Chapter 29

3 1 0
                                    

Kinaumagahan ay nag-imbita ang Regina ng Allardes para sa isang malaking salo-salo bago kami bumalik sa kani-kaniyang kaharian.

Pumasok kami sa isang pintuan at sa loob nito ay mayroon napakalaking lamesa. Maraming upuan ito para sa bawat pamilya ng iba't ibang kaharian.

Paupo na sana ako nang mapansin ko kung sino ang nasa harapan ng aking kinauupuan. Si Levan ito katabi ang isang babae. Nakahawak pa ito sa kanyang braso habang kinakausap siya. Nakakunot-noo akong umupo katabi si Calissa at Maverick.

"She's Aria Ventura from the Kingdom of Venturas— the land of Aires." Bulong ni Calissa. "I see a jealous woman over here." Bulong niyang muli at tinignan ko siya nang masama.

Pansin kong nakatingin sa akin si Levan. May mapaglaro itong tingin at ngiti na para bang inaasar ako. Inirapan ko siya at inis kong inayos ang aking pamunas. Mabuti nalang ay inihain na ang pagkain.

"Let me get you the food that you wanna eat." Alok ni Maverick 

"Thank you, Mav." Matamis akong ngumiti. Alam kong nakita 'yon ni Levan kaya naman agad akong tumingin sa gawi niya.

Kagaya ng aking inakala, masama ang tingin niya kay Maverick at mahigpit na nakahawak sa kanyang mga kubyertos.

"I see a man who's more jealous over there." Bulong ni Calissa at ngumiti ako sa kanya.

Kung selosan lamang ang labanan ay tiyak kong talo agad si Levan. Dahil maging mga kapatid niya ay pinagseselosan niya.

Tahimik kaming lahat na kumain. Halos isang oras din ang tinagal namin dahil napakaraming pagkain ang ipinahanda ng Regina.

"Maraming salamat sa pagdalo at pagbisita sa aming palasyo. Aasahan kong sa susunod na taon ay makikita ko kayong muli." Pasasalamat ng Regina.

Habang nagk-kwentuhan ang mga Regina at Rex ay nagpaalam muna ako na aakyat upang ihanda ang aking gamit.

Habang naglalakad ay sumunod ang lalaking pamilyar sa akin.

"Thank you, Mav." Bungad niya na ginagaya kung paano ako nagpasalamat kanina kay Mav. Lumingon ako sa kanya at inirapan lang siya.

"Tell me, is that guy interested in you?" Tanong niya nang maabutan niya ako sa paglalakad.

"Why do you care, Levan? Aren't you with that Aria?" Mataray na sagot ko habang masama ang tingin sa kanya.

"So, you're jealous of her?" Natatawang sabi niya.

"Nope." Maikling sagot ko sa kanya. "Are you jealous of Mav?" Pabalik kong tanong sa kanya.

"Yes. I am fucking jealous, Calistine." Diretsong sagot niya. "I am jealous, Calistine." Pagdidiin niya.

"That's not my problem, Levan. Nothing's going on between Mav and I." Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Why are you doing this, my love?" Mararamdaman ang sakit sa kanyang boses. Nais ko man siyang lapitan at yakapin ngunit hindi maaari. Dahil hindi na kami pwedeng magsama pa.

"We cannot be together, Levan. Please, move on. We can't do anything about it." Aniko at iniwan siya.

Dali-dali kong inayos ang aking nga gamit. Hindi ko na kaya pang manatili rito kasama siya dahil baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. Lalo pa't halos hindi ko na mapigil ang aking pagkauhaw sa t'wing siya'y nasa malapit lamang.

Hindi ko alam ngunit napakatindi ng aking pagkauhaw sa kanyang dugo kumpara noon. Siguro ay dahil sa matagal ko na ring hindi natitikman ang dugo ng aking kapareha kaya naman gano'n na lamang ang aking labis na pagkauhaw.

Nanatili na lamang ako sa aking silid at hinintay na tawagin na lamang ako ng aking mga kasamahan kapag kami'y aalis na.

Ilang minuto rin akong naghintay at mabuti na lamang ay dumating na si Calissa. Nagpasya ang aking ama na kami'y bumalik na sa Crovenia kahit hiniling pa ng Regina na manatili kami hanggang bukas.

Alam kong dahil ayaw pa ni Papa na manatili ako dito lalo pa't palaging magtatagpo ang aming landas ang aking kapareha. Kaya naman laking pasalamat ko na rin sa naging desisyon ng aking ama.

Hindi rin nagtagal ay nag-umpisa na kaming lumakbay patungo sa aming Kaharian. Mahaba-habang paglalakbay din kasi ang aming aabutin upang makauwi. Mabuti na lamang ay kaya ko ng gamitin ang aking kapangyarihan at nakakaya ko ng kontrolin ang mga halaman sa aming paligid na siyang nagbibigay sa amin ng sariwang simoy ng hangin.

Sa kalagitnaan ng aming paglalakbay ay nagulat na lamang ako sa sinambit ni Calissa.

"I think I found my mate." Wala sa sarili niyang sabi.

"What?" Naguguluhang tanong ko.

Tuluyang tumulo ang kanyang mga luha. "It's a Romanov, Cali." Tumingin siya sa akin na may mga matang may labis na sakit.

"Oh my gosh..." Tanging sabi ko na lamang. Alam ko kung gaano kahirap ito para kay Calissa dahil iisa ang aming sitwasyon.

"It's the Heir of the Romanov Kingdom." Bulalas niya at mabilis na pumasok sa isip ko ang nakatatandang kapatid ni Levan—si Devon.

"Cali, h-how?" Tanong ko sa kanya at tanging iling lamang ang kanyang naisagot.

Akala ko ay patuloy ng malalayo ang bawat landas ng mga Crovenian at Romanov ngunit mas lalo lamang pinagtitibay ng tadhana ang mga posebilidad na magk-krus muli ang aming mga landas—sa ayaw man at sa gusto namin.

"I found out when he asked me to dance. I guess he didn't feel our connection yet but Mom taught me a lot about it." Paliwanag niya habang nakahawak sa kanyang sintido. "The moment he touched me, I felt his presence went into me—just like how Mom told me about it. His eyes lit up differently." Dagdag niya habang patuloy parin sa pag-iyak.

"I can't, Calistine. We can't. Our families don't get along." Aniya at mas lalo siyang umiyak.

"I'm so sorry, Calissa." Tanging sabi ko na lamang at yumakap sa kanya.

"I am so doomed, Cali. We cannot be together. Worse is that I cannot take over a kingdom that my own bloodline hates." Napakahirap ng sitwasyon ni Calissa ngayon. Kung nahihirapan ako sa sitwasyon namin ni Levan ay mas lalong mahirap ang sa kanya dahil itinakda siya sa tagapagmana ng trono.

Bakit sadyang mapaglaro ang tadhana? Bakit pilit ipinagtatagpo ang hindi dapat para sa isa't isa? Hindi ba pwedeng maging patas naman ito sa pagpili ng taong sadyang itinakda para sa isa't isa?

Kung pwede lamang na turuan ang tadhana sa kanyang pagpapasya ay ginawa ko na. Sana nga ay gano'n na lamang kadali iyon.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now