CHAPTER 18

2 1 0
                                    


Dr. Loveriza POV




"Sino... SINONG NAGTANGGAL NG VENTILATOR MASK SA KANYA!!!!" nanginginig sa galit na sigaw ni Dr. Gino matapos namin pasukin ang kuwarto ni Mr. Jin at na laman na natanggal ang ventilator mask nito at ang sipit na nakakabit sa kamay nito na siyang dapat magbibigay ng alarm sa amin kung may nangyaring hindi maganda sa pasyente




Natanggal ang sipit na konektor kaya walang may alam na inatake na pala sa puso si Mr. Jin habang natutulog sa upuan ang anak niya.

Napabaling siya ng tingin kay Dr. Luis at sa ibang doctor na alam niyang pwedeng makinabang sa pagkamatay ni Mr. Jin dahil nga donor ito. Ngayon ay nasa morge na ang bangkay pero ang bata ay nandito pa kasi hindi pa namin alam kung paano sasabihin na patay na ang daddy niya at higit pa roon ay kapag nailibing na ang daddy niya ay susunduin na ito ng DSWD.




"Relax ka lang Dr gino wala kaming kina laman diyan at saka may ginagawa kaming lahat."

"Tama saka magkasama tayo dun sa 12 floor diba, kaya wala akong kinalaman diyan." ani ni Dr. Luis

"Pero natagalan ka dumating!"

"Syembre kumain ako sa office ko." sagot ni Dr. Luis. "Saka kung sino man ang nagtanggal hindi yun mahalaga kasi... kung sino ang doctor yun ang may kasalanan kasi hindi niya sinisiguro na nakakabit o naikabit yung konektor. Inshort pabayang doctor!" dagdag pa ni Dr. Luis




Nagpanting ang tenga ni Dr. Gino sa sinabi niya galit na galit itong sinugod pero bago pa man makapanakit ay inawat na siya team namin.




"Relax lang po doc!"

"Bitawan niyo 'ko sasapakin ko yang gag0ng yan! Bitawan niyo 'ko sabi!"

"Sir huminahon po kayo please." pakiusap ko sa kanya

Nakita kong huminga siya ng malamim kaya naisip ko kalmado na siya siguro.

"Mabuti nga namatay yun atleast may pwede ng ituloy yung donation sa VIP kong pasyente." ani pa ni Dr. Luis.




Doc Luis naman pinapakalma ko na nga si Dr Gino eh!

Napatitig ako kay Dr. Gino, well naka contact lenses siya pero kinatang kita ko na galit na galit siya.




"Anong sinabi mo?! Masaya ka pa na patay na yung pasyente ko?!" nanginginig ang boses niya sa galit

"Oh bakit mali nanaman ba ako? Eh diba nasa batas yun?"

"Sir huwag niyo na po patulan." pakiusap ko kay doc gino. Grabe ang dami naming pumipigil sa kanya

"Oo nga po doc na hospital tayo doc at may mga pasyente dito." ang sabi ni Dr Jake sa kanya. "Kumalma po kayo..."

"Okay... Bitawan niyo na ako... Kalmado na ako."



Sabi niya kalmado na raw na siya... pero pagbitaw namin sinapak niya bigla ang mukha ni Dr. Luis.



... ayun tumalsik si Dr. Luis at KNOCK OUT.



Patay na... Gera na ito sa pagitan ng General surgeons department at Pain department!




"Bakit mo siya sinuntok!"

"Tss! Mahina yung suntok ko nawalan na ng malay?! Talunan talaga kahit kailan." he scoffed. Matalas ang kanyang mga mata na tumingin sa ibang doctor. "Kumilos na kayo at ilayo yang DILIS na yan dito baka lutuin ko yan pagnabwisit ako!" sabi niya pa




Umirap siya tapos umalis.



The doctors who are members of the pain department of Dr. Luis has approached him and try to wake him up. Nasa ganun kaming sitwasyon ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.


"What happened here?"


"Dr. Deniece..."


Deniece...?


Napalingon ako pero bahagyang nagtago ng makita ko si ate Deniece pero kahit halos magtago na ako ay nakita pa rin niya ako. Pinagtaasan niya ako ng kilay at lumapit sa akin.



"I ask what happen here are you deaf?!"

"Ah kasi ate-- doc..."



Nanlaki ang mga mata niyang makita na walang malay si Dr. Luis at putok pa ang labi.



"WTF?! Chief Luis!" lumapit siya kay Dr. Luis. "What happen to him?!"


"Si Doctor Gino po kasi sinapak niya siya."


"What..." bumaling siya ng masamang tingin sa akin. Napayuko ako. "What uneducated person! Bitbitin niyo siya papunta sa 12 floor at a bigyan ng room!" utos niya


I was about to turn my back to leave and do my work and check the CCTV but I heard her whisper.



"Kahit saan ka talaga mapunta may nangyayaring hindi maganda noh?"


"Pasesya na po Dr. Deniece pero hindi po kasalanan ni Loveriza yun wala po siyang ginagawa--"


"Shut up idiot!" she said to moon and glared. Muli siyang bumaling sa akin at tinarayan ako. "Sabihin mo sa cheif of general surgeon niyo, makakarating sa chairman ang ginawa niya. Sisiguraduhin ko na mawawalan siya ng lisensya dahil sa ginawa niya sa chief of Pain management namin!"



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at natakot. Napaka buting doctor ni Dr. Gino sa mga pasyente niya at mahusay siyang doctor, bibihira ang doctor na ganun tapos dahil lang sa isang pagkakamali tatanggalin yung lisensya niya.


"Pero ate- Dr. Deniece nabigla lang naman po siya, galit siya kasi may nagtanggal ng--"

"I don't care and wala kang karapatan sumagot kasi resident ka 'lang' and I'm you senior!" ani niya sa akin. "Idiot!"



Natigilan ako, wala nga pala akong karapatan sumagot I'm just a resident.

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now