Chapter 9

130 11 4
                                    

Safe

Hindi ko namalayan ang oras habang nakaupo sa kama at nakatanaw sa pool. Tumatama kanina rito ang sinag ng araw pero hindi ko alintana ang init dahil sa nakabukas na aircon.

Masyado rin akong naabala sa pag-aalala kay Tiya Berna at ang huli naming pagkikita. Alam ko na mali ang ginawa niya sa akin pero hindi ko siya magawang sisihin.

I must have looked stupid the night she brought me to the Bordello.

I wonder if she knew about what happened to me? Hinahanap kaya niya ako? Nag-aalala ba siya? Iniisip ba niyang patay na ako gaya ng ibang tao roon?

“Miss!” sigaw ni Hans na nagpatalon sa akin.

Dinig ko ang tsinelas niya habang pababa ng hagdan. Tumayo ako para salubungin siya.

Marahil ay alam niyang nagulat ako sa naging pagsigaw niya. Malaki ang ngiti niya habang nagkakamot ng ulo.

“Sorry. Nagulat ba kita? Aayain lang sana kita para sa hapunan. Hindi ka naman nakapagmeryenda at kanina ka pa rito. Hindi ka ba nagugutom?”

I would have answered him no. But my stomach suddenly rumbled, making me remember the last meal I had was the breakfast Sir William bought for me.

Hans' eyes followed the movement of my hands as they flattened against my stomach. “Gutom ka na? Sabi ko na nga ba nahihiya ka lang lumabas. Halika, nakahain na ang hapunan.” He turned his back and went to the stairs. Isang beses akong nilingon para siguraduhing nakasunod ako sa kanya. “Mapapatay ako ni Dmitri kung mamatay ka rito sa gutom. Mukhang may mahalaga pa naman siyang ipapagawa sa'yo.”

I stared at the food at the table when we reached there. There was one big roasted chicken in the center and on the corner of the table was a familiar plastic bag. Halos maglaway ako nang maamoy iyon. Iyon ang paboritong pulutan ng mga kapitbahay namin at madalas na nanghihingi si Tiya Berna ng dalawang hiwa para iulam namin.

We couldn't afford to buy a whole chicken.

“Allergic ka ba sa manok?

Umiling ako sa tanong ni Hans.

“Sigurado ka? Sa itsura mo parang ang daming bawal sa'yo.”

Magkatapatan ang upuan namin. May mga pinggan at baso na sa mesa kaya pinanood ko na lang nang sumandok siya ng malaking kanin sa kaldero at dinala iyon sa pinggan niya. Halos kalahati iyon ng sinaing nasa kaldero. Tapos ay kinamay niya ang manok para hatiin. Inilagay niya ang hita sa pinggan ko at natigilan.

“Wala ka palang kutsara.” Mabilis siyang tumayo at binigyan ako ng kutsara't tinidor. “Mas masarap kumain n'yan kapag nakakamay… Kulang ba ‘yang kanin sa'yo?” aniya nang mapansin na nakatingin ako sa pinggan niya.

Muli akong umiling. Ilang beses na nabanggit ni Tiya Berna na malakas kumain ang mga lalaki. Napansin ko rin naman iyon nang nagtrabaho ako sa karinderya pero nagulat pa rin ako sa rami ng sinandok na kanin ni Hans.

“Kaunti lang naman akong kumain,” sabi ko at sumandok ng akin.

“Ah! Nagulat ka ba sa kanin ko? Gan'to talaga kaming mga lalaki. Lalo na ako. Mamaya lang ay mawawala na rin kapag nag-exercise ako sa gym.” Tinuro niya ang isang malayong pinto. “Pero ibahin mo si Dmitri. Parang babae ‘yong kumain.”

Kumakain siya habang nagkukwento. Hindi ko mawari kung dahil gutom ako o dahil magana siyang kumain kaya napasarap din ang kain ko.

“What about Dmitri?” I asked. “Kailan s'ya babalik dito?”

Nagkibit-balikat siya. “Kung kailan n'ya gusto. Marami rin siyang inaasikaso. May trabaho rin s'ya sa kompanya nila.”

“I thought you're working with him on something?”

Unwilling VictimWhere stories live. Discover now