Chapter 12

9 4 0
                                    

Nagising ako sa mga katok mula sa aming pintuan. Tila napakahaba ng tulog ko.

Tumayo si Levan upang buksan ang pinto. Nakasuot lamang siya ng maiksing short, siguro ay itong ang kanyang boxer.

Naalala ko ang nangyari kagabi, hindi ko maisip na magagawa ko 'yon at ngayon nahihiya akong harapin ang lalaking umangkin sa aking pagkababae.

"What do you need?" Walang buhay na tanong ni Lev sa kanyang kapatid.

"Father wants me to check up on you kasi tatlong araw na kayong hindi lumalabas ng silid ninyo." Bungad nito at halos lumuwa ang aking mga mata sa aking narinig. Kunot noo pang napatingin si Von sa katawan ni Levan.

"We're okay, Von. You can leave now." Sambit niya at akmang isasara ng muli ang pinto ngunit pinigilan siya ng kanyang kapatid na si Von.

"Magkakaroon ng pagtitipon at bubuksan ang palasyo para sa mga mamamayan ng ating palasyo." Sambit ng kanyang kapatid na nagpakunot ng noo ni Lev. "Gaganapin ito bago ang hapunan mamaya at dito na rin maipapakilala ang itinikda para sa'yo." Dagdag nito na siyang nagpakaba sa akin.

Bukod sa hindi ko alam kung anong klaseng mga nilalang ang mga makakasalamuha ko ay natatakot din ako na maramdamang muli ang presensiyang nagpakaba sa akin.

"Okay." Maikling sagot ni Levan at isinara ang pinto saka lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Are you ready for later, honey? If you're still not ready, I can tell father." Tanong niya. Umiling naman ako. Kahit pa nasisiguro kong napupuno ako ng kaba na tuluyang maipakilala sa mundo ng mga bampira ay kailangan ko silang harapin. Lalo pa't isa na rin akong ganap na  bampira.

"No, I think I can do it now." Sagot ko at masaya siya yumakap sa'kin.

"I love you." Aniya at hindi ko alam ang aking isasagot. Kumalas siya sa pagkakayakap at ngumiti sa'kin. Napatingin ako sa kanyang dibdib na puno ng mga kagat na nagmula sa akin. Kaya siguro'y nahiwagaan si Von kanina nang makita ang kanyang katawan.

"Why did you opened the door without wearing any shirt?" Tanong ko habang nakahawak sa mga kagat na nagmula sa akin. "Nakita yata ng kapatid mo 'yang mga nasa dibdib mo." Dagdag ko at saka umiwas ng tingin.

"So? It doesn't matter, honey. They're from you." Sagot niya at muling yumakap sa akin.

"I can't wait to let the vampire world know and see how beautiful my mate is." Hinaplos niya ang aking buhok. "I can't wait to let them know that you are a vampire and you belong to this world, Cali." Aniya at hindi ko mawari kung masisiyahan o malulungkot ba ako sa aking mga narinig.

Nasisiyahan ako dahil alam ko na kahit papaano ay may laban ako sa kung sino man ang mananakit sa akin dahil isa rin akong ganap na bampira pero nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung may pag-asa pa akong makabalik sa mundo ng mga tao, sa mundo kung nasaan ang aking ina.

"I know that you still don't accept the vampire world, honey. I respect that but I want them to know that you are mine and that no one can ever touch nor hurt you." Aniya habang patuloy na hinahaplos ang aking buhok.

"I'm sorry, Lev." Tanging sambit ko na lamang dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya.

"Shh. You don't have to, baby." Sagot niya at marahan hinalikan ang aking noo.

Ngumiti lamang ako sa kanya at nagtungo sa paliguan. Nakatapis lamang ako at hinubad ko iyon saka lumusong sa banyera. Nililinis ko na ang aking katawang nang pumasok bigla si Lev. Tinakpan ko ang aking dibdib na siya namang nagpatawa sa kanya.

"I've seen all of that, honey. I even tasted all of that." Aniya at siguradong namumula na ako ngayon dahil sa hiya. "Can I take a bath with you?" Tanong niya.

