Chapter 5

11 5 0
                                    

Napagising si Calistine sa pakiramdam ng hininga sa kanyang mukha. Antok siyang nagmulat ng tingin at nagulat siya sa bumungad sa kanyang mga mata.

'Crimson eyes.'

Tila na-estatwa siya sa kanyang nakita. Napakurap siya ngunit nang pagmulat niya ay wala na ang mga nanlilisik na pulang mata. Napaupo siya at iniligid niya ang kanyang paningin, nagbabakasakaling makikita niyang mula ang pulang mga matang nakita niya ngunit wala ni anino at bakas ng sino man.

Dali-dali niyang binuksan ang ilaw. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Hindi niya maipahiwatig kung ano ang nakita niya. She's thinking maybe she just had a bad dream. She's tired from working all day.

Iyon na lamang ang inisip niya. Kakaiba man ang naramdaman niya, siguro nga ay dahil panaginip lamang iyon.

Tumingin siya sa kanyang orasan, kasalukuyang alas-tres ng madaling araw. Gusto niya na ulit matulog pero hindi siya dinadalaw ng antok. Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang nanlilisik at pulang mga mata na nakita niya sa kanyang panaginip. Nagniningas ito at tila'y may nais iparating.

Pinili niyang bumangon at bumaba upang maghanda ng agahan para sa kanilang mag-ina. Nagluto lamang siya ng hotdog at ilog saka isinangag ang natirang kanin kagabi. Nagsangkap na rin siya ng kape na paborito ng kanyang ina at inihain sa lamesa.

Pagkatapos maghanda ay inalalayan niyang makababa ang kanyang ina. Alas-kwatro imedya nang matapos sila kumain. Inayos niya muna ang lahat ng kakailanganin ng kanyang ina bago niya nag-ayos papasok sa kanyang trabaho.

Dahil maaga siyang nagising, maaga din siyang nag-abang ng bus mula sa labas ng bakuran ng kanilang bahay. Hindi rin nagtagal ang kanyang paghihintay dahil may dumating ng bus. Pagkasakay niya rito ay doon siya dinalaw ng antok.

Umidlip muna siya habanag nakabyahe dahil napakaaga niyang nagising. Ilang minuto din ang tinagal ng byahe bago siya nakarating.

"Good morning, Cali!" Masiglang bati ng kanyang kaibigan.

"Magandang umaga rin sa'yo, Hexine." Ngumiti siya rito at isa-isa niyang itinabi ang kanyang mga gamit.

"Maswerte ka talaga, girl. Biruin mo, ako pala ang magt-training sa'yo." Biro ng kanyang kaibigan.

"Ay, uuwi nalang pala ako." Biro niya rin at sumimangot ang mukha nito. Natawa siya sa reaksyon nito. "Dear, masama ang pakiramdam ko dahil hindi ako nakatulog kagabi."

"Hala, Ate ko. Baka buntis ka? Sinong  ama?!" Over acting na sabi nito.

"OA mo naman, girl. Nanaginip lang ako ng masama." Aniya at bahagyang sinabunutan ang buhok nito.

"Ay, akala ko naman magjojowa ka na." Anito at umirap pa sa kanya.

Ilang oras din siyang tinuturuan ni Hexine kung paano ang trabaho ng cashier. Dahil fast-learner siya ay mabilis niya naman itong nakuha.

Hinayaan din siyang mag-isang mag-punch ng mga binili ng mga costumer habang pinapanood lang siya ni Hexine.

"In fairness ah, ang bilis mong matuto." Saad ng kanyang kaibigan.

Matapos ang ilang minuto ng kanilang trabaho ay narinig nila ang bulungan ng mga kasamahan nilang cashier.

Hindi naman ito masyadong pinansin ni Calistine dahil dumadami ang taong nakapila sa kanya. May mga iilan pa na sinabihan siyang maganda.

"Ate ko, may poging lalake daw na namimili." Nakangiting saad ng kanyang kaibigan at sinisipat-sipat pa kung nasan ang gwapong lalakeng sinasabi nila.

"Na'ko Dear, wala na akong panahon d'yan. Tignan mo naman 'tong mga costumer ko." Pabulong niyang sabi saka tumingin sa mahabang pila mula sa kanyang aisle.

