CHAPTER 2

3 2 0
                                    

DR, LOVERIZA POINT OF VIEW





TIK TAK! TIK TAK!



Napamulat ako ng aking mga mga mata at bumangon ako sa aking kama. Umaga na pala?

Napatingin ako sa electric calendar dito sa aking malaking kuwarto, kumunot ang noo ko. Linggo na ngayon?



"Pero Biyernes lang kahapon, kumain panga kami ni lucia kahapon sa Jollibee kasi birthday niya. August 09 kahapon pero bakit nakalagay August 11 na?" ani ko. Nagloloko sigurado ang kalendaryo ko.



Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sa bag pero mas lalong kumunot ang nuo ko kasi parehas lang ang date nakalagay, August 11.



This is weird...

Wala akong naalala na dumaan na ang sabado at hindi ko maalala kung ano ang mga nangyari noong sabado.



"Ma'am Love." narinig kong sigaw ng katulong sa labas ng kuwarto. "Ma'am loveriza."



Lumapit ako sa may pintuan saka pinagbuksan si Reina Mercedes, ang kaibigan ko na kasing edad ko lang at katulong siya rito sa mansyon ng aking pamilya.

"Nakahanda na po ang mga pagkain, ma'am loveriza. Nasa hapag-kainan na po ang lahat kayo na lang po ang hinihintay." saad niya sa akin

Tipid akong ngumiti saka tumango sa kanya.

Nagkaroon nanaman ako ng pagkakamali noong biyernes, nagkamali nanaman ako sa operasyon dahil sa sobrang takot dahil bigla na lang sumulpot ang isang diablo sa loob ng operasyon habang nagoopera ako.

Namatay ang VIP na inooperahan ko dahil sa pagkakamali ko, nadismaya ko nanaman ang pamilya ko lalo na si mommy na chairman ng hospital na pinagtratrabahuhan ko at ng kapatid kong si Deniece.



"Kahit kailan talaga hindi ka na magbabago, bakit ba kasi naging anak pa kita!" naalala kong sabi ni mommy sa akin habang matalim ang mga matang nakatingin sakin



Bumigat ang loob ko nang maalala ko yun.

Hindi ko alam kung paano ko sila hinarang kahapon pero sigurado ako na magiging mabigat nanaman sa akin na humarap sa pamilya ko. Sa pamilya ko ako yung unwanted, ako yung kahihiyan dahil sa third eye na meron ako. Sa pamilya na mula sa lahi ng Doctor ay kahihiyan na ang isang taong isisilang na may kakayahang makakita ng multo--- paano pa kaya ang isang tulad kong hindi multo ang nakikita.

Napapikit ako.

Humugot ako ng malalim saka muling dumilat, nagbihis ako ng presentable para humarap sa aking pamilya, kay mommy. Ayaw kong tignan nila ako na parang basahan at talunan.



"Kaya mo yan loveriza, kaya mo yan." mahinang sambit ko bago lumabas ng kuwarto ko

Sa paglabas ko ay kaagad na bumungad sa akin ang mga matatalim na tingin sa'kin ni mommy, mapangmatang tingin ng mga lolo't lola ko at mapangmatang tingin ng ate Deniece ko.



"Finally the freak is here!" sabi ni ate Deniece

"Bakit ngayon ka lang?!" dumagundong ang boses ni mommy

Chairman of the Horizon hospital Dr, Maralym Hoffman, She's my mom.

"Sorry po mom late po kasi ako nagising-"

"Buo na ang desisyon namin ng mommy mo, loveriza." singit ni mommita

"Po?" kumunot ang noo ko

"Simula ngayon hindi ka na hahawak ng mga VIP patients, mula sa 12 floor ay ibaba kita sa THIRD FLOOR." malamig na turan sa akin ni mommy

"Pero mom-"

"My decision is final!" ma-otoridad na saad ni mommy

"Ow kawawa ka naman, alam mo ba si first to 3rd floor puro mga hampas lupa yung mga pasyente dun!" Natatawang sabi ni ate Deniece sa akin. "Bagay na bagay ka dun!" dagdag niya pa sabay tawa



Pumatak ang luha ko sa narinig ko, ang sakit.

