Noon niya hindi naiwasang matawa. "Para ka
palang bata, Mr. Villafuerte. Para iyan lang, gigil na
gigil ka na sa akin. Halos araw-araw akong may
banli ng mainit na mantika o tubig."
He obviously thought she was insulting him onee
again for he snorted but said nothing. Tapos na
niyang linisan ang paa nito kaya nilanggas naman
niya iyon ng katas ng dahon ng bayabas.
"Tinuli mo ang paa ko," mayamaya ay komento
nito. Hindi na niya kailangang tumingin sa mukha nito
para maunawaan ang biro nito. Natawa na naman siya
nang malakas, saka nilingon kung naroon ang kanyang
anak. Wala ito, lusot ang lalaki. Nilagyan na niya ng
Betadine ang sugat, saka binalutan ng gasa. "'Wag
mo na munang basain. Mas maganda kung hindi
makukulob kahit isang linggo lang."
"Yes, doetor."
"You may stay here for a while."
Nang tingnan niya ito ay natagpuan niyang nakatitig
ito sa kanya. Naulang na nagbawi siya ng tingin. Bakit
ba kailangan nitong hulihin ang kanyang mga mata?
Kung hindi man nito sinasadya iyon, bakit hindi nito
magawang mag-iwas ng tingin? Why was he making her feel uncomfortable?
Dahil alam nitong hindi niya nakakausap ang
kanyang kapatid, ano pa nga ba? The man was like
any other man in the planet—he was an asshole.
Mayroon siyang pakiramdam na hindi titigil ang
lalaking ito hangga't hindi nakukuha ang gusto nito—
ang paalisin siya roon, sapagkat iyon ang gusto ng
kanyang kapatid.
Ngunit kung pakaiisipin, kung sinusunod nito ang
kapatid niya, ibig sabihin ay mayroon itong paggalang
kay Clara, mayroong malalim na pagmamahal. Kung
ganoon, bakit siya nito animo inaakit? Bakit nagiging
isang flirt ito sa kanya? Was he really flirting with
her or just insulting her?
Maybe the latter. And it was driving her crazy.
Marahil ay estilo nito ang tratuhin siya nang ganoon
nang sa ganoon ay mainis siya. Ano ba ang alam
niya sa plano nito?
"Sir Rodrigo, nakahain na po ang mesa para sa
inyo," wika ni Lara.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Saglit pa
lamang si Lara sa probinsiya ay mukhang tumitigas
na ang ulo nito. O baka hindi nito naisip na seryoso siya
sa habilin niya ritong huwag nang pagsisilbihan uli si Rodrigo.
"Really? You are a very good host indeed, not
like your mama who always wants me to leave."
Tumingin sa kanya ang kanyang anak.Tila nahiya,
ito. Marahil ay noon lamang nito naalala ang kanyang
habilin. Gayunman ay ayaw niyang mapahiya ito.
Hindi siya ganoon magpalaki ng anak kaya naman
ngumiti siya rito at sinabi ritong ito na ang bahala
'sa kanilang eustomer.
Sinamahan nga nito si Rodrigo sa dining area
kung saan mayroon nang mga upuan at bar na halatang
hindi pa ginagamit. Sinindihan ng kanyang anak ang
mga ilaw kaya nagmukhang napakaganda roon,
eleganteng Filipiniana ambianee—mula sa mga
sinaunang lampara hanggang sa mga antigong upuan
at mesa. Dinala ng kanyang anak sa tulong ni Nanang
Guada ang pagkain ni Rodrigo.
The man asked her daughter to join him and she
did. Mas mainit pa ang pakitungo nito sa estranghero
kaysa sa sarili nitong ama. Ah, marahil ay dahil wala
itong nadaramang pagkailang kay Rodrigo kompara
sa ama nito. Bukod doon ay mukhang nadadaan ni
Rodrigo sa eharm ang kanyang anak. Marunong itong makitungo sabata. She even wondered why. Mukhang
hindi ito ang tipo ng taong mayroong pasensiya sa
mgabata.
Nakinig lamang siya sa usapan ng dalawa. Kahit
paano ay natuwa siyang malamang nasasarapan ang
lalaki sa luto nila. Malaking bagay iyon para sa kanya
sapagkat nasa pagluluto ang kanyang passion at ang
gusto niyang gawin buong buhay niya. Natuklasan
lamang niya iyon nang nasa Maynila na siya.
"Siyempre naman po, masarap talaga ang pagkain
namin dito. Simple pa nga po 'yan, eh. Kapag nagluto
na ang mama ko ng pasta at eake, lalo ninyong
sasabihing masarap, kasi magaling talaga siyang
magluto."
"Really?"
"Opo."
Tumingin sa kanya si Rodrigo. Muli ay nailang
siya kaya minabuti niyang i wan na lamang ang dalawa.
Walang mangyayari kung parati siyang maiilang dito
at kung parati siyang tititigan nito. Mamaya ay muli
niyang kakausapin ang kanyang anak.