"Ang daming may bet sa'yo, Sissy ko."  Mapagbirong saad ng kanyang kaibigan. "Siguradong maiinggit na naman sa'yo si Berna." Napalingon siya sa kinaroroonan ng Berna na sinasabi ni Hexine. Kasalukuyan itong nakatingin sakanya at tila mo'y nais niyang sumimangot.

May mga iilang costumer din naman sila mula sa kanilang aisle ngunit na higit na mas dinudumog ang linya ni Calistine.

Kung naiinggit dito ang katrabaho niya ay pwede naman silang magpalit dahil hindi natapos ang mga costumer sa kanyang linya.

"Hala ka, girl! Sa linya mo pala pumila si Pogi." Excited na sabi ni Hexine.

Napatingin siya sa pila mula sa kanyang aisle at hinanap ang gwapong lalaking sinasabi nila. Hindi rin naman siya nahirapan dahil higit na nag-stand out ang kulay at taas nito sa lahat ng nasa kanyang linya.

Tinitigan niya ito ngunit hindi niya makita nang maayos ang mukha nito dahil nakatagilid ang position niya. Hindi niya na lamang ito pinansin at nagfocus siya sa trabaho.

Ilang minuto pa, matapos ang siyam na costumer na natapos niya sumunod ang gwapong sinasabi ng mga katrabaho niya.

Napatingin siya rito at totoo naman talaga na gwapo siya at malaki ang katawan.

"Hi." Bati nito sakanya na nagpabilis ng tibok ng dibdib niya. May kung anong nararamdam siya na hindi niya maipaliwang.

Tumikhim siya bago nagsalita. "Hello po, Sir. Magandang umaga po!" Masayang bati niya rito habang inaabot ang mga pinamili nito.

Ngumiti ito sa kanya at hindi maalis ang tingin. Medyo nahiwagaan pa siya sa mga pinamili nito. May kasama pa itong napkin.

"Two hundred sixty three pesos po lahat, Sir." Nakangiti siya rito habang binabalot ang mga pinamili nito.

Nagbigay ng five hundred peso bill ang gwapong lalaki.

"Keep the change, beautiful." Sambit ng lalaki sa kanya at kinurot pa siya sa pisngi kaya naman halos ma-estatwa siya sa ginawa nito.

Natapos ang kanyang trabaho na halos wala siya sa sarili dahil sa wirdong lalaki kanina. Nagsibulungan pa ang kanilang mba katrabaho nang kurutin siya nito sa pisngi.

"Huy! Calistine Ianthee Valsena! Kanina pa kita kinakausap d'yan." Inis na sabi ng kanyang kaibigan. "Iniisip mo si Pogi 'no?"

"Sira ulo. Ano ba 'yon?" Mataray niyang sabi.

"Sabi ko, samahan mo 'kong bumili ng make up. Apakabingi kasi." Mas mataray na sambit ni Hexine.

"Ah, gano'n?" Aniya at umirap sa babae.

Ganito sila palagi, akala mo'y magkaaway ngunit hindi naman.

Pagkadating nila ay pumili na sila ng make up. Nagkokolorete din naman siya ngunit tinitipid niya kasi ang kanyang pera para sa mga gamot ng kanyang ina. Kaya naman minsan lang siya kung bumili.

Pumili na siya ng isang bagay na bibilhin niya at napili niya ang isang pulang lipstick.

"Pak! Tangina oh, sino ka d'yan, sh-t!" Masiglang sabi ng kanyang kaibigan pagkatapos niyang subukan ang pulang lipstick.

Dahil maputi siya ay talagang maganda sa kanya ang pulang lipstick.

"Sira ka talaga, uy." Aniya.

Hindi rin sila nagtagal pa at napagpasyahan na nilang umuwi.

Pagdating niya sa kanilang tahanan ay gano'n parin ang kanyang routine. Magluluto, hain, ligpit, at lilinisan ang kanyang ina.

Sa dami ng kanyang costumer kanina ay talaga naman napagod siya kaka-punch ng mga pinamili nila. Kaya naman nagpalit na lamang siya ng paborito niyang lilac na pantulog saka humiga sa kama.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now