Chapter 13

6 4 0
                                    


Maaga pa nang matapos kami sa paghahanda para sa gaganaping pagtitipon mamaya. Isang tagapag-lingkod ang kumatok sa aming silid upang ipaalam na naghain ng maliit na salo-salo ang Hari o kung tawagin nila ay Rex at inaanyayahan kami na dumalo.  Pumayag naman ako nang tanungin ako ni Levan. 

Naglalakad kami ngayon patungo kung saan ginaganap ang maliit na salo-salo.

"I'm so happy that you'll finally meet my family, my love."  Saad niya habang nakahawak ng mahigpit sa aking kamay. Binigyan ko lamang siya ng matamis na ngiti bilang sagot. 

Mabilis rin kaming nakarating at ngayon ay nasa harapan na kami ng isang malaking pinto. Binuksan ito ng tagasunod at dito ay tumambad sa akin ang mahabang lamesa na puno ng masasarap na pagkain. May mga gintong kopita rin na tiyak kong dugo ang nilalaman. 

"Nasaan ang, Ama?" Tanong ni Levan nang mapansing wala pang tao sa loob ng hapag-kainan. 

Sakto naman ang paglabas ng isang lalaki na nakasuot ng kulay royal blue na roba at may isang napakagandang korona sa kanyang ulo. Kasunod si Wren, Von, at ang isa pang lalaki na sa tingin ko'y kanila rin kapatid. Mas bata and hitsura nito kaysa kay Lev at Von.

"Kuya Lev! Ate Cali!" Sigaw ni Wren nang makita niya kami sa loob ng hapag-kainan. Agad itong lumapit sa'kin at yumakap. 

"Levan." Sambit ng kanyang ama. Higit na kamukha ni Levan ang kanyang ama. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinaka-nakakuha sa mukha ng kanyang ama. "I haven't seen you for three days." 

Napakuyom ako ng kamay nang marinig ang sinabi ng kanyang ama dahil sa hiya. 

"I just wanna be with my mate, father." Sagot ni Levan sa kanya ng may matamis na ngiti sa labi.

Ngumiti ang kanyang ama at bumaling sa aking gawi. 

"Ikinagagalak kong makita at makilala ka, Calistine." Bati niya, ngumiti ako at lumapit sa kanya upang magmano. 

"Masaya rin po akong makilala kayo." Sagot ko. Nakita ko naman na nahiwagaan sila sa aking ginawa. "A-Ah, ang aking ginawa po ay pagmamano. Isa po ito sa mga ginagawa namin sa mundo ng mga tao upang magbigay galang." Napangiti naman ang hari sa aking mga sinabi.

"Salamat." Usal niya. "Batid kong naninibago ka pa sa mundong ito. At alam kong nahihirapan ka dahil hindi ito ang nakasanayan mo." 

"Actually, I wanna talk to you about something." Pakikisali  ni Levan sa aming pag-uusap.

"Why don't we have a seat and enjoy the food that has been prepared." Anyaya ng hari kaya naman kami ay naupo na.

Tahimik kaming kumain at nang halos patapos na kami ay saka ulit nag-usap ang mag-ama.

"Let's talk about it, Levan." Panimula ng kanyang ama.

"This is actually hard to believe. Even I didn't expect this to happen." Sambit ni Levan saka sumimsim ng dugo mula sa ginintuang kopita. "We all know that Calistine is from the human world. She is  a human but she also a vampire." Kumunot ang noo ng lahat at napatingin sa akin at kay Levan.

"How can you be so sure about that?" Tanong ng kanyang ama.  "In my years of living, I've never seen anyone who is a human and a vampire at the same time. You know that that cannot happen, Levan." Dagdag ng kanyang ama na halos nagpalumo sa akin at gusto ko na lamang na lamunin ako ng lupa ngayon.

"She already drank my blood, Ama." Sagot ni Levan at gulat silang lahat na napatingin sa'kin. "She has fangs and her eyes turned into crimson." Dagdag niya na mas lalong ikinagulat ng kanyang pamilya. 

"H-How?" Tanong ng isa pa  niyang lalaking kapatid. 

"It was the time when Wren used too much of her ability and she had to drink blood. I offered my blood to her, and it made her feel better but I wasn't been able to drink blood for weeks since I was looking for my mate in the human world." Paliwanag niya. "Wren drinking blood for me made so weak and I thought I was gonna die that day but Calistine offered her blood to me. I was hesitant at first but I couldn't handle my thirst for her blood anymore." Pagpapatuloy niya. "As I was drinking her blood I noticed that something's happening to her. That's when I saw her eyes turned red and her fangs."

"That's exactly what happened, Rex." Pag-sang ayon ko kay Levan.

"If that's the case then one of your parents is a vampire." Aniya. "Although, this didn't happened yet in my entire existence. Vampires cannot be with humans." Dagdag niya na mas nagpagulo sa aking pagkatao.

Kung gayon ay isa kina mama ang bampira? Si Papa kaya ito? Kaya ba umalis na lang siya at iniwan kami bigla? O si Mama? Na bigla na lamang gumaling mula sa kanyang malubhang sakit.

"Maging ako man po ay naguguluhan sa aking pagkatao." Sambit ko. Hinawakan naman ni Levan ang kamay ko at marahan itong pinisil. 

"Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka namin na malaman ang tunay mong pagkatao. Sa ngayon ay palagi ka lamang manatili sa tabi ng 'yong kapareha." Saad ng hari kaya at ngumiti na lamang ako bilang sagot. "Levan, bakit hindi mo siya ilibot sa ating palasyo nang sa gano'n ay malaman niya ang pasikot-sikot dito habang hindi pa nagsisimula ang pagtitipon."

Nagpatuloy kami sa pagkain habang pinag-uusapan namin ang gaganapin pagtitipon mamaya. Napag-usapan din namin ang tungkol sa pag-iisa ng dugo naming magkapareha. Ayon sa hari ay ito ang higit na makatutulong upang higit na tumibay at lumakas ang panangga ng Kahariang Romanov. 

Pagtapos naming kumain ay inaya naman ako ni Levan na libutin ang kanilang palasyo. Ito ang unang beses na lalabas ako ng palasyo, Hindi ko pa nakikita ang labas kaya naman ako ay nasisiyahan.

Gusto ko mang bumalik na sa mundo ng mga tao ay hindi parin nawawala sa'kin ang pagkagustong lakbayin at alamin ang mundo ng mga bampira lalo pa't ngayon ay nasisiguro kong isa sa aking mga magulang ay isa ring bampira.

Tuluyan na kaming nakalabas ng palasyo at napakaganda ang tanawin dito. Ang kalikasan dito ay nakapalusog. Matiwasay at napakasariwa ng hangin—bagay na hindi mo gaanong makikita sa mundo ng mga tao. May napakalawak din na hardin na naglalaman ng iba't ibang klaseng mga bulaklak. 

"Our Regina built that garden, my love."  Sambit ni Levan nang mapansin niyang nakatingin ako sa napakalawak na hardin. "Before she passwed away, she chanted a spell for her garden, kaya kahit wala na siya ay nananatiling malusog ang kanyang munting hardin."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Siguro ay napaka-alagang ina ng kanyang magulang noong nabubuhay pa ito.

"I love you, Calistine." Sambit niya habang inilalagay ang dilaw na bulaklak sa aking tainga.

"Salamat, Levan." Nakangiting usal ko at binigyan siya ng halik sa kanyang pisngi na nakapagpa-tulala sa kanya.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now