Prologue

13.1K 317 8
                                    

MAHIKA

Meron daw ako nyan, yan ang sabi ng magulang ko, nawewerduhan na nga ako sa kanila, anong mahika pinagsasabi nila, eh sa mga palabas lang sa tv makikita ang mga mahika mahika na yan.

Pero nagbago ang lahat nong gabing yun, Malakas ang ulan, malakas din ang kulog
Nakahiga na ako noon sa kama ko at natutulog na ng maalimpungatan ako dahil sa ingay sa loob ng kwarto ko
Napabangon ako at nagkusot ng mata ko nanlaki ang mata ko ng makita ko sila mommy at daddy na prinoprotektahan ako, isang yellow na barrier galing kay daddy, sinasangga nito ang mga atake galing sa...

Napatingin ako sa pintuan at dun ko nakita ang pinanggagalingan mga atake, tatlong Tao na nakaitim at balot na balot ang mukha nito, Sa sobrang takot ko ay napasigaw ako,
Napatingin sila mommy at daddy na abalang nakikipag labas sa mga nakaitim, Pinuntahan ako ni mommy at niyakap.

"Shhh Anak wag Kang Mag Alala, Magiging Maayos din ito,Matulog Ka Muna"  pagkasabi ni mommy nito ay parang isang spell at nakatulog agad ako

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mata ko.

Umaga na at  wala na ang ulan at malakas na kulog. Napatingin ako sa kabuo-an ng kwarto ko napakagulo nito at kita ko ang mga sira-sirang gamit.

Naalala ko ang pangyayari kagabi ang  pakikipaglaban ng magulang ko sa mga nakaitim. Naguguluhan ako, hindi yun panaginip basi sa mga gulo sa kwarto ko
Nasa gitna ako ng pag-iisip ng pumasok sila mommy at daddy

"Kailangan mo nang madala sa ligtas na lugar Anak" sabi ni mommy

"Alam na nila na ikaw ay isa sa mga hinahanap nila, babalik at babalik sila dito para makuha ka, hindi ka ligtas dito anak" sabi ni daddy

"Mag-impake kana pupunta tayo dun.
Doon ay maproprotektahan ka nila at masasanay ka para sa iyong kapangyarihan para macontroll mo ito" sabi ni mommy

Naguguluhan man ay sinunod ko nalang ang sinabi nila

Anong lugar ba ang pagdadalhan nila mommy saakin
Safe ba talaga ako dun..
Bahala na.

Nagtitiwala naman ako kila mommy at daddy, di naman nila ako hahayaang mapahamak.

Ang pinagtataka ko lang ay yung nakita ko kagabi kung paano nila ako protektahan gamit ang kakayahan nila. Bat meron ganun sila. At sila ang mga gustong kumuha sakin.

Light Magical Academy (Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon