Chapter 20

5 2 0
                                    


Year 1986...





I was just a 21 years old back then... At the young age I'm so selfish and stubborn spoiled brat. Palagi akong nambubully ng mga classmate ko kaya hindi maganda reputation ko as a medical student. Napakahilig kong manakit ng mas mababa sa akin.

Pero nagbago ang lahat nung dumaan ang isang araw...

Nagdesisyon kami ng mga KAIBIGAN ko na mag road trip, sakay kami ng mamahaling kotse nang biglang naaksidente ang sasakyan na sinasakyan namin, bumunggo sa amin ang isang truck na nawalan ng preno. Namatay ang mga kaibigan kong sina Sammy at Unice habang ako duguan, buhay pa pero nagtataka kung bakit hindi ko maramdaman ang kanang kamay ko.

Nang lingunin ko ang kamay ko na nakalabas ng window ng sasakyan.





"AAHHHHHH!!! ANG KAMAY KO!!!" naputol ang kanang kamay ko



Akala ko mamatay na rin ako kasi hindi ako makalabas at ilang segundo na lang ay sigurdo sasabog ang sasakyan dahil sa tumatagas na langis... pero dumating ang lalaking yon...

Inilabas niya ang mga kaibigan ko at ako.



'Second Year intern... Gino Santiago.' yun ang nakasulat sa kanyang identification card na nasa leeg niya

Tapos kinuha niya ang putol kong kamay at nagtataka ako sa dala niyang medical tools, kung bakit parang balak niyang ikabit yun ulit sa akin. Binuksan niya ang medical tools niya at unang kinuha ang anesthesia.




"Nababaliw ka ba?! Hindi ka pa doctor-- AAGGGhh!" tinurok niya sa kamay ko ang anesthesia

"HUWAG KANG MAKULIT kailangan ko munang tanggalin ang parteng may damage. KAYA KUNG AYAW MO MAWALAN NG ISANG KAMAY TUMAHIMIK KA!" sinigawan niya ako



That's the first time na may nanigaw sa akin at napaka galing niya kahit intern palang siya.

After that day dinala niya ako sa hospital at... hindi ko na siya nakita pero tandang tanda ko yung mukha at pangalan niya.

Dumating ang araw naging isa na akong resident and I met some who exactly look like him... Siya na ang napangasawa ko.





Si Ryker Tony Hoffman. Guwapo siya, mayaman siya, adopted son ng hoffman family at akala ko siya ang lalaking yon kasi magkamukhang magkamukha sila pero hindi...

Guwapo siya at lahat ng babae noon ay madaling nagkakagusto sa kanya kasi masyado siyang mabait.

Pero dahil nga masyadong mabait ay hindi siya marunong lumaban kapag binu-bully ng mga senior. Haist, sa kanya nagmana sa Loveriza!




Magkamukha sila pero hindi siya tulad ng taong ito nasa kanang harap ko ngayon.





"Gusto ko na lang sana palampasin ito eh kaso lang kapag naiisip ko na may napaka bayolenteng doctor dito na basta basta na lang nanapak at napaka bastos! Walang galang sa kapwa doctor!"

"Doctor Gino, alam na alam mo na hindi katanggap-tanggap sa isang doctor ang pagiging bayolente!" ang sabi ni President Zarniya Sanders. She is my right hand women. "At alam mo naman na walang kasalanan si Dr. Luis sa pagkamatay ng pasyente mo kaya bakit mo siya sinaktan?!"

"Tama at dapat lang na magsorry siya ginawa niya sa akin!" ani naman ni Dr. Luis kay Gino. "Hoy, lumuhod ka at humingi ng tawad sa akin!"

"Tsk..."




Usually kung si Ryker ang pinahihingi ng tawad ay ginagawa niya agad dahil ayaw niya ng gulo but he is not him... Bumaling ako ng tingin kay Dr. Gino na kulang na lang patayin na sa titig si Dr. Luis.



THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now