I love you" gulat akong nakatingin sa kanya ng sabihin niya ang salitang yun. Di pa sana ako mababalik sa ulirat ng dampian niya ng hal!k ang labi ko

"Cute" sabi nito at humiga na sa tabi ko at syemprs di mawawala ang yakap nito sa akin




Excited na akong umuwi dahil sa wakas makikita at mayayakap ko na ang anak ko. Isang buwan din akong nag stay rito at masasabi kong ibang iba ang nakasama kong Ryzer kesa noon.

"Masyado ka namang excited" nakangusong saad nito habang yakap yakap ako at ang baba niya ay nasa balikat ko

"N-namiss ko kasi yung bahay namin" pagsisinungaling ko

"Bibigyan kita ng isang linggo para makapaghanda ka para maging secretary ko" saad nito sa akin

Makakabonding ko pa pala ang anak ko ng isang linggo kaya susulitin ko na yun dahil sa pagkamiss ko sa anak ko.

"Mamimiss na naman kita" malungkot na saad nito

Humarap ako sa kanya habang nanatiling nakayakap ito sa akin. Nagdadalawang isip pa ako kung ilalagay ko ang dalawang kamay ko sa leeg nito pero namalayan ko nalang na nakahawak na ito.

"Mamimiss? Andoon naman si Kylie~" naputol ang sasabihin ko ng halikan niya ako sa labi ngunit agad niya rin itong pinaghiwalay

"Don't mention her please" saad nito sa akin at akmang hahalikan na naman ako ng may marinig kaming ingay mula sa langit

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now