Now I finally lost my chance to prove my worth.

Gusto kong tumanggi at ipilit ang sarili ko, sabihin na hindi na yun mauulit pero...

Naiyak na lang ako.

"O-Okay lang po mom, kung yan po ang gusto niyo."

"Ibibigay kita sa isang kilala kong magaling na doctor kaya sana naman huwag kang gagawa ng ikakasira pa ng pangalan ko!"

"Mom bakit hindi mo na lang siya ilipat sa public hos-"

"Manahimik ka Deniece!" sigaw ni lolo kay ate. "Manahimik ka, kahit na hindi katanggap-tanggap ang kakayahan ni loveriza na makakita ng kung ano-ano ay isa parin siya Hoffman at walang hindi doctor sa pamilyang ito!"

Palihim na umirap si ate.

Noon pa man, sa pagkasilang ko palang itinakda na ng sarili kong pamilya ang tadhana ko. Ayaw ko maging doctor kasi ayaw kong may nakikita akong kaluluwa na sinusundo ng mga demonyo, nanginginig ako pero yun ang itinakda sa akin ng sarili kong pamilya.

Wala man lang nagtanong kung anong gusto ko maging...

Si Lucia lang bukod tanging may alam na ang gusto ko talaga ay gumawa ng magagandang klase ng gown.



"Papayag po ako... pero pwede po bang... pwede po bang pagkatapos nito ako naman ang magdesisyon sa sarili ko." sabi ko pero hindi yun isang tanong.

Isang Linggo akong naglakas loob na sabihin yun kasi gusto ko na kaming dalawa na lang ni lucia ang magkasama, siya lang naman kasi yung itinuturing akong pamilya simula pa noong bata palang kami.

"Ano?!" nagsalubong ang kilay ni mommy sa akin

"Gusto ko pong umalis dito sa inyo mabuhay na magisa."

"As if naman kaya mo, eh diba nga iyakin ka? Kapag nakakakita ka ng kung ano iiyak ka inshort mahina ka!" pang-iinsulto ni ate sa akin. "Tapos sasabihin mo gusto mo maging independent? Sabagay dapat noon mo pa yan ginawa para nawala na noon pa ang salot dito-"

"Deniece!" sigaw ni mommy kay ate

"Bakit totoo naman diba, mommy? She is the one who killed 'my' father!" saad pa ni ate na punong puno ng galit ang mga mata. "Tss, freak!"

Tumayo siya at umalis na hindi na naubus ang pagkain niya.

Alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan, hindi ko gusto na mawala ang daddy namin pero hindi nalang ako nagsalita kasi wala naman maniniwala. Hindi naman nila ako paniniwalaan.

"Pumapayag kami... pero hindi ibig sabihin ay magagawa mo na lahat ng gusto mo, hindi dapat malaman ng ibang tao yung tungkol sa special ability mo." seryosong sabi ni mommy

"Opo."

"Si Dr, Gino Santiago... ang totoo ni-request niyang ibigay kita sa kanya." saad ni mommy

Nagulat ako kasi akala ko gusto niya lang na ibaba ako sa Third floor. Dr, Gino Santiago?

"Sino po yun--"

"Hindi ko alam kung anong nakita niya sa tulad mong palagi naman sumasablay!" sambit ni mommita sa akin. "Pero ang taong yun ay mahusay na doctor kaya huwag mo ipahiya ang pamilya natin."

"Kahit may makita kang demonyo, anghel o ano umarte kang wala kang nakikita naiintindihan mo ba?" saad ni mommy sa akin

Her voice was full of authority. Tinago ko ang dalawang kamay ko sa likod para hindi nila makita na nakakuyum ito, saglit kong kinagat ang labi ko pagkatapos ay tumango ako.

"Opo mom- I mean, chairman." sagot ko

Whoever that doctor is, I will make sure I gave all my best para lang hindi maging palpak sa pangangalaga niya. Sana lang talaga...

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now