"Mukhang magkasundo talaga ang dalawa," wika
ni Nanang Guada. "Salamat po na kahit paano ay mabait siya sa
anak ko kahit nasa panig siya nina Papa at Glara."
"Nabanggit ni Tita na noong nakaraan daw,
parang hindi kayo magkasundo ni Rodrigo. Ano ba
ang nangyari?"
"May transaksiyon daw po siyang gustong
sabihin. Alam ko namang V hit anong alok nila ay
iisa lang ang suma: kapalit n'on ay ang pag-alis ko
'rito sa Tierra. Ayaw ko na sanang kausapin pa ang
taong iyon pero kung siya naman ang nagpipilit, wala
akong magagawa. Siya ang nagsasayang ng laway,
hindi ako. Pero pagsasabihan ko si Lara. Tuwang-
tuwa siya sa lalaking iyon dahil binibigyan siya ng
tip. Ngayon lang natututo ang batang iyan sa mga
ganyang bagay." Natural lang siguro iyon. Iyon ang
unang "suweldo" ni Lara—ang tip nito mula kay
Rodrigo—kaya natural na masaya ito. Ang sabi pa
nga nito sa kanya ay iipunin daw nito ang lahat ng
tip nito para makabili ito ng matagal na nitong
pangarap na bahay ng Barbie. Hindi niya iyon mabili
para dito sapagkat namamahalan siya. Hanggang
ngayon ay iyon pa rin ang gusto nito samantalang
matagal na nang iungot nito iyon sa kanya. Hindi niya
alam na gusto pa rin nito iyon sapagkat hindi na naulit ang pag-ungot nito nang sabihin niya ritong
masyadong mahal iyon.
"May napapansin ka ba kay Tita, Teresa?"
mayamaya ay tanong sa kanya ni Nanang Guada.
Mukhang nauwi ito sa malalim na isipin.
, "Napapansin?"

"Madalas na bigla na lang nawawala iyan. Tulad
(ngayon. Ni hindi nagpaalam."
"Baka naman po may pinuntahan lang saglit."
"Sa gabi, madalas na balisa. Hindi ko alam kung
bakit. Wala bang nababanggit na kahit na ano sa 'yo?"
Umiling siya, bahagya ring nabahala sa
obserbasyon ng matanda. Kung hindi nito ipinunto
na parating nawawala si Tita ay hindi iyon titimo sa
isip niya. Oo nga, madalas nga itong umaalis ngunit
ang nasa isip niya ay mayroon lamang itong inaasikaso.
Wala itong obligasyon na tumao sa bahay niya.
"Mama, hinahanap ka ni Tito Drigs."
Muntik na siyang magkandasamid-samid. Tito?
Kunsabagay ay nobyo ito ng tita ng kanyang anak.
Napilitan siyang lumabas. Nang makita siya ay
nagpaalam na sa kanya si Rodrigo.
"Thank you." Tumango siya. "Sorry sa nangyari sa paa mo,
pero ikaw ang may kasalanan."
"Whatever. 1*11 see you again."
"You won't eome baek."
"I promise I will, don't worry."
Pinamay wangan niya ito.
"Try to loosen up, will you?"
"You're always pissing me off!"
Tumawa ito at pinisil ang pisngi ni Lara, saka
tumalikod na. Nang wala na ito ay kinausap niya
ang kanyang anak.
"Sinabi ko na sa 'yo na ayaw ko na siyang
babalik dito. Ine-entertain mo pa siya parati. Ano
ba ang nakita mo sa kanya?"
"Mabait siya, Mama."
Hindi siya nakaimik sapagkat ayaw niyang
magsabi sa isang sampung taong gulang na bata na
walanghiya ang isang tao. Gayunman ay ayaw niyang
maulit iyon kaya sinabi niya ritong, "Hindi ko siya
gusto."
"Pero bakit nagtitinginan kayo?"
Ganoon na lamang ang pag-iinit ng kanyang mga
pisngi. Salamat at wala na roon si Rodrigo, kung hindi,
tiyak na mayroon na naman itong maikokomento sa sinabi ng kanyang anak. Ginulo niya ang buhok ni
Lara.
"Walang ibig sabihin iyon, anak. Alangan namang
mag-usap kami nang nakatingin ako sa kisame? Hala,
mag-ready ka na lang ng isusuot mo bukas sa beaeh."
Nakangiting tumalima ito. Matagal na sila dapat
nakapamasyal sa dagat ngunit sa dami ng inaasikaso
ay hindi nila nagawa.
Isasara na sana niya ang gate nang makita niyang
dumating si Tita sakay ng isang trieyele. Babatiin
na sana niya ito nang makita niyang hinagkan ito sa
, mga labi ng trieyele driver. Nagtago siya sa
, pagkabigla, hanggang sa maalala niyang hindi na nga
pala sila mga bata. Bigla siyang napangiti. Kaya
pala nagiging malihim ang kanyang kaibigan, may
isa itong sekreto.

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now