Tumango lamang ako habang nakatakip parin sa aking dibdib.

"You're such a silly woman. You don't have to hide them from me. I've already marked them." Anito at napatingin naman ako sa aking dibdib kung saan siya kumagat.

"Tigilan mo 'ko, Lev." Aniko at patuloy umiiwas sa kanya.

Mabilis naman siyang nakalapit at niyakap ako mula sa likuran. Dahil wala kaming suot na kahit ano ay nararamdaman ko ang pag-igting ng kanyang pagkalalaki mula sa aking likuran.

"Why can't I resist you, baby?" Tanong niya habang marahang hinahanaplos ang aking tiyan.

"Alam ko namang ganito talaga ako kaganda, Levan. Kaya hindi ka talaga makakapagtiis sa'kin." Pabiro kong sabi. "But let's take a bath now so that we can get ready for later."

Padabog siyang humiwalay sa akin at nag-umpisang maglinis ng kanyang katawan. Hindi ko alam kung may hiwaga ba ang mundong ito dahil tila nagni-ningning at may kaya-ayang among ang tubig na aming gamit sa pagligo. Higit din itong nakakaginhawa sa pakiramdam kaya naman napakasarap sa pakiramdam sa t'wing dadampi ito sa'yong balat.

Ilang minuto pa ang itinagal namin sa pagligo at sa buong oras ng panliligo namin ay hindi mawala-wala ang tingin ng lalaking ito sa akin. 

Pinagnanasahan na naman ako.

Umahon na rin si Lev sa tubig ilang minuto matapos kong umahon. Ngayon ay naghahanda na kami para sa pagtitipon na gaganapin mamaya. May mga kasuotan at palamuting nakahanda sa aming higaan nang kami'y matapos maligo. Isang napagandang lilac na dress ang nakahanda para sa akin. May mga palamuti rin itong kasama na bumagay sa damit na aking susuotin.

At sa unang pagkakataon ay may bahid din ng kulay lilac ang kasuotan ni Levan. Sa pananatili ko rito sa mundong ito ay hindi ko pa nakita si Levan na nagsuot ng ibang kulay maliban sa pula at itim. At siya lang ang nakita kong bampira na nagsusuot ng pula, kahit ang kanyang pamilya ay itim din ang palaging sinusuot.

"Puro itim lang ba talaga ang sinusuot ninyo? Ikaw lang yata ang nakita kong nagsusuot ng kulay pula maliban sa itim." Usisa ko habang nagbibihis si Levan. Natapos na rin ako sa pag-aayos sa aking sarili kaya naman tinutulungan kong mag-bihis si Levan. 

"Vampires usually prefer the color black when it comes to our clothes." Sagot niya habang inaayos ko ang kanyang kurbata na kasing-kulay rin ng aking kasuotan. "Thank you for helping me with this thing, hon." Aniya at ngumiti lamang ako biglang sagot. "Did you know that wearing this shit has always been my problem every time that there will be a gatherings or celebration in this kingdom?" Natatawang sabi niya.

"Sa angas mong'yan, hindi ko aakalaing hindi ka marunong magsuot ng kurbata, Levan." Pang-aasar ko at tiningnan niya naman ako ng masama.

"What do you mean? What's angas?" Inosenteng tanong niya na halos mapahagalpak ako sa tawa. Para siyang bata na walang kamuwang-muwang. "Stop laughing, Calistine." Nakakunoot-noong sambit niya. 

"Angas means you're boastful. It's like an expression in my world." Mas lalong kumunot ang kanyang noo at nasisiguro kong hindi niya nagustuhan ang aking mga sinabi.

"Hindi ako 'angas', 'no." Sagot niya habang nakatingin ng masama sa'kin. "I look like I'm 'angas' 'cause I'm a Romanov and I'm handsome." Pagmamayabang niya. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong hindi siya marunong managalog.

"Okay, Mr. Romanov. Sabi mo e." Ani ko at pinisil ang kanyang ilong. 


Sorry for the late update! Feb-March has been the busiest months for me so far. Thank you for those who's been reading my story, I appreciate y'all!!

Crimson EyesKde žijí příběhy. Začni objevovat