CHAPTER - 11

10 0 1
                                    

FaithAltheaMagnetico thank you po sa pag follow. Luvlots po 🤍🤍🤍

RYZER

Sa araw araw ay lagi akong nakasunod sa kanilang dalawa kasama ang dalawa pa niyang kasamang lalaki at isang babae.

Ngayon ay nasa mall silang apat kasama ang anak namin. Tumatawa sya na dahil s sobrang saya sa anak namin na di ko man lang nakita o nasilayan man lang noong nasa isla kaming dalawa.

Umupo ako sa medyo malapit sa kanila. Di ko alam kung mapapansin o makikilala niya ako pero parang hindi naman kasi sa itsura ko mas pagkakamalang magnanakaw pa ako. Tsk.

Naka itim na leather jacket, at faded jeans saka naka suot ng Black Cap saka Facemask, kulang nalang mag dala ako ng weap0ns at sumigaw ng H0ldap to habang nakatingin sa kanila ay may umupo sa tabi ko.

Bumubulong pa ito habang nakatingin sa babaeng medyo bata na nakikipagkulitan sa lalaking kasama nila.

"Pag to binusog ko ng siyam na buwan tanggal angas nito" bulong niya habang nakakuyom ang mga kamo nito

Napangisi nalang ako habang nakatingin sa mag ina kong masayang nag ii-slide.

"Bili muna tayo ng food habang busy sila Ate Trix" saad ng babaeng gustong gusto ni Edward na si Vivien or Vien

"Sige" malalim na boses na sagot ng lalaking kasama nito kaya ang katabi ko ay napasipa pa sa upuan na kaharap namin

Paglabas nila sa glass door ay tumatawa pa sila at may pasap*k sap*k pa ang babae sa kasaman nito. Agad namang tumayo si Edwars at padabog na sinundan ito.

Binaling ko ulit ang atensyon ko sa mag ina ko ng anak ko nalang makita ko at mukhang nahihirapan pa ito sa ginagawa niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ako pero lumapit ako at halos manginig ang mga kamay ko habang papalapit sa anak ko.

Busy itong mag sintas ng sapatos nito pero di niya nagagawa ng maayos.

"Nu bayan?" saad nito at pinalo pa ang sapatos nito kaya natuwa ako

Sa pagtawa ko ay syang pag angat ng tingin nito sa akin. Kita ko ang maganda niyang mukha na parang babaeng bersyon ko. Tumayo ito kahit di pa niya naayos ang sintas ng sapatos niyo. Tinaasan niya ako ng kilay saka nameywang sa harap ko.

"Ba't ka tumatawa?" malditang tanong nito

Lumuhod ako para magpantay kami. Hindi ako nagsalita dahil kinakabahan ako. Unti unti kong nilapit ang mga kamay ko sa pisngi ng anak ko ang sobrang lambot nito kagaya ng kay Beatrix.

"K-kidnapper k-ka n-no" nanlalaking mata nito habang unti unti itong umaatras

"Hindi ah, nandito ako para tulungan ka sa sapatos mo mukha kasing di mo alam gawin" saad ko sa kanya

Inayos ko ang ang sintas ng sapatos nito at hinawakan ko ng marahan ang ulo nito. Pasimple akong bumunot ng hibla ng buhok nito kaya napa aray pa sya.

"Ouch" saad nito saka tinitigan ulit ako ng masama

"S-sorry" saad ko at tumayo na baka kasi bumalik ulit sila

Pagkatalikod ko ay tuloy tuloy na sana ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses nito na nagpalingon ulit sa kanya.

"Thank you, sana may Daddy din ako para di na ibang tao o si Mommy ang gumawa sa akin yan" saad nito habang nakayuko

"Hintayin mo lang sya baka malapit mo na syang makita" saad ko at dali daling umalis dahil paparating na ang dalawa nilang kasama kanina

Pangako ko anak kukuha lang ng malakas na ebidensya si Daddy para makuha ko na kayo ng mommy mo.

Pagka diretso ko sa opisina ay nagulat pa ako ng makita ko si Kylie na naka upo sa swivel chair ko.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ko

Tumayo ito at lumapit sa akin ng may ngiti sa labi.

"Look babe i know how to cook na oh promise di na yan sunog at luto pa yan" nakangiting saad nito sa akin

"Busog ako" saad ko at dumiretso sa upuan ko

"Babe what happened to us?" napatingin ako sa kanya ng makita ko sa mata nito na nanunubig

Naawa ako sa kanya dahil parang niloloko ko na sya. Ako naman ang may kasalanan ba't sya nasasaktan.

"Walang kasal na magaganap" diretsang saad ko na nagpaiyak na sa kanya

"W-why? D-dahil ba sa hindi ako magaling magluto? A-about ba sa palagi akong nanghihingi ng pera p-para sa l-luho ko? O-ok f-fine m-mag aaral pa a-ako ng m-maraming lutuin t-tas d-di n-narin a-ako h-hingi ng pera a-and about sa mga make up ko m-madalang ko na gagamitin" lumuluha nitong saad

Tumayo ako at lumapit sa kanya para aluhin sana pero agad itong lumuhod sa harap ko.

"D-di naba ako m-masarap s-sa kama? Gagawin ko lahat ng gusto mo wag mo lang ako iwan please" iyak nito habang patuloy na nakaluhod

Yumuko ako at inalalayan syang tumayo habang umiiyak parin. Ang make up nito na nasa mukha niya ay nabura nadin dahil sa mga luha niya.

"Kylie makakahanap ka rin ng ibang lalakeng kaya kang mahalin, mahalin ang buong pagkatao mo hindi lang dahil sa katawan mo" saad ko sa kanya

"W-wag mo akong iwan p-please R-ryzer nagmamakaawa ako w-wag mong gawin ito sa akin" iyak ulit niya at lumuhod ulit sa harap ko

Naalala ko ang mukha ni Beatrix noon na nagmamakaawang wag ko syang saktan o pagmalupitan.

"I'm really sorry Kylie walang magaganap na kasal ok" saad ko at sakto namang pumasok ang dalawang guard na pinatawag ko

Nagpupumiglas pa ito habang umiiyak at nagmamakaawang wag ko syang iwan. Nasaktan ko sya at dahil yun lahat sa mga kagaguh*n ko.

Agad kong dinial ang number ni Patrick at sinabing pumunta sya rito.

Isang oras ang nakalipas ng pumasok si Patrick na  seryoso ang mukha.

"Here" iniabot ko ang isang zip bag na may laman ng kaunting hibla ng buhok ni Xie

"Ok tatawag nalang ako pag ayos na" saad niya sa akin

"Pwede mo bang pabilisin ang proseso ng DNA?" saad ko sa kanya

"Inaabot ito ng ilang linggo brad" malamig na tugon nito sa akin

Di na nag bago ang gag0ng to simula ng namata*y ang asawa nito.

Konting tiis nalang makakasama mo na sila..........



A/N:
Basta di ko alam kung tama ba pinagsasabi ko dyan hehehe. Base lang naman sa mga napapanood at nababasa ko yung about sa mga DNA² na yan eh. Thank you sa pagbabasa po. Mwua mwua
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now